Kabanata 11

235 43 10
                                    

#BLParty

It's been a month. Masyadong maraming nangyari sa nakalipas na isang buwan. Sabado. Kinakabahan ako para mamaya. We'll going to party later. A welcome party to be exact. Darating kasi iyong childhood friend nina Hope at Psalm. Hindi pa rin sinasabi sa 'kin ni Hope kung sino ba iyon.

"And this.." nanigas ako sa kinatatayuan ko nang may inilagay siyang kung anong bagay sa ulo ko. Lumayo siya at pinagmasadan ako. "Awww.. You are so pretty!" hinawakan niya ang braso ko at iniharap sa salamin. "Look at yourself" aniya saka ako binitawan.

Pinagmasdan ko ang sarili ko. Puting flower crown, puting dress at puting flat na sandal. Hindi naman siguro ako magmumukhang patay nito?

Naaalala ko naman iyong family date noon. Puting dress din 'yong suot ko. Talaga bang bagay sa 'kin ang white?

"Oh. Kanina ka pa diyan sa salamin," napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yun. "Let's go?"

Sumunod naman ako. "Hope, pupunta ba sila?" sa wakas at naitanong ko rin.

"Sinong sila?"

"Ah, wala, wala!" sabi ko na lang. Tss. Ayoko talaga 'yung tinatanong ako kahit na halata naman 'yung sagot.

Sumakay na kami sa kotse nila nang makababa kami sa building na 'to. Galing kaming condo ni Hope. Doon kami nagbihis. Ang yaman talaga ng mga nilalang na 'to.

Ipinagmaneho kami ng driver niya. Ayoko talaga kasing pumunta doon sa welcome party na 'yan. Una, kasi baka paaalisin ako roon dahil hindi naman ako kilala. Pangalawa, wala naman akong kakilala roon, ni hindi ko nga kilala kung sino 'yung nagpaparty, e. Hindi pa kasi sinasabi sa'kin ni Hope. At pangatlo, sigurado akong mayayaman lang ang nando'n!

Bumilis ang tibok ng puso ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng magandang gate. Sa taas ng gate ay may mga flower doon na nakapalibot tapos may mga ilang taong nakatambay roon. May mga flower crown din 'yung ibang kababaihan. Naisip ko bigla kung bakit sila nasa labas. Baka hindi sila pinapasok? Dahil hindi sila kilala? Naku, sayang naman 'yung damit nila!

Bumukas ang pinto ng kotse. Lumabas si Hope ngunit nanatili akong nakaupo sa loob. Ayoko. Ayoko. "Tara na" umiling lang ako."Hay! Ano ka ba, hindi kita pababayaan. Atsaka nandito rin si Psalm. 'Tsaka diba close kayo ni Hansel? Don't worry, she's here" Hansel? Paano ko 'yun naging close?

Bumaba na ako saka naman isinara ng driver ni Hope ng pinto. Iginala ko naman agad ang tingin ko. Puro mayayaman 'yung mga tao! Walang-wala ako sa kanila. #OutOfPlace

"Ate!" napalingon kami sa likod nang naagaw ng isang pamilyar na boses ang atensiyon namin at nakita namin si Hansel na palalapit sa'min. Napatingin din ako sa likod niya saka ko nakita si Third. May flower din sa ulo si Hansel and a lavander dress.

"Hi, Hope!" bati niya nang makalapit sa'min. "Hi, ate!" hanggang kailan kaya siya titigil kaka-ate e 'no?

"Bakit mo ba ako laging tinatawag na ate?" tanong ko. Ewan, ayaw ko lang talaga.

"E, hindi ko naman kasi alam 'yung name niyo," nakangusong saad niya.

Sasagot na sana ako ngunit inunahan ako ni Third. "Proverbs"

Letse. Siya ba si ate?!

"Ow, you mean 'yung girlfriend ni Psalm?"

Hindi naman ata awkward sa lagay na 'to.

"Mauna na kami," sabi ni Third saka umalis.

Ibinigay ni Hope 'yung invitation letter doon sa guard bago kami pumasok. Napanganga ako sa ganda. Puro bulaklak ang kapaligiran.

Bad LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon