This chapter is dedicated sa lahat ng nagvote at nagbasa nito. Lovelotsss din po sa mga nag follow sa akin 😍😘
Lance's POV
Matagal ko nang hinintay ang pagkakataon na to. Ang makaganti kay Drake sa lahat ng ginawa niya. Hindi ko mapigilan ang galit na nangingibabaw sa buong pagkatao ko. Akala ko noon ay matatalo na ako. Pero hindi. Matagal ko rin siyang minanmanan.
Nagulat ako dahil nalaman ko na so Drake ay may napupusuan na babae. Pero mas may isang bagay na nakapagpabigla sakin ng husto pero nakapag bigay sakin ng labis na tuwa at pag-asa.
Alam kong magagamit ko siya sa lahat ng plano ko.
Drake's POV
Something is so unusual about today. I dont know why. I feel so nervous. My heart beat so fast and I think about Arah if how she is doing right now.
Arah's POV
Ang bait ni Lance kakakilala pa nga lang sa akin eh nilibre na ako. Ang galing talaga. Ang ganda ko talaga.
"Ui Lance, salamat dito ha?" Sabi ko sa kaniya sabay subo ng burger. Talagang nilakihan ko yung kagat. Nakita ko naman na napangiti siya. Hahaha
"You're welcome. Gusto mo bukas ulit" wow. Talaga?
"Yes kahit araw araw" dugtong niya. Nanlaki ang mga mata ko. Hala nababasa niya isip ko?
Narinig ko na tumawa siya at ang cute niya don. Hahaha
"Naku ikaw ha" sabi ko sa kaniya sabay palo sa braso. Habang kumakain ako nakikita ko sa peripheral vision ko yung mga babae na nakatingin sa akin ng masama.
Nandito nga pala kami sa canteen ng school.
"Ang landi" iritang sabi ng babae. Wow ako? Malandi. Di ba pwedeng lapitin lang dahil maganda. Hindi ko nalang sila papatulan dahil wala naman akong makukuhang maganda sa kanila.
"Aray!!" sigaw ng babae. Halos mabuga kk ang coke na iniinom ko nong makita ko si Lance na hawak ang braso ng babae at namimilipit sa sakit ng pagkakahawak niya.
Ang bilis. Paano siya napunta don?
"Wag mo siyang matawag tawag na malandi. Wala kang karapatan" sabi niya ng punong puno ng galit ang boses. Tinulak niya ang babae at tumilappn yun sa sahig. Pinigilan ko siya pero hinila niya lang ako palabas ng canteen. Ang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
Nilingon ko yung babae pero nakita ko nalang siyang umiiyak habang tinutulongan tumayo ng mga kaibigan niya mula sa pagkakatilapon sa sahig dahil sa lakas ng tulak ni Lanca sa kaniya.
"Lance, bakit mo ginawa yun?" Tanong ko na puno ng pagtataka.
"Kasi wala silang karapatan na magbitiw ng masamang salita laban sayo!" Sigaw niya. Gulat na gulat ako. Kakakilala ko palang sa kaniya ngayong araw pero bakit ganiyan siya umasta? Naguguluhan ako. Sino ba talaga si Lance? Bakit ganoon nalang siya mag react about sa nangyari.
Iniwanan ko siya. Mabilis akong umalis at umuwi sa bahay ni Drake.
Pagpasoko ko sa pinto ng bahay ay dumiretso ako sa hagdan. Aakyat nalang ako sa kwarto para magpahinga.
"What happened?" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat. Ano ba naman tong araw na to. Bakit ang bad trip ng mga tao sa piligid ko?
Tiningnan ko lang siya sa mata na puno ng pagtataka. Bakit parang alam niya ang nangyari?
"Wala naman." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa mga mata niya. Ganito ako pag nagsisinungaling. Di ko kaya tumingin ng mata sa mata.
"Stop lying. Spill it" sabi niya. Nakaupo lang siya sa couch at walang emosyon.
"Si Lance kasi bagong kaibig-" hindo pa ako natapos sa sasabihin ko nang bigla siyang tumayo mula kinauupuan niya at niyakap ako.
"I'm so worried about you. Wag ka nang lalapit kay Lance" sabi niya. At naguluhan ako. Sino ba talaga si Lance? At bakit ganito makareact si Drake.
Ano ang ugnayan nila?
AN: salamat po sa paghihintay sa UD. 😙😘
YOU ARE READING
The Vampire Queen
VampireWhat if isang araw magising ka at biglang nagbago ang lahat? Kakayanin mo bang harapin ang katotohanan? I woke up in this dark room. My eyes widened when I saw someone sitting in the chair with a black aura and a pair of red eyes. I feel goose bump...