On voice : Chriseeyy
Binilhan nga ni Sky tung si Fate ng band aid na mas kilala bilang napkin . Baliw nga naman talaga yang dalawang iyan pero kahit ganun' , magaganda at may angkin naman silang talino . Nagagamit nga lang nila kadalasan sa mga kalokohan . Hindi parin naman nababagsak yung dalawa eh .
"Sky , uwi naako ha ? hinihintay na kasi ako nila Mama at Papa eh , uwi ka na din " , sabi nito kay Sky habang nakatayo sila sa Bus Stop .
"Ah , oo , si Mamang ko din kasi baka hinahanap na ako ". Sabi naman ni Sky kay Fate , saka nagsimula nang maglakad papalayo si Sky , habang si Fate naman ay dumeretsong sumakay sa isang bus pauwi .
On voice : Fate
"MAMOOTH ! PAPOOTH ! " , sigaw ko ng makarating naako sa gate ng bahay namin . Dahil sa lakas ng sigaw ko napukaw ko ang tuyong buog ng mga kapit bahay namin kaya naman sinigawan nila ako ."Hoy ! Ano ba ! gabing gabi na ang ingay mo !", sab ni kapit bahay #1 , hindi ko naman sila masisisi , Medyo gabi na din kasi . hinayaan ko nalang sila at tuluyang pumasok.
"ARF ! ARF ! ARFFF ! " , agad akong sinalubong ng aso kong si Gray . Hihihi . Dinilaan niya ako sa mukha , kakadiri siya , kumakain kasi siya ng diaper , tae at ano-ano pa . Pero okay lang .
"ANAAAAKKKKK !".tawag saakin ni Mama at Papa , kung maka sigaw akala mo Sampung taong di nagkita , pero ganito talaga kasi kami eh , sweet sa isa't-isa , kaya subukan lang nilang awayin pamilya ko , kakatayin ko sila ng buhay .
"ATEEEEEEEEEE ! ". Isa pa tong kapatid ko eh siya si future , akala mo may sunong sa tinis ng boses , tinalo niya pa ang tunog ng bubuyog .
Hi-nug ko lang sila pero nagulat ako bigla ng may makita ako !
"Jusmeyo ma ! May engkanto pong nakapasok sa bahay !! ", labas ngalangala kong sigaw . May matanda kasi , mahaba yung buhok ! Hala ! engkanto nga !
"ARAY !", sigaw ko ng binatukan ako ng matanda .
"ANONG MATANDA ANG PINAGSASABE MO HA?! OMINOM AKO NG ESANG CONTINER NG IBUN ! I DUNT NU YOU TALKING ABOUT !", sigaw niya saakin habang pumipisik yung laway niya . avon ang ibig niyang sabihin . Parang pamilyar yung mukha ah . Agad naman ako napasigaw at yinakap siya nung naalala ko na siya .
"Naluma !!!!!" , Oo , lola ko siya . Naluma means , "Nanay, Lula, Grandma", probinsyana kasi yung lola ko kaya yung pagkasabi ng 'LOLA ay Lula ' . Aside dun sa meaning ng NALUMA , diba meaning nun 'OLD' ? kaya bagay lang yun sa lola ko . hihi xD
"hay nakow feet ! Nalimotan mo na ako talaga , iwan ko sayu bata ka uy ! ", at kumalas siya sa pag kaka hug ko . Bisaya siya kaya ganyan niya sabihin ang pangalan ko , imbis na 'Fate , naging feet'.
" Sorry napo", sabi ko sa kaniya .
"Oh sya , tayu na sa luub feet at baka lamoken tayu ", pumasok na naman kami at nagtawanan .
Tuesday pala ngayon kaya bumibisita si Lola at Lolo , at oo nga pala andito si Lolo , tahimik lang siya , pero mabait naman .
"Feet apo ? " tawag ni lola saakin . Nakaupo kami ngayon sa sofa sa sala habang si Mamooth at Papooth e nandun sa kusina . Yung kapatid ko naman ay naglalaro lang ng plants vs. zombies .
'' Po ? " sagot ko naman sa tawag ni Naluma .
"ANO KABA DIONISITA . HINDI FEET ANG PANGALANG NG ATING APO ! " , sabi ni lolo kay lola na ikinatuwa ko naman , ipinagtanggol ako eh' . Kakaiba kasi ang feet , parang paa , "PIT ANG PANGALAN NIYA! " mahina pero may diin na sabi ni lolo , hay ! Chokems to ! aish.
"Eh sa feet ang ganahan nako ! mokha naman talagang paa ang apo naten ! kaya tumahemek ka diyan Manito ! " , sabi ni lola , nakakatakot naman parang amazona si lola , kaya hindi naako nagtataka kung san' ko namana ang lakas kong parang kay Naruto . Pero ano yun ? PAA ? aray ko poooooo T.T hohoho . Hindi ah ! Maganda kaya ako .
"Hindi mukhang paa ang apo natin !, kahit maraming ingrown at kubal yung mukha niya !", sabi naman ni Lolo si Lola , araaay kooo X( shaket ah !
" Oh c'mon zombies ! Go eat the plants with their ingrowns ! grrrrrr! ", sabi naman ng kapatid kong si Future.
"LOLO , NALUMA ! ", sigaw ko sa kanila upang tuluyan ng huminto sa pag dedebate , pareho naman silang mali eh , "tama na po okay ? Fate po ako , period ". Tumahimik naman sila at saktong tapos na sina Mama at Papa sa pagluluto .
"Tayo napo !" , sabi ni mama kay lolo at lola , "Mga anak !, kakain na tayo . " kaya tumayo na kami at naglakad patungo sa hapag kainan At umupo na .
"hep hep ! ", sabi ni lola , kakain na sana kami , "Mag selpi selpi pa ta , at saka mag priy ", sabi ni lola , nag priy ay este ! Nag Pray kami tapos nag selfie , nahahawa talaga ako sa ngalangala ni lola . Proud talaga ako kay lola kasi May Iphone 6 siya gamit niya habang nag se-selfie , ang akin ? Hahaha . 3310 Lang naman.
Matapos naming kumain ay nagligpit na kami ng napagkainan , itinapon ang lahat ng baso at plato , pero joke lang . Syempre hinugasan ko .
Umalis na si Lolo at Lola , malayo pa kasi yung cebu , mali late nadaw sila sa playt , ay ! Flight pala ! tsk. May defect na yung bulok kong bagang . Hohoho .
Bago ako matulog , ugali ko nang tumingin sa mga bituin , ang ganda-ganda kasi nila tingnan . para silang mga bagay na puno ng pag-asa . May kaniya kaniya kaming kwarto ni mama at papa pati na si Future . Nagdasal naako , ipinagdasal ko rin sina lolo at lola na sana masabi na nila ng tama ang pangalan ko at safe silang makarating sa bahay nila . Humiga naako sa kama ko at tuluyan ng natulog .
BINABASA MO ANG
Fate
HumorA story about DESTINY . Two persons who are Intwined and Fortunately Destined .