Ruzzel Rione...
I took a deep breath and blow it slowly. Nilinga-linga ko ang paligid paglabas ko ng bahay. Good because Ruzzel is not around. At mukhang may pinuntahan siyang importante.
Umarko ang kanang kilay ko. Mas mabuti nang wala siya sa buong paligid dahil hindi ako maka-concentrate sa mga gusto kong gawin kapag nandito siya.
"Nana?" tawag ko nang makalabas na. Ang alam ko'y aalis sila ngayon. "Na?" tawag ko ulit.
"Nandito ako, hija," si Nana.
Mula sa likod ay natanaw ko siya na nagsasampay ng mga damit sa mahabang pantali at ginawang sampayan.
Nilinga ko ang paligid. Wala nga talaga si Ruzzel at pati na rin si Tata. Makakahinga pa ako ng maluwag sa ngayon.
"Bakit po wala si Tata at Ruzzel?" hindi ko alam kung nasaan sila at nakakapagtaka nga din naman.
"Nasa Makilala hija, nagpasama si Tata mo sa kanya." she answered.
"Akala ko po ba'y aalis si Ruzzel dahil may pupuntahan?" narinig ko kanina sa hapag na may pupuntahan nga siyang importante. Hindi ko lang alam kung ano.
"Mamaya siguro, hija. Bakit wala ba siyang sinabi sa'yo?"
I cleared my dry throat at that and looked away. Kinuha ko ang isang puting damit at sinampay iyon sa bakanteng sampayan. Tumikhim si Nana sa akin upang kunin ang aking atensyon.
"Wala siyang sinabi sa'yo, Apo?"
"Wala po, Nana..." At wala akong pakialam kung aalis man siya o hindi siya nagpaalam sa akin. Sobrang saya nga kapag wala siya rito...
Ngumiti siya sa akin at kinuha ang batya na wala ng laman. Sinundan ko si Nana sa may poso.
"Hintayin mo na lang kung ganoon, hija."
Sumimangot ako. Hindi ko na lang sinagot ang sinabi ni Nana.
"Na, uuwi po ba si Tata?" malambing akong yumakap sa kanya.
"Mamaya pa siguro, hija,"
"Na, aalis po muna ako, puwede po ba?"
Kumunot ang noo niya at saka nilingon ako. "Saan ka na naman pupunta, Trissia?"
I smiled widely. Gustung-gusto ko kapag si Nana na ang bumabanggit ng buo kong pangalan.
"Iyon pong sa may Cawa..." hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Dahil iyon na lang ang paraan ko para makaiwas kay Ruzzel.
"Malayo iyon, hija. Sana pala'y sumama ka na kanina sa nobyo mo at para maihatid ka doon—"
"Uuwi din naman po ako kaagad. Pangako, hindi ako magpapagabi, Nana..."
"O siya sige..."
Niyakap ko si Nana at nagmadali akong pumanhik sa itaas saka kinuha ang aking sling bag. Hinalikan ko si Nana sa noo at nagpaalam ng umalis.
"Huwag kang magpagabi, Sia, Apo! Sasabihin ko mamaya sa nobyo mo na umalis ka..." habol niya nang makasakay na ako sa pinarang tricycle.
Hindi naman siguro mag-aabala ang lalaking iyon para sundan ako roon. Isa pa nasa Makilala siya ngayon, pero sana ay alam ko ring hindi niya alam kung saan ang mga falls dito. Ayokong sumunod siya roon.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Naalala ko na naman ang sinabi ni Ruzzel sa akin two days ago... At sobrang sakit pa rin sa loob ko na gusto niyang magpaalam ako kay Nana at Tata bago kami aalis at hindi na niya ako ibabalik pa.
Galit ako. Ang galing niya at ang talino niya para sabihin sa akin iyon. Ang ilayo ako sa mga taong mahal ko'y hindi ko matatanggap. Anong gagawin niya sa akin? Ipupugad? Nasisiraan na siya kung ganoon.
BINABASA MO ANG
The Contract Lust (CarmellaSeries-1/COMPLETED-Editing) ®🔞+
General FictionR-18 read at your own risk ♥️ --- Pinagmamasdan ni Trissia 'Tisay' Acuelles ang kataasan ng Dela Roma Building Corp. Ilang buwan na niyang binabalak na pumunta at pumasok sa loob ng building na iyon. May mission siyang gustong ipatupad ayon sa kanya...