26

46.8K 758 31
                                    

26

Wow! I was overwhelmed with the comments in the previous chapter, I didn’t expect that you will like this story, to be honest, I don’t have any idea yet how to end this or what the pak(hehe) will I do to Craig. Thank you so much for the long comments, I had finished few stories but it is just in this story that I received long comments…ayish, enap  na, nosebleed na ako..hehehe…salamat sa votes …

 ……and I realized na marunong pala ako magdrama…ewwwww! Di ko actually binabasa after magtype kaya di ko alam ano kinalalabasan. Sa comments lang ako nag babasa, sa pm, sa….wala na…yun lang…light chapter lang ito, pacute lang…

Balik muna sa normal scenes…

**************

KInabukasan, maaga pa ay gising na si Mavee, sa totoo lang, hindi naman talaga siya nakatulog ng mabuti. Iniisip niya kung paano pakikiharapan ang mga Chou araw-araw, lalo na si Craig. Hindi niya alam kung kakayanin ba niyang tumagal sa trabaho kung lagi niyang makikita ito. But she doesn’t have any choice, there will be a lot of people who will suffer just in case she will not work. Mas hindi niya kakayanin yun. Hindi kasi siya kasing sama ng bagong may ari ng kompanya.

Nag-usap sila ni attorney na wala itong sasabihin sa ina tungkol sa mga Chou, ayaw niyang madagdagan ang alalahanin nito. Sinabi na lang niya sa Mommy niya na may nakita siyang bagong trabaho.

“Ma, I’ll start working now, hindi kita masasabayang mag lunch ha, si Yaya nang bahala sayo. Love you, Mommy.”

Tanging malungkot lamang na ngiti ang ibinigay ng ina. “Mag-iingat ka anak ha.”

“Yes, Mom, kakain ka ha.” Nagpaalam na siyang muli.

Ngumiti ang guwardiya nung pumasok siya, binati siya nito. Kagabi, habang nag-iisip siya ay may nabuo siyang plano, hindi pupuwedeng ang mga Chou lang ang nagpaplano, hindi pupuwedeng sila ang laging panalo. Hindi man man niya mababawi ang lahat ng kayamanan niya, kahit naman makakaganti siya at yun ay sa kahit anong paraan. Hinding-hindi pupuwedeng sumuko!

Kumatok muna siya sa pinto bago pumasok, ang sabi kasi ng babaeng hindi nya kilala, sa loob mismo raw ng opisina ng presidente ang magiging mesa niya, yun raw kasi ang bilin nito.

She knocked at the door before she opened it. Salubong na ang mga kilay ni Craig. Tumingin ito sa relo niya. “Do you have any clock, Ms. Klein? Aren’t you aware of the time?”

Siya naman ang nagtaas ng kilay. It’s ten minutes past eight, ang alam niya, eight ang pasok ng tao sa office na yun. Pero wala siya sa mood makipagtalo sa kaharap niyang demonyo. “I’m sorry if I’m late, I’ll try not to do it again.” Walang buhay na sagot niya.

“You should! The last thing that I want my employee to do is to be late. Be here at 6:00 a.m., sharp!”

“What?! And who do you think you are? Ano ito, call center? Crew na kailangang maaga pa narito? ” Sarkastiko niyang sabi.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon