Kabanata 12

220 41 12
                                    

#BLThePlan

Third Person Point of View.

Hindi na makita ni Psalm si Proverbs. Kanina niya pa ito hinahabol at hinahanap. Hindi niya alam kung bakit kusa na lang umalis ito, hindi niya malaman ang dahilan nito. Kalaunan ay napagod na rin siya. Gusto niya mang tawagan ito ngunit wala na nga pala itong telepono.

Samantalang si Exodus ay kinakausap na si Agatha—ang babaeng pareho nilang minahal noon.

"Gotcha!" ani Agatha. Napakunot naman ang noo ng binata nang mapansing okay na okay naman ito.

"Are you okay?" kahit na halata naman ay nakuha niya pa ring magtanong.

"Sorry!" kahit papaano ay nakokonsensya pa rin si Agatha sa ginawa -- ang muling pagloko sa taong pinapahalagahan siya. Subalit mas pinili ng dalagang kumampi sa babaeng gusto niyang makilala, ang inakala niyang matalik na kaibigan niya noon slash pinsan na si Angel—at iyon ay si Adreil Proverbs na minamahal ng dalawang binata ngayon. Minamahal nga ba?

Kanina, nakita ni Agatha ang kanyang kapatid na si Diego, napatingin din siya kung saan ito nakatingin at may nakita siyang dalawang babaeng tila binantaan naman ito. Agad siyang lumapit sa mga ito. "What's going on here? Nambanta ka na naman ba, Diego?" anito.

Natawa na lang si Diego sa inasta ng kapatid. Somehow, he've just missed his sister. Masaya siya dahil nakabalik na rin ito. Well, hindi niya lang alam ang totoong dahilan ng pag-alis nito—ang magpa-opera. Ang alam niya lang ay niloko siya ni Psalm at Exodus. Gusto mang sabihin ni Agatha ito ngunit pinipigilan siya ng kanilang mga magulang. Naaawa pa rin si Agatha sa kapatid dahil tuluyan na siyang itinaboy ng kanilang mga magulang. Isa sa mga dahilan nito ang pagpatay ng kanilang bunsong kapatid.

Ngunit hindi siya ang gumawa noon.

Galit na galit ang mga magulang nito dahil sa pagiging troublemaker nito. Noong unang suntok niya kay Psalm ay ang pag-aakalang dahilan ng pag-alis ng kapatid. Doon, sinubukan niyang magbago para matanggap ng magulang na ngayo'y kapiling si Agatha sa New York. Nagtataka si Diego kung bakit hindi nila isinama ang bunsong kapatid na si Dhayne. Itinanong niya ito kung bakit pero maski ito ay hindi siya pinapansin. Si Agatha, si Agatha na lang ang natitira sa kanya.

Kalaunan,  nakatanggap siya ng balita. Nanlumo siya sa nalaman. Ang kanyang inayos ay nasira. Ang kanyang pagbabago—na maging matino ay naudlot. Nagbago siya, in bad way nga lang.

Mas lalong nagalit ang sariling magulang. Mas lalo niyang kinasusuklaman si Psalm Efraim Manansala dahil sa pagpatay ng kapatid nito. Nang dahil kay Manansala ay tuluyan na siyang itinaboy. Siya ang sinisisi sa lahat, kaya naghiganti siya.

Si Hope, ang kambal nito. Wala siyang pakialam kahit na bestfriend pa nito ang kanyang pinakamamahal na kapatid. Sinubukan niyang patayin ito noon para makaganti at ngayo'y sinusunod niya si Adriel Proverbs, na kinikilalang girlfriend ni Psalm Manansala. Na walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

"Akala ko—"

"No. It was just a prank," sagot ni Agatha kay Exodus. "Ano bang relasyon mo with Proverbs?" hindi alam ni Exodus kung paano napasok agad si Adriel Proverbs sa usapan.

"You... know her?" balik tanong nito.

"Uh-huh. I just met her a while ago," nakangiting saad nito.

"Uhm...  okay... I'll go ahead," nahiya ang binata sa nalaman. Nabitag siya. Nais niyang itanong si Agatha kung ano ang gustong iparating nito ngunit pilit na umaatras ang kanyang dila.

Akmang bubuksan ang pinto ng kwarto nang biglang nagsalita si Agatha. "Glad you found her," agad niyang ibinalik ang tingin kay Agatha.

"Agatha, I just wanna ask why are you doing this," sa wakas ay nailabas niya ang mga salitang nakaipon lang sa kanyang bibig.

Bad LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon