Kabanata 4

321 56 17
                                    

Hey, guys! I just wanna recommend this story:
https://my.w.tt/XlTVfdTDxR
If you have some time, try to read this one. Same genre and concept lang din siya nitong story. Thank you!

Also, if hindi gumagana 'yung link. Click this name: majestingg mas makikita niyo since nag-iisang work lang siya. Thank youuuuu!

~~~

#BLRecord

Sino ang babaeng ito? Bakit parang . . .

"Let's go?"

Napatalon ako sa gulat. "Hays! Ano ka ba naman! Tara na nga! Alas otso na ng gabi" Sabi ko. Gusto ko na kasing umuwi. Ayoko na dito.

Nginitian lang ako ni Psalm. Nagpaalam muna kami sa pamilya niya bago kami lumabas ng mansion saka sumakay sa kotse.

"Psalm," tawag ko sa kanya sa kalagitnaan ng daan.

"Hmm?" aniya habang nakatingin pa rin sa daan. Nandito na nga pala kami sa kotse niya.

"May itatanong lang sana ako sa 'yo."

"Spill it."

"Ah.. Eh.. Sino ba 'yung babae na kasama mo sa pictu--"

"Just don't mind it"

Hindi na lang ako nagsalita pa, mukhang problema niya iyon na ayaw niyang ikwento. Tahimik lang kami buong biyahe, mukha kasing nagalit siya sa tanong ko kanina.

"Sige, mauna na ako," sabi ko nang makarating kami sa kanto malapit sa bahay namin. Ba't ba kinakabahan ako?

Binuksan ko na ang pinto ng kotse at saka lumabas. "S-Salamat," isasara ko na sana ang pinto nang bigla siyang nagsalita.

"Good Night, Sweet dreams" aniya saka ngumiti. My god. Eto na naman ang puso ko. Nagrereact na naman. Hindi ko pa naman 'to nararamdaman dati, a? Kainis na smile na 'yan.

Ngumiti rin ako sa kanya bilang tugon saka isinara ang pinto. Tinalikuran ko na agad siya at hindi na hinintay pang umalis. Geez. Hindi naman ako ganito dati a? Hindi ako 'to! Hindi ako 'to! Ano ba kasing nangyayari sa'kin? Pakshet na kalokohan!

Naglakad na ako patungong bahay saka mabilis na pumasok nang makarating. Aakyat na sana ako ng kwarto ko para maka-pagpalit nang biglang may sumigaw mula sa likuran ko.

"Hoy! Sino ka?!" sa boses pa lang alam ko na. Hay nako, Ethan! Ikaw na siguro iyong pinaka-oa na tao sa lahat.

"Ang oa mo naman t'yong! Tss," sabi ko saka inirapan siya at patuloy na umakyat.

Naramdaman ko namang nakasunod siya."Wow! Ikaw ba 'yan, T'yang?" manghang-manghang sabi niya kasabay ng pagkarating ko sa taas.

Humarap ako sa kanya at nakita ko naman ang mga mata niyang nagsilakihan. Tss. Ang OA naman nito. Sarap sipain."Oh? Ba't ganyan ka makatingin?"

"Grabe. Mukha kang tao" Aniya saka sinuri-suri ang buhok ko tapos ang suot kong damit naman."'Tsaka kailan ka pa natutong magbestida? Ha?" Saka lumayo.

"Wala! Nagbebestida naman ako ah! Bakit ba?"

"Oh! Tapos pa-make-up-make up ka pa! Hala ka!"

"Psh. Ewan ko sa'yo!"

"Hoy. Kung sino ka mang masama pero magandang espiritu. Lumabas ka na sa katawang iyan."

"Oh. Di bale na, at least may MAGANDA. Hahaha. Salamat, Tanoy.." Sabi ko saka tumakbo.

Isang linggo na ang lumipas at marami ng nagbago. Lagi na kaming magkasama ni Psalm, I tried to stalk him on facebook pero wala man lang akong nakitang mukha niya. Sinubukan ko din yung Efraim pero wala pa rin. Hindi ko rin kasi alam kung anong surname niya kaya medyo mahirap. Ayaw ko rin naman siyang tanungin hindi dahil nahihiya ako kung hindi ayaw ko lang gumawa na pwedeng pagdudahan niya. Baka mamaya malalaman niya pang iniistalk ko siya. 'Di bale na, may number naman na niya ako.

Bad LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon