10

53.7K 851 55
                                    

10

Sa palaging nagcocomment, walang mintis, salamat….

****

Masaya ang mga katrabaho ni Mavee, sino ba naman ang hindi kung ang kasama ninyo ay halos bilhin na yata ng pagkain. At habang namimili ay hawak-hawak ang kanang kamay niya. Possessive much? Tinagka niyang hilain ito pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak.  Kinikilig tuloy ang mga kasamahan niya.

“Craig, mauubos ba natin ito?” Paano kasi, punung-puno na ang lamesa nila.

“Ipabalot na lang natin Mavee, pagkatapos ibigay natin sa ibang department para maiinggit sila dahil hindi sila sumama sa atin.” Sabi ni Frida.

Ngumiti lang si Craig. “Ang sweet naman ng boyfriend mo, Mavee, may kapatid pa ba yan?” Tanong ni Yuna.

“Magsitigil nga kayo.” Nahihiya si Mavee, hindi naman kasi niya talaga totoong boyfriend si Craig di ba? Ewan ko nga lang sa taong ito, kung makaasta eh akala mo sila na talaga. Kung makapakilig, wagas!

“Hayaan mo na sila, Hon, at least they will be aware that you are already take. So girls, kindly tell those men in your department and in the whole  company that Mavee is already taken. That anybody who will try to flirt with her will deal with me.”

“Whoa!”

Namula naman si Mavee. “Craig naman.”

“What? Remember Honey, I’m a very possessive man, besides, it’s in the paper that you will be mine in the whole duration of our scheme.” Bulong nito sa tenga niya na akala mo ay may sinasabi lang na kasweetan.

Biglang natahimik si Mavee, somehow kasi nag eexpect siya na may ibang pakahulugan ang sinasabi at ginagawa ni Craig, wala pala, it’s simply in the paper. She is damn disappointed.

Hinatid pa sila nito hanggang sa harap ng building nila. “I can’t fetch you this afternoon, Mavee, I have to attend to a very important business meeting.”

“It’s okay, Craig, you don’t have to fetch  me. Magtataxi na lang ako.” Naiwan kasi niya ang sasakkyan niya since hinatid siya ni Craig kaninang pagpasok.

“No, I’ll tell my driver to be here before your time.” Magpoprotesta pa sana siya.

“Don’t argue, Ma. Venice. And don’t forget to text me when your home mamaya after work.”  Yumuko ito para bigyan siya ng mabilis na halik sa mga labi bago umalis. Tulala tuloy siya.

“Graaabbbeee! Your boyfriend is so hot, Mavee!” Si Frida. Papasok na sila para mag time-in.

“San mo ba siya nakilala ha? Sobrang sweet at sobrang generous, Mavee. Baka may kapatid pa siya, girl, pakilala mo naman ako, or pag sawa ka na, sa akin na lang siya.” Pagbibiro ni Yuna.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon