Kabanata 7

240 47 8
                                    

Hey, guys! I just wanna recommend this story:
https://my.w.tt/XlTVfdTDxR
If you have some time, try to read this one. Same genre and concept lang din siya nitong story. Thank you!

Also, if hindi gumagana 'yung link. Click this name: majestingg mas makikita niyo since nag-iisang work lang siya. Thank youuuuu!

~~~

#BLFraud

Naiilang akong maglakad sa hallway. Grabe naman kasi makatingin iyong mga taong nakakasalubong at nadadaanan ko.

"Hoy!" napatalon ako sa gulat dahil may kung sino mang letseng gumulat sa akin.

"Ano ba 'yan? Kailangang manggulat, te?"

"Kailan ka pa natutong mag-inarte, te? Ganda ng hair mo, in fairness, at saka te totoo ba 'yung balita? Kayo na raw ni Exodus."

"Ano?! Saan mo naman 'yan nalaman, Abelle?"

"Narinig ko lang, sinabi rin sa'kin ni Cain."

"'Yang, boyfriend mo kay lalaking tao, tsismoso,"

"So, ano na? Kayo na ba?"

"Naku, hindi ah!"

"Sige, deny pa! Kwento mo mamayang lunch. Huwag kang aayaw kung ayaw mong sabunutan kita. Ganda pa naman ng ayos ng hair mo ngayon. Bye!" at umalis na siya which was my signal para tumuloy na classroom, Si Abelle, kaibigan ko na simula noong grade 7 pa kami.

Hindi ko alam kung bakit lutang na lutang ako ngayon. Hindi ko kasi maalis sa isip ko si Psalm simula no'ng nagkita kami noong sabado. I don't know kung galit ba siya o ano. Basta ramdam ko, may tinatago siya.

Nagulat ako nang may maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Napatingin ako kung sino iyon. Si Exodus lang pala. "Are you okay?" tanong niya. Seriously? Si Exodus tinanong ako niyan? Just wow. Nakakasawang makipaglaro kay Exodus.

"Yeah"

"Alright. You look completely fine. Obviously," he answered sarcastically.

"Anong pinagsasabi mo diyan?"

Kumunot naman ang noo ko nang marinig ko siyang tumawa. "Marunong ka palang magselfie?" napatingin agad ako sa kanya at nakitang nagfi-facebook pala siya.

"Ano ka ba, magsulat ka nga! Puro ka facebook diyan!" sabi ko.

"Do you have an instagram?" tanong niya.

"Bakit?"

"Username, please!" anito habang nakatingin pa rin sa phone niya.

"Aba. Aba. Ayoko nga. I-istalk'in mo lang naman ako,"

"Wow," komento niya.

Hindi na ako sumagot pa at pinagpatuloy ang seatwork na pinagapagawa ni ma'am. Ano ba yan, kay lalaking tao social medias ang inaatupag.

Maya-maya ay napasulyap ako sa phone niya. May katext siya.

'Nagawa mo na ba?' tanong ni Exodus.

'Crap. Hindi ko siya kilala. Can you give me her picture?' sagot naman no'ng ka-text niya.

At hindi ko inaasahang ako pala ang pinag-uusapan nila. "Hala, bakit may picture ako riyan?"

Nagulat naman si Exodus kaya inalayo niya ang phone niya sa akin. "Kanina mo pa—"

"Uh, no," nakangiting saad ko. "Bakit sinend mo ang picture ko sa kanya? Sino ba siya?"

"Wala. Just.. My friend. Gusto kang makilala."

"Ahh. Bakit naman?"

"Alam mo, ang daldal mo," ayun lang iyong sinabi niya at ginulo-gulo ang buhok ko. Tumayo siya at lumabas ng classroom. Abuso rin talaga ito minsan sa power ng nanay niya dito sa school, labas nang labas.

Bad LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon