2

143 13 14
                                    

Nakakainis talaga tong si Nalu. Iwan ko nga don sa airport. Akala naman niya hindi ko siya kayang pabayaan don. Neknek niya. Manigas siya don.

Pagpasok na pagpasok ko ng bahay namin, agad agad na nag-ring ang cellphone ko. A call from the Philippines. Hindi to si daddy dahil naka-save na ang number niya sakin.

"Hello," sagot ko.

"Nasaan ang kuya ko? Pina-salvage mo na siguro, ano?" seryoso ba to?

"Ang clingy mo, Rhys." sabi ko na lang at ibinaba na ang tawag. Nag-ring ulit ang phone ko pero nang makita kong si Rhys ulit yon ay hindi ko na sinagot.

Dumiretso ako ng panik sa kwarto ko para magpahinga.

Nang makahiga na ako sa kama ko ay ipinikit ko ang aking mga mata.

Nalu is lost.

Figuratively speaking. Nagtatalo na ang dalawang katauhan sa kalooban niya. Hindi niya na alam kung sino ba ang sino at ano ba ang ano. Alam ko. Nakikita ko sa kanya. Hindi na siya katulad ng dati na sobrang kulit. Minsan nga hindi ko na maramdaman ang napakagaan na presensya ni Nalu. Although hindi ko rin maramdaman ang napakabigat at itim na aura ni Ace. It's as if the both of them are gone. That's why nasabi kong Nalu is lost. Hindi ko na lang pinapahalata sa kanyang nararamdaman kong may nagbabago sa kanya. Hindi rin naman alam ng mga kaibigan namin dahil hindi nila laging nakakasama si Nalu kasi nga after grad is summer vacation na. Kaya rin ako pumayag na umalis ng Pilipinas.

One time, makikipag-date ako sa nanliligaw sakin na taga-kabilang university. Kadalasan, puro kalokohan lang ang ginagawa ni Nalu para masabotahe ang mga date ko. Pero itong pagkakataon na to ay iba. Nagulat na lang ako na nagtext sakin yung supposed to be date ko, galit na galit. His text message said, "I won't risk my life just to date you. I'm sorry." Nagreply agad ako sa kanya non, asking for the reason kahit na alam ko naman na kung sino ang may gawa, hindi ko nga lang alam kung paano ginawa. Ngunit wala, never na akong naka-receive ng text from that guy.

That was the first time I sensed Nalu is slowly fading and Ace is taking over.

~

Wala akong nagawa.

Putspa, walang Cham o Rage na magliligtas sakin sa mga pagkakataong ganito. Oo nga pala, I am trying my best to change so I need to adapt quick.

Bumalik na lang ako ng eroplano para sana kausapin ang mga crew na nandon.

"Excuse me, hindi ba pwedeng magpadala na lang ulit ng service dito?" magalang kong tanong.

"Ay, sorry, sir Nalu. Lady Lirie warned us not to help you. Pasensya na, sir." sabi sakin ng piloto at binigyan ako ng isang nahihiyang ngiti.

Sinabi ko namang okay lang at ako na lang ang didiskarte. Kaya lumabas na ulit ako ng eroplano, dala dala ang mga dapat kong dalhin.

Damn.

Paano ako makakaalis dito kung first time ko dito sa England?

Oo, sa England namin napiling pumunta. Tutal, may bahay rin naman dito sila Lirie kaya dito na lang. Pero ayon nga, first time ko dito at nakakagago lang kasi iniwan ako ni Lirie. Hindi ko pa alam kung saan ako dapat pupunta. Ni wala pa akong cellphone para matawagan si Lirie at-

Oh wait.

Dali-dali kong kinuha ang iTouch ko at binuksan ang notes.

Voila!!

Ang lupet mo talaga kahit kailan, Nalu.

Lumabas na ako ng airport at dali daling pumara ng taxi.

In Another World (a MORTHON UNIVERSITY fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon