4

111 8 3
                                    



Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung dumating kami rito sa England, 9 weeks to be exact. Nag-aaral na kaming dalawa ni Nalu. Ako, 3rd year at siya naman ay kinukuha nga ang MBA niya. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala nung una na seseryosohin niya ang pagkuha ng MBA niya dito. Akala ko trip niya lang mapaganda yung pangalan niya, akala ko trip niya lang gawin na Ace Dennison Frazer, MBA ang pangalan niya. Pero nang magsimula kaming mag-take ng classes, unti unti na akong napapaniwalang seryoso siya this time. May iilang beses ko siyang naaabutan sa kwarto niya na imbes sa kama natutulog ay sa may lames niya siya natutulog at unan niya ang mga libro. Sobrang hindi kapani-paniwala na alam kong kapag kinwento ko to sa mga kaibigan namin ay pagtatawanan lang nila ako.



May mga kaibigan na rin naman ako rito, isang English woman at isang Pilipina. Nakatira sila sa katabing flat namin. Si Emma at Adele. And they're a couple. Yup, couple. Hindi sila cross dresser or trying hard maging guy. They are both woman who happens to be in love with each other. Wala naman kaso sakin yon. Tsaka ang galing lang din dito dahil hindi na bago sa kanila ang ganoong sitwasyon. Hindi katulad sa Pilipinas na napakaraming judgmental. Hay nako.


"So, where is your killer-cousin?" tanong sa akin ni Emma. Hindi pa nila name-meet personally si Nalu, nakikita lang nila itong labas masok sa flat namin at nang matanong nila sa akin kung sino yon, ang sinabi ko ay 'He's my cousin and he's a killer'. Napag-tripan kong iyon ang sabihin kasi baliw itong si Adele, may pagka-adik sa mga patayan na palabas. Any kind of movie, basta yung may patayan na brutal. Kaya ayon.


Akala naman nila nagbibiro ako. "I don't know and I don't care." matapos kong sagutin ang tanong niya ay bumalik na ako dito sa inaaral ko.


Nandito kami ngayon sa flat namin ni Nalu, sa living room and we're trying to study pero nauuwi lang sa daldalan. Kanina nga ay imbes na mag-aral ay nagkwentuhan lang kami about sa guy. Well, actually, nang-interview lang ako sa kanila. Wala, nakaka-fascinate lang kasi sila. They are so in love with each other.


"Are you really telling us the truth that he is your cousin? Baka naman boyfriend mo yon, Lirie?" tanong naman ni Adele. Oh, di ba? Nauuwi lang talaga kami sa kwentuhan eh.


Sasagot na sana ako nang may taong pumasok sa flat namin. Well, dalawang tao.



"Sino yan?" tanong ko kay Nalu nang may makita akong kasunod niyang babaeng may pulang buhok na halata namang peke ang pagkakakulay neto. Maputi siya pero she doesn't look like real redhead.


"Ikaw, sino ka?" maldita namang tanong sakin pabalik nung babae. May ngiti pang naglalaro sa mga labi niya. Ngiting demonya. Tch.


"Aish! Dalawang maldita pa ngayon ang kailangan kong pakisamahan." rinig kong bulong ni Nalu.


"I heard you, Frazer." sabi ng babae na nagpataas ng kilay ko.


Really? "Frazer huh." sambit ko naman na may diin sa totoong apelyido ni Nalu. That is so out of the ordinary. Ginagamit na ngayon ni Nalu ang Frazer.

In Another World (a MORTHON UNIVERSITY fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon