21

45.1K 911 43
                                    

21

(Bakit itong story na to, bilis magvote ng mga magagandang readers ayaw namang magcomment? Hehehe…Wala lang, just curious…pero salamat sa pagtitiyaga…)

******

“Good news JC! Nakuha na natin ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Alejandro, ginawa ko na yung suggestion mo.”

“Good, see to it that they will not know who am I.  Ibang klase ka ring magtrabaho, Zanjo”

“basta para sa pamilya, mag-oopen na nga po pala ng sabay yung tatlong branches natin ng Japanese restaurant sa tabi nila, bibisitahin mo pa ba?”

“Yes I will, just see to it that everything is ironed out when I get there, I don’t want problems.”

“Oo naman JC, nakuha na natin yung isa sa mga kompanya niya, magsisimula na ang kompetisyon na sigurado namang talo si Alejandro.”

“Ikaw na muna ang bahala Zanjo, I might be there tomorrow or the next day.”

******

“Dad?” Hinahanap ni Mavee ang ama, balak niya kasi itong kausapin about their business, kung pupuwede sana siyang bigyan ng kahit isang taon man lang para magtrabaho sa iba, after that pag-aaralan niya ang lahat ng pasikut-sikot sa negosyo.

Binuksan niya ang pinto ng library, madalas kasi dito ito nagtatrabaho. Nakita niyang may kausap ito sa cell phone. Aalis n asana siya when he overheard her name.

“Not Mavee, not my daughter. You know that I changed my mind, I cannot give you to her. That was before, Gonzalo.”

Bigla siyang kinabahan, si Gonzalo ang alam niyang magiging asawa niya sana. She knew that eavesdropping is not good but she’s curious. Her father sounds problematic and she doesn’t like the idea that probably that Gonzalo is trying to blackmail her Dad.

“Yes she’s here with us, but we talk about it.” Mahinahon pa ang boses nito.

Nakatalikod ang ama kaya hindi niya makita ang facial reaction nito. Biglang nagulat siyang nung sumigaw ito.

“That’s bullshit, Gonzalo! You wanted to get it, then do, but not Mavee! Never!”

Ngayon niya lang nakitang ganun ang galit ng ama, kahit nung hindi siya pumayag sa gusto nitong mangyari ay hindi ito nagalit ng ganun sa kanya. Maya-maya pa ay nakita niyang hinawakan nito ang dibdib.

“Dad?” She worriedly gets inside the library.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon