Chapter 1 #Introduce

30 1 0
                                    

On voice : Fate Ferrer

"MS. FERRER!!!" sigaw ng prof. ko . Si Madam Ming Pimpowls . (Ang saya ng pangalan niya , kasintulad lang ng Madaming Pimples Niya na totoo naman talaga) Madami siyang pimples sa fess . Nakakalerki eh , pinipisa niya kasi.

"Yes M-ma'am?" nauutal kong sabi . Dinilatan niya lang ako ng mata at sumenyas na tignan ko daw ang mga kaklase ko , tahimik sila kaya napalingon naman ako , kasalukuyan pala silang nagsusulat. Lumapit siya saakin' akala ko anong gagawin niya , baka masampal patong precious fess ko . T.T Pinasok niya yung hintuturo niya sa bibig ko , kinurot niya yung dila ko . T.T iiyak na talaga ako ngayon .

"Ms. Fate Ferrer ! Go out ! and go to the guidance office right now!  " .    Pasigaw niyang sabi.

Tinanggal na niya yung kamay niya sa bibig ko , pero bakit ganito ? Parang iba yung lasa . May naiwan pang parang pagkain na hindi ko alam pero yung lasa , MAALAT . Nag bulung-bulungan naman yung mga kaklase ko kaya inirapan ko nalang sila . Aish ! Nanggigigil talaga ako ngayon , gusto ko silang pisain . Aahhh ! Napatingin naman yung bestfriend kong si Sky sakin' parang worried siya . Hihihi , kinikilig nemen ekkeeee . Nobah ? Tapos nakalabas na talaga ako sa room .  Padabog dabog akong pumunta sa guidance office papasok na sana ako pero may kausap pa si Sir kaya naman , hindi ako pumasok . Hihi , mas maigi nayun kesa naman makapaglinis ako dito sa napakalaking skwelahan nato , ang U.U ( Universe University) .

By the Way, I'm Fate Ferrer, 18 naako pero ayokong mag mature . Si Sky , bestfriend ko siya simula pa nung elementary , babae siya , maganda pero di hamak namang mas maganda ako . ^_^  

Napasigaw naman ako kanina , napaidlip kasi ako dahil si Madam Ming yung Teacher , ang boring ng subject niya . Napasigaw ako ng malapit ng mabunggo ng truck yung lalake kaya naman , eto' ako ngayon . Panaginip ko lang pala , napalabas tuloy ako T.T Huhuhu .

On voice : Sky Lorente

Naaawa ako sa bishprin ko , dahil naman bishprin ko siya hindi ko nalang sinabi kung ano yung pumunta sa bunganga niya . Bago kasi siya napasigaw nung natutulog siya eh panay naman tung si Madam Ming sa pangungulangot . Kaya naman  ikaw na bahalang mag isip kung ano yun' . Nakakadiri . At  para masundan ko siya may ginawa ako . Ahihihi

Flashback

"Ma'am ! Nakakadiri kapo ! Ewww! " , sa simpleng sabi ko nun , tumingin siya saakin na parang si Sadako , kakainin niya ako ng buhay tapos , kakalat yung lamang loob ko sa silid nato , pero joke lang. She just shouted !

"SKY LORENTE !  You have no respect ! Now , go out and go to the guidance office now ! " sigaw niya .

Napangisi naman ako habang tumatayo , kinuha ko yung bag ko tapos lumakad na . Tumalab kasi yung plan ko eh , nakakaproud .

End of flashback

Hinanap ko lang siya sa buong school . Kaya naman nakita ko na siya , umuupo lang sa lobby . Maganda yung kaibigan ko , mahaba yung buhok niya , yung akin naman medyo maliit , nagpagupit kasi ako nung summer ng maikli tapos hindi na siya tumubo , nagtampo siguro tong buhok ko.  

Nilapitan ko na siya .

"HOY ! BISHIIII !" halata namang nagulat siya , napatakbo siya at nahulog niya yung napkin niya na nanggaling sa ano niya . eeeWw  !

"Walang panga kang babae ka !!!!!! " sigaw niya saakin , "Hohohoho ! Bilhan mo kong napkin ! Nahulog eeehhh ! ikaw kasseee !" parang bata siyang naghalumpasay sa lupa , kaya heto naman ako , parang baliw na naiiyak din .

"Pasensya na besshhyyy ! T.T " lumapit ako sa kaniya . At nag lumpasay din sa lupa .

"Beshy ! ", Sigaw niya , kaya napatingin narin ako sa kaniya .

"Ano?" sagot ko .

"WITH WINGS YUNG BINILI KONG NAPKIN PERO NUNG NAHULOG SIYA HINDI SIYA LUMIPAD !" , naiiyak at pasigaw niyang sabi na siyang dahilan upang MATAWA ay este MAIYAK din ako . Baliw talaga  yung kaibigan ko! Waaahhh ! 18 na kami pareho pero matanda siya ng 6 months
pero wala parin kami nung tinatawag nilang 'Maturity' , hindi pa niya kami dinalaw eh . Sino ba kasi yang maturity na yan at ako mismo lalapit sa kaniya . Aish .

"Tayo na , ibili mo na akong napkin , hayaan mo yung napkin kong nahulog lilipad din maya-maya yan, with wings yan , wag kang mag-alala " , tumayo kami at pinagpag yung damit namin , hinila niya ako tapos sinundan ko naman siya . Baliw talaga siya . Magkatulad kami . Hihihi . 

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon