Chapter 1

202 4 0
                                    

Arah's POV

Inis na inis na talaga ako kanina pa. Saan nab a kasi napunta yun? Anak ng tuta naman oh!

Hindi ko alam kung saan napunta ang wallet ko, kung kalian ko kailangan tsaka nawala. Paano ako makakauwi nito kung wala akong pera, ang layo pa naman ng school sa bahay namin? Sino kaya ang kumuha nun?

"Oy Arah dalian mo naman diyan!" sigaw ni Leo, kababata ko siya. Sabay kaming lumaki dito sa Taguig.

"Sandali lang Leo, nawawala yung wallet ko. Huhuhu" sabi ko sa kaniya aat nagmadali siyang pumasok sa classroom.

"Hayaan mo nay un, ililibre nalang kita ng pamasahe pauwi." Aangal pa sana ako kaso alas 8 na ng gabi. Naalala ko ang iba kong mga importanteng bagay dun sa wallet ko pero hayaan nalang, wala na akong magagawa. Kung sino man ang kumuha nun, wala lang. hihihi

***

"Ui Leo salamat ha." Sabi ko sa kaniya nang makarating kami sa tapat ng maliit kong bahay.

"Naku, walang anuman. Ikaw pa bes." Sabi niya pagkatapos ay ginulo ang buhok ko at tuluyan na siyang tumalikod at naglakad pauwi.

"Pst!" Agad akong napalingon sa sumitsit sa akin,sino naman kaya yun? Hindi ko nalang pinansin at papasok n asana ako ng bahay nang

"Pst! Pst!" huhu ayaw ko ng ganitong feeling kaya nagmamadali akong pumasok sa bahay at linock at pinto.

Ako lang mag isa sa maliit na bahay na to. Mag isa nalang ako sa buhay. Namatay ang aking pamilya noong nagkaroon ng sunog doon sa lugar na dati naming tinitirhan. Mag-isa lang ako na anak kaya naman noong nawala ang mmy at ddy ko ay parang hindi ko kaya.

Pero ito, sa awa ng Diyos ay nalampasan ko naman ang mga pagsubok na dumaan sa buhay ko at siguradong malalampasan ko pa ang mga susunod.

***

Takbo ako nang takbo sa isang madilim naa kagubatan. Kanina pa may humahabol sa akin at pinaglalaruan ako. Kinilabutan ako nang may mainit na hininga ang dumapo sa leeg ko.

"Wala ka nang mapupuntahanmahal kong Reyna." Sabi ng lalaki na nas likod ko. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang takot. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Bigla akong hinawakan ng lalaki sa braso at sinakmal ang leeg ko. Nakaramdam ako ng hapdi sa leeg ko. Gusto kong lumaban pero hindi ko magawa.

"Hoy lumabas ka diyan. Wag kang duwag!"

Isang malakas na sigaw ang gumising sa akin. May nag aaway sa labas. Pawis na pawis ako. Pinunasan ko ito. Kinikilabutan ako habang inaalala ang lalaki sa panaginip ko na napakaitim ng aura. Nakakatakot.

Bigla akong napatingin sa tumunog kong cell phone.

Leo calling...

[Wala ka bang balak pumasok?]

Ilinayo ko ng konte ang cell phone sa tenga ko at tiningnan ang oras.

"Waahhhh. Anak ng tuta, andiyan na magbibihis na." agad ko inend ang call at hindi na ako naligo. Naghilamos nalang ako at nag tooth brush tsaka nagpalit at dali dali na kinuha ang bag ko.

Nanamlay ako bigla nang bigla ko maalalang wala nga pala akong pera. Walang gana kong binuksan ang pinto at tumambad ang mukha ni Leo.

"Alam ko nay an. Ako na bahala." At agad napalitan ng malaking smile at nakasimagot kong mukha. Inagbayan ako ni Leo at naglakad papunta sa sakayan ng tricycle.

***

Natapos ang klase ko at stress na stress ako. Hindi dahil sa mga lessons, kundi dahil sa dami ng requirements na kailangan ko icomply. Anak ng putakte naman kasi ang kumuha ng wallet ko. Diba? Ang sarap niyang itapon sa Mariana Trench?

"San na kaya ako kukuha ng pera nito?" pagmamaktol ko sa sarili ko habang naglalakad pauwi. Hind kami magkasabay ngayon ni Leo kasi kanina pa natapos yung last period niya, ako ngayon lang. at alas 8 na ng gabi.

"Bakit parang ang weird?" bulong ko sa sarili ko. Feeling ko kanina pa may nakatingin sa akin. Feeling lang eh no? Pero seryoso parang kanina pa.

Binilisan ko ang lakad. Arah dalian mo maglakad. Pero mas lalo ko pang naramdaman ang presensiya ng nakasunod sa akin at papalapit nang papalapit nang papalapit at ang bilis bilis ng galaw niya.

At ngayon ay nasa harap ko na siya. Isang gwapong lalaki na maputla at may mapungay na mata. Hoo! Akala ko naman bampira na. poging chicklet lang pala.

The Vampire QueenWhere stories live. Discover now