Kabanata 20

126 30 32
                                    

#BLDiegoLim

"Bata pa lang si Agatha ay may gusto na siya kay Exodus. Hindi ko nga nakakalimutan iyong binigyan niya ng bulaklak si Exodus," ani Hope nang pailing-iling pa. "Ang kaso, tinanggap nga ni Exodus iyong bulaklak pero hindi naman siya gusto nito kun'di si Angel," kumunot naman ang noo ko nang nilingon niya akong nakangiti. "Kamukhang-kamukha mo siya.."

Ibinalik ko ang tingin sa kalawakan ng syudad. Nang maramdaman ko ang sawa ay tumalikod ako at sumandal na lang sa railings. "Paanong kamukha?" tanong ko. I'm just curious. Lahat sila ay napapagkamalan akong si Angel. Wala naman akong maalalang Angel sa buhay ko.

"As in. Parang kambal nga, e."

Napatawa ako. "Tsk."

"Umiyak pa nga si Agatha nang malaman niyang si Angel at Exodus na." ani Hope.

"Wait. So ganito 'yun— Type ni Psalm si Agatha, type naman ni Agatha si Exodus, at type naman ni Exodus si Angel? Tapos si Angel may gusto rin kay Exodus? Ay nako, so ang kawawa si Psalm?" singit ni Abelle.

"Ayusin mo nga 'yang mga words mo." saad ko.

Kumunot naman ang noo niya. "Wala namang mali do'n, a? OA ka lang talaga."

"Iyon na nga, Abelle. Ang nakakainis lang kasi, sinagot lang ni Agatha si Psalm dahil sa awa." sagot ni Hope kay Abelle.

"So iyon na 'yun? Naging sila dahil lang sa puntanginang awa?" tawang-tawang sagot ni Abelle dahilan para mapatawa rin kaming dalawa ni Hope.

"Sort of."

"Hindi mo man lang naggawang magalit? E, kapatid mo 'yung niloko niya?" Abelle asked.

"May misunderstanding kasi kami ni Psalm that time kaya hindi ko na nasabi pa. Sinabi ko naman sa kanya iyon pero 'yun nga lang ay hindi siya naniwala sa akin. Lagi niya akong inaaway, iniiwasan niya ako, so ayun. Hindi ko na sinabi."

"Loka-loka 'tong Agatha na 'to."

"Pero hindi ba't namatay si Angel?" I asked out of nowhere.

"What? So ganu'n? Ang tragic naman ng ending!" komento ni Abelle. "Totoo ba 'yun, Hope?"

Hope nodded that made Abelle gasp. "Nang mawala si Angel biglang nagbago ang lahat. Masyadong nasaktan si Exodus nang mamatay si Angel. Ang alam ko lang ay naaksidente si Angel. So kadahilanang gusto ni Agatha si Exodus ay siya ang lumapit kay Exodus para lang samahan sa pagluluksa," Hope rolled her eyes. "And then, nagsimula na siyang manlamig kay Psalm. At eto namang kapatid ko e napakamanhid! Hindi man lang naramdaman."

"Ito na po iyong shakes niyo, ma'am!" masiglang bati ng waiter sa amin saka inilapag sa mesa ang mga ito. Agad ko namang kinuha ang pandan flavor. Kinuha naman ni Abelle ang mango at si Hope naman ay strawberry. Mukha tuloy kaming power puff girls. Well, 'di ko naman talaga type 'tong pandan, wala raw kasing chocolate, e.

"So ano na ang nangyari?" muling tanong ni Abelle. Napapansin ko lang na mas curious pa siya sa akin.

"Ayun. Exodus fell in love with her." mabilis na sagot ni Hope. Hindi na ako nagulat. Halata naman, e. Iyon iyong mangyayari, para saan pa't nag-away sila, hindi ba?

"So, that's the ending of their stories? Parehong tragic." I commented. "So what's with that Diego, anyway?"

Hope sighed. "Like what just did you say, tragic iyong endings nila. Pagkatapos no'n ay naging gangster si Psalm and then lumipat naman ng school si Exodus—iyong paaralan na pinagmamay-arian ni Lolo. Ayaw niya raw kasing makita si Psalm. They used to be friends, anyway. Nasira lang talaga dahil sa love... so there. I was walking down the hallway, may bigla na lang tumakip sa ilong ko gamit ang panyo. Isang araw, naggising na lang ako na nasa abandoned place  na ako... Diego kidnapped me."

Bad LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon