13

48.5K 597 10
                                    

13 

Isang suntok ang pinakawalan ng ama niya. Tinamaan siya sa mukha at putok ang mga labi niya pero hindi niya iyon ininda.

"Yan lang ang pinagagawa ko sayo, JC! Hindi mo pa nagawa! Sabihin mo kung hindi mo kaya, o baka nga talagang hindi mo kaya? Ano ba ang silbi ng katulad mo kung hindi mo man lang magawa ang napaka simpleng bagay?"  

Napayuko siya, naikuyom niya ang mga kamao. Tama ang ama niya, yun lang naman ang hinihiling nito sa kanya ever since, wala ng iba, pero hindi pa niya magawa-gawa. Bakit ba siya nahihirapang pabagsakin si Alejandro Klein?  



"I will take over the board JC, hangga't walang nangyayari sa plano mo, hindi ko hahayaang mamuno ka sa kompanya ko.


"   "Pa! That can't be!"   His father smirked.



"You know what I want."  


"I'll give it to you, Pa. I'll let Alejandro Klein suffer, I will let him beg, I will let him kneel before us."



  "I want action JC, not merely words, and I want it the soonest, now if you can't do it, then stay away from my company!"


  Hindi siya makapapayag na ganun ang mangyayari, dugo at pawis ang ipinuhunan niya para sa kumpaniyang ito. Oo nga at pag-aari ito ng ama niya pero sino ba ang naghirap, hindi ba siya?  


"Kung hindi mo kaya, kakayanin naman siguro ng dalawa mong kapatid?" Ngumisi ang ama niya, yung mga ngiting hindi niya gusto. Hindi siya makapapayag na papasok sa eksena ang dalawa niyang kapatid. Hindi siya papayag na pati ang mga ito ay matututo ng larong pinasok niya, tama nang siya ang makaranas ng lahat, pati na ng lupit ng ama niya.   "O baka naman pati ang Mama mo...


"   "Tama na!" Awat niya sa ama. "Gagawa ako ng paraan, babagsak si Alejandro Klein sa kahit anong paraan!"  


"Just be sure of that, my dear son." Umalis ito sa harap niya. Naiwan siyang nagpupuyos sa galit, galit sa ama, sa sarili at kay Alejandro Klein. He dialled his mother's number, he's really missing her, them, sila lang naman ang pamilyang matatawag niya at hindi kasama dun ang ama.  


"Jay Craig!" HE smiled when he heard his mom's voice.


"Ma, how are you?"







  "We're doing good here, Iho. How about you? Do you have a serious girlfriend already? Mama's gonna go home next week. We will be going there next week, bakasyon na nang mga kapatid mo eh."




"I'm happy to hear that, Mom. At least makakasama ko na naman kayo. Magiging masaya na ulit ang bahay."



"But son, let me meet your girlfriend okay." Pagpipilit pa rin nito.


  "Ma..."  


"Cyrus told me that your in-love right now, so please do not deny anymore, and let me meet her.


"   "What!" Anak naman ng nanay niya, wala talagang magawa kung minsan ang tarantado niyang kaibigan. Makikita nito, ipapahamak pa talaga siya.



  "Don't be mad at him, pinilit ko talaga siya, Jay Craig, I even blackmailed him." Pagbibiro pa nito. Bakit ba ang gaang kausap ng ina niya, parang lahat ng bagay ay simple para dito? Kaya nga mahal na mahal niya ito. Close sa ina ang dalawa niyang kaibigan, minsan kapag kailangan ng mga ito ng payo ng ina, tumatawag sila sa kanya.



  "Okay, Ma. Sige na po at may gagawin pa po ako, you take care, okay.Tell my brothers, I missed them."  


****** 

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon