Kabanata 1

504 48 18
                                    

#BadLiar01 Cold

Rochelle Bamo: Ate, crush ka po nung classmate ko.

Napangiti ako sa nabasa.

Adriel Proverbs Malaya: Hahaha. Sabihin mo sa classmate mo, thank you.

Sabi ko. Ang saya lang sa pakiramdam na may nagkakagusto sa'yo kahit na hindi ka naman kagandahan.

Rochelle Bamo: Makakarating po, ate. Atsaka ikaw rin po ang girl crush ko <3.

"Ading, bili ka muna ng mantika," napaangat ako ng tingin nang marinig kong magsalita si Tiya Natty. Sinara ko muna iyong laptop ko saka tumayo galing sa aking kama at lumapit kay Tiya. Mamaya ko na lang siguro sasagutin si Rochelle Bamo. Well, hindi ko naman siya kilala, pero sabi niya nakikita niya ako sa school.

Ibinigay niya naman sa'kin iyong perang pambili ng mantika. Pagdating ko sa labas ng bahay, naabutan kong nag-uusap iyong mga tiyo at kapatid ko.

"Bawal na ngang lumabas ang bata, e," sabi pa ni Tiyo Rene, isa sa mga kapatid ni Tiya.

"Maaga pa naman po ah," sagot naman ni Justine, my nine year old brother.

"Gusto mo kainin ka ng aswang?"

"E, hindi naman totoo iyan," napangiti ako sa sagot ng kapatid ko. Lumapit ako sa kanila at inakbayan ang kapatid ko. Hanggang balikat ko naman siya kaya hindi ko na kailangan pang mag-adjust.

"Naku, mga t'yong! Hinding-hindi niyo na mauuto 'tong kapatid kong 'to! Aba't tinuruan ko na ng kaastigan 'to!" sabi ko.

"Aba, e. Kung ganun pwede na nating isali 'to sa inuman!" nanlaki ang mata ko nang marinig iyon.

"Oo nga, ate,"

"Subukan mo lang at baka makakatikim ka ng suntok," banta ko sa kapatid ko. "Pumasok ka na nga sa loob!"

Umalis na ako at nagsimulang maglakad. Wala sa sariling dumaan ako sa isang delikadong daan. Madalas kasing may nangyayaring masama dito. Ilang tao na ang nakitang walang buhay dito at pinaniniwalaang gangsters iyong pumapatay. Pero kasi mas malapit kung dito ako dadaan atsaka wala naman ding taong nakatambay pero at the same time... Ayaw ko pang mamatay!

Agad akong tumalikod pabalik ngunit agad na nanlaki ang mata ko nang makitang may mga lalaking tumatakbo palapit sa 'kin—No. Papunta dito sa daan na 'to na tila ba'y may naghahabol sa kanila. Wait! Papunta sa daan na 'to? Oh no!

"Tabi!" huli na nang matauhan ako dahil sa sigaw ng lalaki. Hindi ko agad nagawa iyong sinabi niya kaya pareho kaming napatumba. "Shit," he cursed at agad na tumayo. Pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at itinayo. Napaaray ako dahil medyo nasaktan ako sa ginawa niyang paghila. Sesermonan ko na sana siya nang magsalita siya, "They're here," at agad tumakbo habang hawak-hawak iyong kamay ko. Medyo naguguluhan ako pero pakiramdam ko parang may nangyayaring hindi maganda kaya hindi na ako umangal pa.

Nagtago kami sa isang sulok kung saan hindi kami makikita. Napaupo ako sa pagod. Gusto ko man siyang tanungin kaya lang baka masungitan lang ako. Guys nowadays, you know.

Tanging buwan na lang ang nagbibigay ng liwanag sa pagitan naming dalawa. Kanina pa kami nandito at malamang busog na ang mga lamok nito. Tumayo ako at hinarap siya. "Pwede bang—"

"Shh."

Sabi ko nga.

Tahimik lang akong nakatayo sa tabi niya habang yakap-yakap ang sarili. Medyo nilalamig na rin kasi ako, kanina pa kasi kami nandito. Wala ba siyang balak lumabas? Hala! Iyong mantika nga pala! 'Di bale na, mantika lang naman iyon. Hay... Anong oras na kaya? Hindi ko kasi dala ang relo ko, feel ko nga alas diyes na ng gabi dahil ang lamig na.

Bad LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon