“Uwaa. Ang gwapo niya talaga. My dream boy”
“Hoy sira! Naglalaway ka na naman.” Sabi ni Prim Sophie Collins. Siya ang best friend ko mula pagkabata. Ang bestfriend kong laging nandiyan kung hindi ko kailangan. Ang bestfriend kong parang si mommy lang. Ang bestfriend kong parang si cupido kung makapag matchmaking. Ang bestfriend kong baliw at ang bestfriend kong mahal ko, at mahal ako.
“Hala! Talaga?” sabay hugot ko sa uniform niya at pinahid ang laway na sinasabi niya.
“Eeeeww. Langya ka Yhannie. Bat mo dito pinahid? Basahan ba ako?!” Ayyyt! Hindi kasi ako tumitingin kasi nakatitig ako ngayon kay Stephen Tyler Lacson. Ang crush ko simula pa nung elementary hanggang sa nagpuberty.
“Ay! Sorry!”
“Lakas talaga ng tama mo sa lalaking yan. E ang layo kaya ng agwat niyo. Sun siya, Pluto ka.”
“e.e? Planeta ba ako?” Tiningnan ko si Prim habang nakakunot ang noo ko.
“-_-… In short, di kayo bagay.” Ano ba naman tong bestfriend ko, dinidiscourage ako. Friend ko ba talaga siya? Pero tama nga naman si best. Hanggang pagtingin nalang talaga ako. Ang dami kasing umaaligid sa gwapong yun. Isa kasi siya sa “crush ng bayan” at “campus crush”. Ang galing niya kasing maggitara, magpiano, kumanta, sumayaw at magluto. Matalino din siya. Isa siya sa mga math wizards sa campus namin. Siya ang laging pambato ng school pagdating sa math contests, at syempre, marami-rami na rin ang panalo niya. Maraming nagpapaturo sa kanya kung paano e solve ang mga heart problems- este, math problems. Nagpapansin lang siguro ang iba dun, kasi nagpapanggap na hindi pa marunong para makasama ng matagal si Stephen. Siya rin ang president ng Student Council. Hinding hindi talaga ako mapapansin ng ultimate crush ko na yun. Sino ba ang magkakagusto sa isang nobody? Pero bahala na! Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko! – Evil laugh -
“Kahit ano pang sabihin mo, gusto ko siya. Kahit di ako ganon ka talino, gusto ko siya. Kahit na maraming may gusto sa kanya basta gusto ko siya. E ikaw, may gusto ka rin ba?”
“Oo! Gusto kong tumahimik ka na diyan!” Tiningnan ko ulit si Stephen pero, Oh my gulay! Wala na siya! Saan ba nagpunta ang gwapong yun? Saan?!?!? Lumingo-lingo ako. Wala talaga. TT n TT
“All students please come into the gym for some announcements.” Boses yun ni Stephen :OO
“Oy best. Halika na! Sa gym daw! Tinatawag ako ni Mr. Dream boy ko este, tinatawag tayo ng SC President. Ahihihihi!” Tumayo naman agad si Prim. While papunta pa lang kami, mag-iintroduce na muna ako. Ako nga pala si Yhannie Gale Flint . Ang babaeng NBSB at optimistic. At tsaka wala akong parents. Joke! Meron pero super duper busy nila sa work kaya wala na talaga silang time para saakin. Mabuti nalang at nandiyan si Prim. Pero okay lang, binibigay din naman ng mga parents ko ang mga bagay na kailangan at gusto ko. Yun lang siguro? Nakarating na kasi kami ee. >:D
Pagkadating namin, may mga upuan nang nakahanda para sa mga estudyante. Umupo kami sa pinakagitna. Nandoon kasi si Brent Duane Meyer ang isa ko pang friend. Umupo ako sa gitna nina Prim at Brent. Medjo maingay dito kasi nandito lahat ng students. Bigla namang tumahimik ng nagsalita na si Mr. Dream boy ko ^//U//^.
“We’ve called you here because of some announcement of the changing of rules in this academy… blahblahblah” Titig na titig talaga ako kay Stephen. Titig na titig nga pero di ko naiintindihan yung sinasabi niya.
“Hoy! Baka matunaw si Stephen niyan.” Bulong ni Brent.
“Oo nga! Magconfess ka na kaya.” Bulong din ni Prim
BINABASA MO ANG
Crush Ka Ba Ng Crush Mo? (On-Hold)
RomanceGirl - Simpleng babae, mabait, sweet, optimistic. May crush sa isang oh so genius guy sa kanilang campus. Naging personal maid. Boy - Ang chick-magnet sa school nila, super duper gwapo, super duper matalino, super duper talented, super duper suplado...