1

198 12 16
                                    


Hi, @lirieelie_frazer I don't know if you're the real deal, but thank you anyway. I just want you to know that I love you and your character. You're the 25% reason why this story is here. Thank you!



~



You left with no reason. You both did.



That was the first thing I have read on my phone. That message was from Viahm, and that message was just one of the hundreds. Yes, hundreds. What do I expect from 16 people who just can't bear to lose a one hell of an awesome friend.


I typed a reply, turned off my phone, got the sim card out and snap it into two. I don't need communication with them. I need to focus to get what I want. And that is Lirie Elie.



Shuta, bakit ba ako English nang English?





"Nalu, sa tingin ko, sobrang sirang sira na yang ulo mo. At idinamay mo pa ako sa napaka-walang kwenta mong trip." sabi ng magandang mabungangang babae sa tabi ko na nagpawala sa kahibangan ko.


"Tigilan mo nga ako, Lirie. Sumama ka rin naman." balik ko sa kanya.


Nakita ko namang nanlisik muna ang mga mata niya bago magsalita, "Paanong hindi ako sasama dyan sa trip mo eh namimilit ka? Papayag ka bang hindi ako sumama? Malamang hindi. Kaya kesa pasakitin ko ang ulo ko sa kakukulit mo sa akin, pumayag na ako. Hindi ko rin maintindihan yang utak mong baliko kung bakit kailangan mong wag magsabi ng rason kanila Cham kung bakit tayo aalis. Nagdadrama ka na naman sa buhay. Eh napag-tripan mo lang namang mag-aral sa ibang bansa." mahabang litanya niya.


In short, napilitan lang siyang sumama sakin. Napaka talaga netong babaeng ito.


Kinuha ko na lang ang iTouch at isinuot ang earpods ko para hindi ko na siya marinig. Napaka-ingay kahit kelan.




Oo, tama si Lirie. Ilang linggo pagtapos naming gumraduate nila Rage ay niyaya kong umalis si Lirie para sa ibang bansa na niya ituloy ang pag-aaral niya at ako naman ay kukuha don ng masteral. Hindi ako nagbigay ng rason sa mga kaibigan namin kung saan kami tutungo. Ang nakakaalam lang ay si Rhys at alam niyang yari siya sa akin pag nalaman ng iba kung bakit kami umalis at saan kami pupunta. Ang buong akala ni Lirie ay trip trip lang lahat ng ito pero hindi.


Magbabagong buhay na ako. Sa dami ng pinagdaanan namin ng mga kaibigan ko, sa dami ng kalokohang nagawa ko, sa dami ng gamit na mga nahiram ko, I have realized that I am not going to be like this forever, I shouldn't be. I have killed many. I have lost the true Rhys, and siguro yon na ang naging kabayaran ko sa mga walang habas kong pagkitil ng buhay pag ako si Ace. Maybe, I don't know, if there is still a salvation to my soul.



Lahat ng mga ulol na nanligaw at tinaboy ko kay Lirie, aminin ko man o hindi, they are all better than me. Hindi nga lang siguro nila kayang pumatay ng tao katulad ng ginagawa ko. But I know they can give everything Lirie wants and more laslas feeling is that ang lilinis ng kaluluwa nila, mga bes. Yung akin, sunog na sunog na. I want to be deserving of her. Kaya nga I will try my best to deserve her.


-


"NALU ELIE! FOR THE NTH TIME, GUMISING KA NA!!!" napabalikwas ako ng bangon hindi dahil sa sigaw, kundi dahil sa mga yelong itinapon sa mukha ko. Oo, walang hiya talaga. Pwede namang malamig na tubig ang ibuhos sakin, pero hindi eh. Yelo talaga. Pag ako talaga nagkapasa sa mukha, makakatikim to ng masarap sakin si Lirie.


"Ikaw babae, wala ka talagang patawad, ano?" kwestyon ko sa kanya na kunwaring galit. Try lang, tingnan ko kung matakot.


"Oh, sige, Nalu. Bumalik ka na sa pagtulog. Iiwan na kita dito. Bye."


Nang ma-realize kong wala na sa ere ang private plane ng mga Elie. Napasigaw ako ng, "LIRIE! SAGLIT!" habol ko pero wala. Nilayasan na ako ng malditang maganda.


Napabuntong-hininga na lang ako at tuluyan nang umalis sa pagkakahilata ko. Pumunta akong comfort room para ayusin ang sarili ko at para na rin magpalit ng damit.


Pagtapos ko don ay lumabas na rin naman ako ng plane at laking gulat ko na wala na ang dapat na service NAMING DALAWA ng babaeng yon. Sa pangalawang pagkakataon, napabuntong-hininga na naman ako.






Now, what?

In Another World (a MORTHON UNIVERSITY fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon