14
Bulung-bulungan sa kompaniyang pinapasukan niya na nabili na raw ito ng isang kilalang businessman.
Nagtataka nga ang halos lahat ng empleyado dahil ang alam nila hindi naman ito nalulugi.
Maganda naman ang takbo ng kompaniya, ang sabi nga ng ibang kasamahan nila hindi naman daw ito nalulugi.
"Naku, Mavee, baka totoo yung bali-balita, pagkatapos tatanggaalin lahat ng empleyado, papalitan ng bago, tapos mawawalan na ako ng trabaho."
"Masyado ka namang nega, Yuna! Hindi naman siguro nila gagawin yun, siyempre may kontrata tayong pinirmahan, and then anong ginagawa ng Department of Labor." Si Frida.
Actually, Mavee is also worried, what if that will happen? Ngayon pa kung kailan nag eenjoy siya sa pinapasukan. What if the management will just let them finish their contract and will not renew them anymore? Ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon, ang hirap ring makisama sa magiging katrabaho mo.
Ngayon pa na naging close na rin niya ang iba pa niyang kasama. Tumingin siya sa kanyang relo, Craig texted her and told her to wait for him. Mukhang magdadate na naman sila. Habang tumatagal mas lumalalim ang nararamdaman niya sa binata, ang hirap pigilan.
Ang hirap umiwas lalo pa nga na hired girlfriend pa rin siya nito. Bakit kasi natural ang pagka sweet nito, natural kung maglambing. Ni hindi niya maramdamang nagkukunwari lang siya, tuloy umaasa siya na kahit papano, totoo ang ipinapakita nito sa kanya.
"You're waiting for your hot Papa Craig ano?" Tanong ni Frida sa kanya.
"Yup, may usapan kasi kaming dalawa."
"Wag mo na siyang pakawalan, Mavee, bibihira ka lang makakakilala ng katulad niya, sobrang guwapo na, mayaman pa, at halatang in love na in love naman sayo." Si Yuna.
Ngumiti lang si Mavee, kung alam lang ng mga ito ang totoong sitwasyon nila ni Craig. Natanaw na niyang paparating ang sasakyan nito kaya nagpaalam na siya sa mga katrabaho niya.
Agad siyang pinagbuksan ng pinto at nung nakapasok sa loob ng sasakyan ay hinalikan siya nito sa pisngi. Nakakakilig talaga.
"How's your day, Honey?"
"Medyo okay naman." Tumingin ito sa kanya.
"Bakit medyo okay lang? Something happened?" Tila nag-aalala ito.
"Wala naman, it's just that, usap-usapan sa work place na may bago na raw management."
"Really?" Sa pagmamaneho ang atensiyon nito.
"That's what they say, pero wala namang confirmation."
"What do you want to eat? You like Japanese or Italian food?" He diverted the topic.
"Hmmm. Can we try Filipino food this time?" Namimiss niya kasi ang adobo at sinigang, at nagugutom siya.
"Anything for you, Hon. Ipapatikim ko sayo ang pinakamasarap na Filipino cuisine.
"
As usual, Mavee was amazed again with the place, kakaibang Filipino restaurant na naman ang pinagdalhan sa kanya ni Craig. Kung sana in good terms sila ng kanyang family ngayon, she would love to share all the ideas she got here. Nalungkot na naman siya nung maalala ang pamilya.
BINABASA MO ANG
He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)
General FictionJay Craig Chou hired Ma Venice Klein as a girlfriend. An ordinary story right? But you might fall for it...lol! Why would a drop-dead-gorgeous-rich man hires someone to be his girlfriend? There might be reasons...would you like to know why? "Kapag...