29

49.2K 698 38
                                    

29

Light  lang to na chapter…Thank you so much sa mga nagbabasa ng story na to, nadagdagan ang followers ko dahil rito, mga tatlo? Wahahaha! Seriously, never thought na aabot siyang ganito…Merry Christmas!

***********************************************

Bakit ba niya hindi kayang pakawalan si Mavee? Bakit hindi niya kayang ibigay kung ano ang gusto nito? Nung araw na nakita niya ito sa bar kasama si Claude, talagang hindi niya na napigilan ang sarili, ni hindi niya naisip na kaibigan niya ang kasama nito. Kilala niya si Claude, maloko ito pagdating sa babae, ayaw niya lang na isama nito si Mavee sa mga koleksiyon niya. Pero hindi ba wala naman siyang pinagkaiba rito?

Sinadya niyang sundan ito that time, alam niyang may dahilan at biglang binago nito ang ayos niya, nagulat nga lang siya nung sa bar mismo ni Claude ang punta nito, at mas nagulat siya nung ito at si Cyrus na ang mga kasama niya.

Alam naman ng mga ito ang estado nila ni Mavee, kaya bigla siyang nainis,kaya nung nakita niyang nasa dance floor na ang dalawa, hindi na niya napigilan ang sarili niya, kahit siya nagulat na nagawa ang bagay na yun.

Pero nung nasa kotse na sila ni Mavee at nakita niyang umiiyak ito, gusto niyang suntukin ang sarili niya, kung nasasaktan ito, mas nasasaktan siya na nakikitang nasasaktan ito. Bago sa kanya ang damdaming yun, ang alam niya lang, tanging ang Mama niya lang ang babaeng pupuwedeng durugin ang puso niya.

Kaya hindi niya kaya yung nagyari kanina sa opisina. Nung umiyak na si Mavee, nataranta siya, ang tanging nagawa niya lang ay yakapin ito at halikan. Yun ang pagkakamali niya, dahil nung lumapat yung mga labi niya sa mga labi nito, gusto niyang sumpain ang sarili niya sa nagawa.  Pero mas hindi niya kinaya yung narinig sa dalaga na palayain na niya ito, pakawalan na siya.

Ayaw niya. Ni ayaw niyang mawala ito sa paningin niya. Kaya nga pinipilit niya itong pumasok ng maagang-maaga dahil gusto niyang ito ang unang taong makita sa opisina niya. Aaminin niyang nagulat siya nung malamang magtatrabaho ito sa kanya pero sa totoo lang, gusto niya ito, gusto niya yung pakiramdam na malapit si Mavee sa kanya, pampakalma niya ito. Kapag galit siya  o sobrang pagod sa trabaho, titingin lang siya rito ay ayos na.

He was very excited to wake up and start the day this morning.  Actually, ngayon lang naman siya excited pumasok sa office halos araw-araw, but of course, this day is special.

He was actually planning to relax today and have fun if he can, and he wanted to do it with Mavee. Sa totoo lang, birthday niya ngayon, maaga pa ay nakatanggap na siya ng tawag mula sa mga kapatid niya at sa Mama niya, pero walang galing sa Papa niya, Inaasahan naman niya yun, madalas kasi, kinakalimutan nito ang birthday niya, kahit nung bata pa siya. Madalas wala ito sa birthday parties niya. Malayo ang loob nito sa kanya, alam niya yun.

Tinanong nga siya ng Mama niya kung ano ang gusto nitong gawin ngayong araw, isa lang naman ang pumasok sa isip niya, ang makasama si Mavee sa buong araw. Pinauwi niya kasi ang Mama niya at mga kapatid sa ibang bansa, wala kasing alam ang mga ito sa nangyari sa pamilya ni Mavee at sa kanila ng Papa niya. Alam kasi niyang tututol ang ina sa ginawa nila, ayaw niya itong bigyan ng sama ng loob.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon