Kabanata 8

251 43 8
                                    

Hey, guys! I just wanna recommend this story:
https://my.w.tt/XlTVfdTDxR
If you have some time, try to read this one. Same genre and concept lang din siya nitong story. Thank you!

Also, if hindi gumagana 'yung link. Click this name: majestingg mas makikita niyo since nag-iisang work lang siya. Thank youuuuu!

~~~

#BLAnxiety

Pagkatapos ng nakakatakot na usapang iyon ay naglakad na akong mag-isa pauwi. Sa gitna ng aking paglalakad, natigilan ako nang may makita akong pamilyar na pamilyar sa akin. Kahit na nakatalikod siya ay kilala ko pa rin siya. Marahan akong naglakad palapit sa kanya.

Lumapit pa ako ng kaunti. "Psalm.." tawag ko.

Lumingon siya sa akin pero tinalikuran niya rin ako kaagad. Mag-isa lang siya ngayon. Hindi ko alam kung bakit madalas siyang nakatambay dito. Hindi ko na rin iyon inisip dahil dito na rin naman sa kantong ito kami unang nagkita.

"Psalm" tawag ko ulit pero hindi na niya ako nilingon at sumandal sa pader saka inilabas ang kanyang cell phone at ginamit ito. "Psalm!" sigaw ko. "Psalm, ano ba!"

Humarap siya sa'kin. "Shut the fuck up!" galit na saad niya saka naglakad palayo.

Tila napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Ito ang unang pagkakataon nang makita ko siyang galit na galit. Naisip ko tuloy kung ano ba talagang nagawa kong mali? Bakit hindi niya ako pinapansin? Bakit galit siya sa akin?

Hinabol ko siya. "Psalm!" sigaw ko habang tumatakbo. "Psalm! Ano bang nangyayari sa 'yo?" tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.

"Psalm! Ano na bang nangyayari sa 'yo? Bakit parang iniiwasan mo ako?"

Napatigil siya sa paglalakad. Hinarap niya ako. "Why the hell do you care? Ano ba kita?"

Natigilan ako.

Oo nga naman. Ano niya ba ako?

Hindi ko lang maiwasan masaktan sa sinabi niya. Ano nga ba niya ako? Gusto ko lang naman sabihin sa kanya na ako lang naman ang pinakilala niya sa pamilya niya bilang girlfriend.

Masyado ba akong nag-assume? Bakit ba nakalimutan kong girlfriend niya lang ako sa araw lamang na iyon?

Pero paano naman yung pinagsamahan naming dalawa? Wala lang ba iyon?

Fuck you, Psalm.

Pagkatapos niyon ay tinalukaran niya ako. Hindi na ako nagsalita pa dahil nasasaktan talaga ako sa sinabi niya pero kailangan kong masabi sa kanya ang dapat kong sabihin.

"Kailangan kita, Psalm! Ayoko pang mamatay!" sigaw ko.

Anxiety. Nakikita ko iyon ngayon sa kanya.

"Have you been threatened?" base sa tono ng kanyang pananalita, may halo itong pag-aalala. Ano ba talaga? Ano bang nangyayari, Psalm?

"Teka.."

"Tell me! Have you been threatened?" mahinanon niyang tanong.

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Tila may bumabara sa lalamunan ko. Bakit hindi ko masabi? Come on, Proverbs!

"The fuck!" ika niya saka sandaling iniwas ang tingin sa akin at napahawak sa kanyang buhok. "I have no time to wait. I have to go," aniya saka mabilis na umalis. "Bahala ka na sa buhay mo."

Naiwan naman akong mag-isa sa kinatatayuan ko. Bahala na ako sa buhay ko? Just shit. Ayoko nang mamatay pa ulit! Dahil itong buhay na dala ko ngayon ay pangalawang buhay ko na! Hinding-hindi ko makakalimutan iyong sinabi sa 'kin ni papa noon!

Bad LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon