23

45.5K 595 17
                                    

Author's Note: Wala ulit...alam na gagawin ha...

*****

23

Nagulat ang lahat nung si Mavee ang pumasok sa opisina ng Daddy niya, hindi naman kasi nila alam na bumalik na siya ng Gensan. Maging ang pinagkakatiwalaan ng Daddy niya na pinsan nito na si Gregory Klein. Ang Tito Greg niya. Prenteng nakaupo pa ito sa table ng ama niya. She smirked, mukhang iba ang nararamdaman niya sa taong ito.

Napalundag ito nung makita siya. “Mavee, Iha, kailan ka pa dumating?” Umalis ito sa swivel chair nang ama. Lumapit si Mavee at inayos ang pagkakalagay ng name plate ng ama.

“Ah, ni-nililinisan ko lang yung table niya.” Very defensive na sabi nito.

 “You don’t have to, ako ng gagawa. Tito Greg, I need all the financial reports of the company and I need them now, from year 2010 up to present.” Nakita niyang napalunok ito.

“Ngayon na?”

“Yes. Is there any problem with that? I believe updated naman ang records natin, di ba?”

“O-oo naman. Si-sige, ipapahatid ko na.”

“Salamat. And Tito, kindly lock the door when you leave, I don’t want any disturbance, I’ll just give a ring in case I need something.”

“Okay.”

Masusi niyang pinag-aralan ang ibinigay na reports sa kanya. Kung tutuusin, may kasalan rin siya sa nangyayari sa company, matagal na kasi niya itong dapat pag-aralan, hindi pa lang siya handa that time, hinintay niya pang mangyari ito. Napakunot noo siya nung may makitang malaking pera na inilabas nung 2011 hanggang 2013, saan gumastos ng ganun kalaking halaga ang ama niya? Hindi naman naka indicate kung para saan ang pera.

Mamaya, kakausapin niya ang ama at ina niya tungkol rito. Marami pa siyang nakitang questionable amount sa reports. Sino ba ang pinagkakatiwalaan ng ama niya ever since? Si Tito Greg lang naman niya ah.

Samantala, tumawag si Greg kay Zanjo. “Sir, may problema tayo.”

“Ano yun? Hindi ba kabilin-bilinan ko na ayoko ng problema?”

“Buong akala ko kasi hindi na babalik ang anak niya, nagkamali ako. At ngayon nandito siya, pinapacheck lahat ng mga financial reports ng company ng daddy niya.”

“Problema mo nga yan, lusutan mo.” Pinatayan siya nito ng telepono.

Nagngingitngit at natatakot si Gregory Klein. Bakit kasi bumalik-balik pa si Mavee, okay n asana ang mga plano niya, malinis na. Wala na sanang problema. Kailangang makagawa siya ng paraan bago mahuli ang lahat.  Pag nagkabistuhan na, tiyak na kalaboso siya.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon