"UMUWI NA KASI KAYO BAKA HINDI KO NA KAYANIN ANG PANGTOTORTURE NA GINAGAWA NILA DITO SA AKIN! DALAWANG TAON NA KAYO DYAN HINDI PA VA KAYO NAGSASAWA? BAKA PAG-UWI NIYO, BRITISH ACCENT NA KAYO!" I overheard Rhys said through the laptop. He and Nalu are now talking via video call. Everytime they talk, halos walang napag-uusapang maganda. Puro pagrereklamo lang ni Rhys at puro kalokohan lang naman mga sinasagot sa kanya ng kuya niya.Hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy na lang ang pag gawa ng case study ko.
I was working on the third case study when Nalu sit in front of me. I cock an eyebrow at him.
"Mami-miss mo ba ang England? Gusto mo na ba dito tumira? Okay lang ba talaga sayo na bumalik na tayo sa Pilipinas pagtapos ko mag-aral?" he bombarded me with his stupid questions.
I sighed exasperately and said, "Look, just carry on with what you're doing. Gawin mo ang gusto mo and I'll just support you."
"Talaga?" he saya excitedly. Tumango na lang ako para magtigil na siya. Umalis siya bigla sa harapan ko at nakita ko siyang pumasok sa kwarto niya. Pinagpatuloy ko na lang ulit ang ginagawa ko.
One month left and the school semester will end. Nalu will be graduating with MBA and I will be graduating with a degree. Time really flies so fast.
When I thought Nalu would leave me alone, I thought wrong. Minutes later, he came back, bihis na bihis siya. Kaya naman tinanong ko siya ng, "Saan lakad mo?"
Ngumisi lang siya nang nakakaloko at may kinuha sa bulsa niya. He placed it in front of me and I was shook when I saw what it is. Napatayo nga ako sa gulat.
"Ano na naman yan, Nalu?!" Inis na sigaw ko sa kanya. In front of me is a small box, a small box that may have a ring in it. I quickly stopped myself from expecting. For the past two years, there were a lot of times that Nalu pulled a prank on me or on my dates.
I tried dating again. But no, I didn't date King because mainit ang dugo ni Nalu don. And lahat ng dinate ko ay sinabotahe ni Nalu hanggang sa wala nang gustong lalaking makipagdate sa akin. And I guess Nalu did the right thing because men have no balls for they will back out quickly if someone hinders them.
"Hoy, bungangera! Kunin mo dali!" Nalu commands. Sinunod ko naman siya kahit ayoko. I reached for the small box with trembling hand. And as soon as I opened the box, Nal- no, Ace said with full authority, "You will marry me whether you like it or not."
After that, all I saw was black.
-
Ano ba naman tong babaeng to? Sinabi ko lang na papakasalan niya ako eh nahimatay na sa sobrang kasiyahan. Sus gwapo ko talaga kahit kailan. Hindi na kami dadaan sa stage ng boyfriend and girlfriend kasi shit lang yon. Baka magbreak pa kami pag dinaanan namin yon. Kaya pakasal agad. Alam ko naman na mahal na mahal niya ako. Ang swerte niya nga at binilhan ko siya ng singsing. Binili ko talaga iyon, hindi hiram. Promise.
Inilapag ko si Lirie sa kama niya at sinuot ko yung singsing niya. I-mighty bond ko kaya sa daliri niya yung singsing o i-stapler ko? Baka pag gising niya, alisin niya tapos itapon niya. Pag ginawa niya yon baka siya pa itapon ko sa bintana. Pero syempre joke lang iyon.
Iniwan ko na siya sa kwarto niya at nagsimula nang mag-ayos ng kakainin namin mamaya. Kanina nung nag-uusap kami ni Rhys ay nabanggit niyang hindi raw makapag-propose si V kay Cham dahil wala ang napaka-gwapo kong presensya. Mga hindi talaga maka-go on sa buhay kapag wala ako. Napatawa ako sa naisip ko.
Pagkasabing pagkasabi non ni Rhys ay tinapos ko agad ang pag-uusap namin. Nasa akin na ang singsing na yon sa loob ng tatlong buwan. Kaya nang marinig ko ang sinabing yon ni Rhys ay naisip kong uunahan ko si Viahm. Pag-uwi namin ni Lirie ng Pilipinas sa susunod na buwan, kailangan na ng hypen ang apelyido niya, isa na siyang Lirie Elie-Frazer.
Napapagod na ako sa kakasira ng date niya, walang lalaki ang good enough kay Lirie kaya naman kusa na akong nagvolunteer. Walang sama ng loob, papakasalan ko siya. Ako lang naman ata ang uubra sa bungangang machine gun ng babaeng yon. Makabili nga ng earplugs para pag mag-asawa na kami tapos mag-aaway kami ay isusuot ko yon para hindi ako marindi sa bunganga niya.
Saktong paglabas ni Lirie sa kwarto niya ay natapos ako sa paghahanda ng hapunan.
Nakangiting hinarap ko siya at sinabing, "Kain na tayo! Nagluto ako ng spaghetti!"
Pero nawala ang excitement ko nang mapagmasdan ko ang hilatsa ng mukha ni Lirie. Nakataas ang kilay niya, nakasimangot siya at kulang na lang eh umusok ang ilong niya. Tinaas niya ang nakayukom niyang palad at napansin kong hindi niya suot ang singsing.
Gaya ng ini-expect ko, binato niya sa akin ang singsing nang sobrang lakas. Tumama iyong bato ng singsing sa noo ko. Muntik na akong mapamura. Tumilapon ang singsing na binili ko para sa kanya sa kung saan.
Tangina sabi na eh! Dapat talaga minighty bond ko na yung singsing sa daliri niya.
BINABASA MO ANG
In Another World (a MORTHON UNIVERSITY fan fiction)
General FictionI've always been in love with EveLawRionCae's Morthon University's Nalu and Lirie. So, Imma give it a try to make a fan fiction of 'em in another world. Troubles, gone. Assassins, gone. Friends, almost gone. Only the two of 'em left in another world...