Kabanata 13

251 43 15
                                    

#BLMisterRight

Monday.

Wala kong maalala sa mga nangyari. Basta pagkagising ko, naroon na ako sa kwarto ni Hope. Hindi ko naman alam kung anong nag-udyok sa akin at uminom. Kaya ang ending, sumakit ang ulo ko.

Nang makapasok ako ng classroom ay nakita ko naman si Exodus. Napatayo naman siya nang makita ako ."Adriel..." nginitian ko siya saka naman ako umupo.

"I'm sorry," nagtaka naman ako.

"Sorry, saan?"

"You sure you haven't remember anything?" takang tanong niya.

My forehead creased. "May dapat ba akong maalala?"

Sasagot na sana siya but his phone suddenly rang that made him interrupted. Kumunot ang noo niya nang tingnan niya ito saka niya na sinagot ang tawag.

"Yes, Lo," napasandal siya sa kanyang upuan. He sighed. "As in now?"

Napatingin naman siya sa akin. "Okay. See you later," anito saka binaba ang tawag.

"Lolo mo?" tanong ko.

"Adriel..."

"Bakit? May problema ba?"

"Pumapayag ka namang manligaw ako sa 'yo, right?" agad naman akong napaiwas ng tingin nang sabihin niya iyon. Napahawak ako sa batok ko. I don't know how to react, it is too awkward for me. Hindi ko lang alam kung hindi ba siya naiilang na itanong sa akin iyon. Boys...

"Uh... Akala ko ba, naiintindihan mong hindi pa ako ready?" tanong ko.

"Yes. But I badly need you right now. Can you be my girlfriend just for now?" bakit ba parang hindi naman siya naiilang sa mga sinasabi niya?

"Pero—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinila patayo at lumabas ng classroom. Mabuti na lang at wala kaming teacher ngayon dahil may emergency meeting daw sila.

Nahirapan pa kaming lumabas dahil masyadong istrikto ang guard namin. Kahit pa raw anak si Exodus ng Principal ay hindi niya pa rin daw pababayaan ang trabaho niya. Pinilit-pilit siya ni Exodus kaya sa huli ay nakalabas kami at parehong sumakay sa kotse niya.

"Saan mo ba ako dadalhin?" agad na tanong ko.

"Ihahatid kita sa bahay niyo para makapagbihis. My grandfather wanted to know who my girlfriend is, dahil kung wala akong ihaharap sa kanya ay ia-arranged niya ako sa ibang babae. I don't want that, so I ask you to be my girlfriend just for today."

I remembered Psalm. "Family Date, tama ba?"

"Yes."

We're on our way to our home nang biglang tumunog ang cell phone ko. Ito na 'yong luma ko, 'yung binigay kasi ni Exodus 'yung tinapon no'ng Bryan.

Sinagot ko ang tawag. Si Ethan iyon.

"Oh, bakit?"

"Hoy, sino 'tong lalaking nag-aabang sa labas? Nakakotse pa. Hinahanap ka raw."

"Aba. Malay ko. Ano bang pangalan?"

"Aba. Malay ko rin. Bahala ka nga diyan! Papauwiin ko na 'to. Hindi niya ba alam na may pasok ka?"

"Huwag. Pauwi na ako."

"Hala ka. Nag-cutting ka na naman! Isusumbong kita."

"May nanghingi ng tulong, e."

"Ay, tangina. Sige na. Bilisan mo bago ko 'to ibugaw ng itak."

Exodus cursed as I ended the call. Inihinto niya ang kotse. Tumingin naman ako sa kanya. Nakita ko namang parang inis na inis siya. Tumingin naman ako kung saan siya nakatingin at nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan.

Bad LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon