Kabanata 14

171 37 17
                                    

#BLThankYou

"As it was in the beginning is now and will be forever. Amen."

We ended the prayer before meal as we did the sign of the cross. Nakakahiyang makisalo sa kanila. Their family is too religious comparing to us. Kung nagdadasal man kami ay prayer before meal lang at wala nang susunod na prayer. Minsan nga, kanya-kanya na kaming nagsa'sign of the cross.

Napagdesisyunan kong dumeretso na lang dito sa mansion ng Lolo ni Psalm. Tatay ito ng tatay nila, according to Hope. Mas makapangyarihan kumpara sa Lolo nila na nakilala ko noong nakaraan. Kaya medyo kinakabahan ako dahil wala si Psalm at si Hope lang ang pwede kong hingan ng tulong kung sakaling may masabi man akong mali na pwedeng hindi magustuhan ng Lolo niya.

"You sure that Psalm will follow?" nagsimula na naman akong kabahan nang tanungin ako nito.

"Yes, po," agad akong napayuko matapos sagutin ang tanong niya. Walang sinabi si Psalm, ni hindi ko nga siya nakita.

"You look familiar, hija. May I know whose daughter are you?"

I was about to answer when someone caught our attention. Hindi ko pa siya nakikita pero may hawig siya ni Exodus. May kasama rin siyang magadang babae. Tingin ko mag-asawa na sila or engaged dahil sa singsing na nakasuot sa ring fingers nila.

"Where is your brother, Leviticus?" tanong naman ng matanda.

Pinaupo muna nung Leviticus ang babaeng kasama niya saka naman siya umupo at sinagot ang matanda. "I don't know. Baka nasa school pa?" he shrugged. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin dahil tingin ko, mukha siyang bad boy.

Napatingin naman sa akin si Leviticus. "Wait, you look familiar. You're Exodus' friend, right?"

"You know Exodus?" biglang sambit ng matanda kaya naman ay nabaling ang atensiyon ko sa kanya. So, related si Exodus dito? Oh my G.

"Then why are you here? Asking her to be your girlfriend para lang maiharap kay Lolo?"

Magkamag-anak sila? Akala ko mag'bestfriend lang sila. Pero bakit gano'n sila makitungo sa isa't-isa?

"Y-Yes po. He's my classmate," sagot ko.

"Oh. Good. Kilala mo ba ang girlfriend niya?"

My knees starting to tremble. Me, I was supposed to be his girlfriend, even just for now, pero paano naman si Psalm. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyong sinabi kanina ni Rochelle. He's crying? Oh man. Noong una ay nagdadalawang isip pa nga ako no'n, pero biglang sinundan ni Rochelle ng isa pang message. She said that it was a joke, I feel relieve from that. Pero sinundan niya pa ito ng isa pang messege.

Rochelle Bamo: Pero mukha siyang stress. Nakasabunot pa sa sariling buhok. Anyare?

Tipid na 'I don't know' lang ang nireply ko sa kanya. She replied 'sayang' pagkatapos ay tipid na 'okay' na lang isinagot ko. Wala na akong time makipag-usap pa.

"Uhh.. No I don't."

"Nagtext na ba sa iyo si Psalm, hija?" napatingin naman ako sa mommy ni Psalm. She's smiling. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Magsisinungaling na naman ba ako? Bakit kasi naisipan ko pang hindi na lang ipaalam kay Psalm na nandito ako? Ang dami ko talagang alam. Nakakaloka.

"Hindi pa po," okay. It was not a lie.

"Sigurado ka bang hindi mo kilala ang girlfriend ni Exodus?" tanong naman ni Leviticus.

Ngumiti ako. "Noon. He's a playboy, but now wala na akong nakikitang kasa-kasama niya."

"How about you? Ikaw naman lagi ang kasama niya?"

Bad LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon