Galit...
Pumapatak ang ulan sa labas ng bintana, pinagsalikop ko ang aking dalawang kamay habang pinagmamasdan ang lalaking nakaupo malapit sa balcony ng aking kuwarto.
Lihim akong napatitig sa kanya.
Ang kanang kamay niya'y nakatukod sa kahoy na nagsisilbing poste ng bahay. Mukhang malalim rin ang kanyang iniisip.
Ruzzel is one of the sexiest man that I have met. The man that I love. Siya lang ang sineryoso kong lalaki kahit na pakiramdam ko'y hindi siniseryoso ng mga kaibigan namin ang relasyong meron kami. Pakiramdam ko rin na kaya sila ganoon ay dahil may nauna akong nakilala bago si Ruzzel. Maliban sa tatlo ko pang naging boyfriend noon ay mga kaibigan lang ang turing ko. Hindi ko nga alam kung seryoso ba sila noon.
Hindi ko lang mabasa ang iniisip niya kung alin doon ang tinutukoy niya o ako lang ang hindi nakakahula sa ibig niyang sabihin na; ilang lalaki...
Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang galit niya. Gumagabi na ngunit tila pinipigilan naman niya ang antok. Tulog na sina Tata at Nana dahil din siguro sa pagod. Hapon na nang matapos ang pagbibilad sa kopra. At bukas ay ang maisan na naman ang haharvesin nila.
Nagkakaroon na rin ako ng kalyo sa mga kamay ngunit ang iniisip ko ay kung si Ruzzel ay ganoon din ba?
Kailangan kong tumulong kay Nana at Tata. Ito lang ang pangunahing pinagkukunan nila ng hanapbuhay at pagkain. Malaki ang pasasalamat ko kay Lolo Alberto at kahit paano'y hindi niya hinayaang magutom kami kahit wala na ito.
I sighed softly to get Ruzzel's attention. "You better go to your room now Ruzzel, pasado alas-onse na..."
Bumaling siya sa akin. At kahit madilim ang paligid ay ramdam ko ang paninitig niya sa akin dahil sa lamparang nagsisilbing ilaw namin.
He smiled playfully at me. "Okay let's sleep together. Where's your room, then?"
Bahagya akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya. Not this time. And I won't let that happen. Hindi ko kayang pagbigyan siya ngayon. Pagod ang isip ko sa lahat.
He smirked at me. "Kinakabahan ka..."
Iniwas ko naman ang sarili nang lumapit siya. "Sa kabilang kuwarto ka, Ruzzel. Dito ako."
"Are you afraid of me, huh?" naningkit ang mga mata niya.
Ramdam ko ang hamon sa mga mata niya. Inilag ko ang sarili dahil hinawakan niya ang aking kanang pisnge. Kinalibutan ako bigla sa maaaring gawin niya.
"Alam kong galit ka pa rin," diin ko sa mababang boses dahil ayaw kong marinig kami ni Tata at Nana dito sa itaas. At baka magising pa sila. "Hindi ibig sabihin na pumirma ako ay gagawin mo na ang balak—"
Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang mga braso ko. "Kailangan mong sundin ang gusto ko, Sia..."
"Mali ang gagawin mo sa akin, Ruzzel." pumiksi ako.
"Wala akong nakikitang mali doon, Sia." balik niya.
Umatras ako. I pushed him away with all my strength. Napasandal siya sa dingding at bahagyang gumalaw ang mga paa ko ngunit nahagip din agad niyang muli ang aking dalawang braso at idiniin. Napapikit ako dahil sa sakit.
"I warn you, Ruzzel. Nasa bahay ka ng mga kamag-anak ni Lolo!"
Sumilay ang nakakatakot niyang ngiti sa akin. "I want you, Sia..." Hinaplos niya ang pisnge ko. "Malaki ang kasalanang ginawa mo. At kung ayaw mong makulong susundin mo ako."
"Hindi mo na ba ako m-mahal?"
Damn! Bakit ko natanong iyon?
Kinagat ko ang aking labi dahil sa naging tanong kong iyon. I can't deny to myself na hanggang ngayon kahit anong iwas ko ay may nararamdaman pa rin ako sa kanya. Bakit hinahayaan ko itong mangyari?
BINABASA MO ANG
The Contract Lust (CarmellaSeries-1/COMPLETED-Editing) ®🔞+
Художественная прозаR-18 read at your own risk ♥️ --- Pinagmamasdan ni Trissia 'Tisay' Acuelles ang kataasan ng Dela Roma Building Corp. Ilang buwan na niyang binabalak na pumunta at pumasok sa loob ng building na iyon. May mission siyang gustong ipatupad ayon sa kanya...