43
Most of the time, I got a problem with endings. …so here is my ending for this story, madalas kasi nabobored ako pag masyadong mahaba ang takbo ng story, isa akong reyna ng maiinipin!
I just would like to thank you for the time and the effort in reading this story of mine, for all the comments and votes. Salamat na rin sa mga silent readers…baka gusto ninyong mag-ingay ngayon! New Year naman!
****************
Nung pumasok siya ay agad na hinanap ng mga mata niya si Mavee. Nakita naman niya ito agad pero biglang nag-init ang ulo niya nung makilala kung sino ang kausap nito.
Si Gonzalo!
Mas lalong nag-init ang ulo niya nung nakita niyang kinuha nito ang kamay ni Mavee at akmang hahalikan.
“Just don’t you dare do that Gonzalo!”
Both Mavee and Gonzalo looked at his direction.
“Craig?” Gulat na gulat si Mavee. Walang pasabi ang lalaking ito na darating ito ngayon. “What are you doing here?”
Anak naman! Pagkatapos niyang mamiss ang babaeng ito every minute of the day, tatanungin siya kung ano ang ginagawa niya rito. Dahil ba kaharap nito si Gonzalo.
“Oo nga naman, Chou, ano ng aba ang ginagawa mo rito?” Asar ni Gonzalo na nakangisi pa.
“Mag popropose.” Walanghiya! Ano bang nasabi niya. Kung nandirito si Claude malamang nabatukan na siya.
“Ano? Proposal?” Natawa si Gonzalo. “Marriage proposal?” Asar ni Gonzalo.
LIntek!
“Yes! Marriage proposal. That woman in front of you is soon to be my wife, she’s the mother of my children. She’s the one I wanted to marry and be with for the rest of my life. She’s the love of my life! And dammit Gonzalo, will you please back off! Don’t anymore push your luck on Mavee.”
Nanlalaki ang mga mata ni Mavee na nakikinig sa kanila, akala ba nang mga ito wala siya sa harap nila. And he is proposing? Bakit si Gonzalo ang kausap niya? Nakakainis! Magpopropose tapos ganito ka epic fail? She walked out. Nakakadalawang hakbang pa lang siya nung biglang hinabol siya ni Craig.
“Mavee, I’m sorry. This guy here ruined my patience!”
“Ewan ko sayo, Craig! Magsama kayong dalawa, diyan ka magpropose!” Naiinis siya pero at the same time kinikilig. Sino ba naman ang hindi kikiligin, eh nalaman niya ang bipolar na lalaking ito na matagal na niyang mahal at ama ng mga anak niya ay mahal rin siya at balak siyang pakasalan. PEro sino naman kasi ang maiinis dahil wala man lang ka swetan kung magpropose, sa harap pa ni Gonzalo sasabihin.
BINABASA MO ANG
He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)
פרוזהJay Craig Chou hired Ma Venice Klein as a girlfriend. An ordinary story right? But you might fall for it...lol! Why would a drop-dead-gorgeous-rich man hires someone to be his girlfriend? There might be reasons...would you like to know why? "Kapag...