3

111 9 4
                                    



"So, a contract costs of £6,424 for 44 weeks, right?" paglilinaw ko sa kausap kong nagpapa-rent ng flat dito sa Selly Court Oak. Dito na namin balak magstay ni Nalu habang mag-aaral dahil hindi naman pwedeng sa bahay kami dahil sobrang layo neto sa University of Birmingham. Naayos ko naman na rin ang schedules namin at ang titirahan na lang namin ang problema kaya napagdesisyunan ko na ring ayusin ngayon. Tutal eh nandito na rin naman ako. At wala namang aasahan kay Nalu.


"Yes, that's right."


Ayoko nang ibang may kasama sa bahay dahil kawawa naman ang taong yon kung sakali. Mahirap na. Alam kong dadalhin ni Nalu hanggang dito sa England ang mga kalokohan niya. Kaya ang kinuha kong flat ay 2 bed cluster ensuite. May tig-isa kaming kwarto, mahirap na kung magsasama kami sa iisang kwarto. Ugh! Naalala ko na naman yung napaka-walang hiyang ginawa ni Nalu, or should I say Ace, sa akin noong isang araw.


Nginitian ko ang babae at umiling, "Don't worry, I can handle the rent." Judgmental netong babaeng to, akala ata hindi ko keri ang rent dito. Tch. Kinuha ko ang wallet ko at nagbilang ng ilang pounds tapos ay ibinigay ko na sa babae. "So, our rent is settled for 44 weeks." Binayaran ko na ng buo yung rent namin.


Pinapirmahan niya sakin ang kontrata. "Oh, before I forgot. How does the parking works here?" I asked her.


"It will be another £10 a week." Sagot naman niya sakin.


Kumuha pa ako ng karagdagang £440 para naman sa parking space at ibinigay sa kanya. Isang kotse lang ang gagamitin namin ni Nalu dahil alam ko namang tamad talaga yung lalaking yon. And besides, 20 minute walk lang ay ang main campus na ng University of Birmingham.


"No offense meant but are you two really cousins?" tsismosa itong isang to.


Bago kasi ako bigyan ng kontrata, kailangan ko munang magpasa ng mga kung ano anong documents about Nalu and I. Para alam rin ng landlady kung sino ang magrerent sa flat. Syempre, kahit anong gawing yakap ni Nalu sa pagiging Nalu Elie niya, hindi maiaalis na sa mga legal documents ay Ace Dennison Frazer pa rin ang nakalagay na pangalan niya.


Tiningnan ko na lang nang masama ang babae at hindi pinansin ang tanong niya. "When can we move in?" I asked her, less politely.


"Uhm, you can move in whenever you want. Excuse me," umalis na siya sa harap ko at lumabas ng flat.



Hindi malaki itong flat. May dalawang kwarto, isang bathroom, kitchen, and living room. Sakto lang naman sa aming dalawa ni Nalu.



Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para tawagan si Nalu. Nakaka-tatlong dial na ako bago niya sagutin.

"Nakakapang-init ka talaga ng ulo!" sigaw ko sa kanya sa phone. "Ano bang ginagawa mo at ang tagal mong sagutin ang tawag ko?"


(Ikaw, hindi pa tayo mag-asawa, ina-under mo na ako.) Pabiro niyang sabi.


"Ewan ko sayo! Kung ano ano na naman ang lumalabas dyan sa bibig mo. Pumunta ka na dito, dalhin mo yung kotse pati yung mga maleta na nasa ibabaw ng kama ko."

In Another World (a MORTHON UNIVERSITY fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon