"So, Frazer, what's the real score between you and your malditang cousin?" tanong sakin ni Red habang nagta-type sa kanyang Mac para sa presentation namin the day after tomorrow. 3 weeks ang ibinigay sa amin ng professor para magawa itong report dahil hindi naman to basta bastang report lang na kayang magawa in a short period of time.
"Anong score ka dyan? Hindi naman kami nagba-basketball para magscore-an noh."
Baliw rin tong si Isla Qathlyn eh. Tatanong tanong ng score samin ni Lirie eh hindi naman kami naglalaro ng basketball o kahit na anong sport man. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang pangalan niya, ang pangit actually. Isla? Qathlyn? Saan ba nakuha ng magulang niya ang pangalan niya? Napaka-weird lang talaga. Basta kami ni Lirie pag nagkaanak, Cali at Chance ang ipapangalan ko.
Nalu, you're getting ahead of yourself.
Nawala ako sa pagde-daydream nang magsalita na naman tong Isla na to. Bakit kaya hindi na lang siya mag-type don nang matahimik ang tenga ko?
"Alam niyo, in-denial kayong dalawa. As if naman I don't see the way you look at each other's eyes."
"Alam mo, ang tsismosa mo, Isla."
"It's pronounced as AY-LA, not IS-LA, you dumb shit." inis na sabi niya sakin.
"Eh Isla nga gusto ko. Bakit ka ba? Kung gusto mo ng Ayla edi ikaw ang tumawag non sa sarili mo. Nangingialam to eh ako naman ang tatawag sa kanya." Na-miss ko tuloy si Michelle. Pangalan kasi ang pinag-uusapan eh. Ugh.
"Whatever, creep. Anyway, bakit ba ayaw mong sa flat ko tayo gumawa netong report natin? Lagi na lang tayong dito sa inyo." may halong panghihinalang tanong niya sa akin. "Siguro ay pinagseselos mo lang iyong pinsan mo, ano?"
"Hindi ah!" mabilis naman na tanggi ko. "Baka lang kasi rape-in mo ako kung don tayo sa flat mo, lalo na wala kang kasama don. At least dito, any time ay pwedeng umuwi si Lirie. Safe ako sayo." Pagbibiro ko pa.
Hindi siya sumagot ngunit tumigil siya sa pagta-type niya at bumaling paharap sakin dito sa couch para tumitig.
Napangiwi ako sa titig na binibigay sakin ngayon ni Isla. "Wag mong subukan na naman, Isla!" banta ko sa kanya, ewan ko kung halata bang kinakabahan ako sa boses ko.
Ngumisi lang naman siya at nagsalita, "Ang gwapo mo talaga, Nalu."
"Syempre. Hehe." pagsang-ayon ko sa sinabi niya.
Lumapit pa siya sakin lalo at ako naman ay todo urong sa couch. Kung hindi niyo kasi naitatanong eh bukod sa maldita rin itong babaeng to eh malandi at bitch pa. Although hindi ko naman siya nakikitang cheap. Basta there is something about her that screams power. Hindi ko lang talaga matukoy kung ano. At kapag sinasabihan ako ng babaeng to na ang gwapo ko eh may masamang binabalak siya. Noong una naming pagkikita sa university ay lumapit na lang siya bigla sakin at sinabihan akong ang gwapo ko at walang sere-seremonyang hinalikan ako. Hindi ko alam kung ilang beses akong napamura noong araw na yon. Yon pala kaya niya ginawa yon ay dahil nandon ang ex niyang ayaw siyang tantanan. Buti na nga lang at masyadong malaki ang university kaya hindi nalaman ni Lirie. Kung sa Morthon U man nangyari yon ay nagkanda-letche letche na ako non.
BINABASA MO ANG
In Another World (a MORTHON UNIVERSITY fan fiction)
General FictionI've always been in love with EveLawRionCae's Morthon University's Nalu and Lirie. So, Imma give it a try to make a fan fiction of 'em in another world. Troubles, gone. Assassins, gone. Friends, almost gone. Only the two of 'em left in another world...