Chapter 6

155 3 2
                                    

Maaga akong gumising para mag ayos kasi ngayong araw daw kami pupunta ni Drake sa school na lilipatan ko. Grabe ang yaman talaga ng Drake na to. Minsan talaga napapanganga nalang ako sa mga bagong magagandang bagay na nakikita ko at isa na doon noong dalhin siya ako sa parking lot niya.

Flash back...

Ang aga-aga may kumakatok sa pinto ng bahay ko.

"Oh! Sino ba yan? Maaga pa. Tulog pa ang araw."  Pero anak ng batuta naman ayaw talaga tumigil sa pagkatok. May balak ba siyang sirain ang pinto?

Tumayo ako kahit nakapikit pa ang mata at binuksan ang pinto. Pag bukas ko biglang may isang malamig na kamay ang humawak sa kamay ko. Ang lamig ng kamay niya kaya bigla akong napadilat.

At sa mga pagkakataon ko lang na yun naalala na wala na pala ako sa Taguig. Hihihi. Tanga right? 

"Saan mo ako dadalhin Drake? Pwede ba matulog muna? Baka naman makakapaghintay pa yan. Alas dos palang oh." Bigla niya lang kasi ako hinila. Hayssst. Hihikab hikab lang ako habang nasunod sa kaniya ta hawak hawak niya parin ang mga kamay ko.

Tinitingnan ko lang ang kamay ko na hawak hawak ng kanay niya. Ugh. Pwede bang himatayin sa kilig. Woooh! Taena naman. Madalaing araw palang eh inaatake na ako ng kalandian.

"I just want to show you something."  Sabi niya at saka ako nginitian. Nanlaki naman ang mga mata ko doon. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti as in first time. At anak ng tokneneng, ang gwapo niya. Kyahhhh.


"Okay here we are." Sabi niya. Nandito kami sa isang parking lot at OMG. Napanganga ako as in literal na napanganga. Ang daming sasakyan dito. 

Meron siyang Pagani Huarya isa sa mga pinakamahal na sasakyan sa mundo. Meron di siyang Porsche. At bukod doon ay may iba pa siyang sasakyan.

"Choose." sabi niya sa akin at itinuro ang mga sasakyan.

"Naku, ano ka ba naman. Hindi basta-basta ipinamimigay ang sasakyan." agad kong tanggi. Ayaw kong tanggapin kasi ayaw kong isipin niyang inaabuso ko ang kabaitan niya. "Kaya ko naman mag commute araw-araw eh." Dugtong ko pa.

"Please, I know na kakailanganin mo yan." Sabi pa niya.

"Naku, hindi naman ako marunogn magmaneho kaya wag na." Baka naman maaga akong matigok pag tinanggap ko yan, at dinrive nang walang kaalam alam diba?

"I will teach you. Isa pa, you don't deserve to commute everyday. You are Drake Constantine's fiance" Wahhhh!!! ang aga-aga parang maiiihi ako sa kilig. Yumuko nalang ako para maitago ang mukha ko dahil nag-iinit na ito.

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at hawakan ang dalawa kong balikat at damang-dama ko ang malalamig niyang kamay.

Inangat ko ang ulo ko at tumama ang mata ko sa kaniyang mata. "Seryoso ka ba diyan?" tanong ko sa kaniya habang nakangiwi.

"YES." And for the second time, na jaw drop ako. Pero sa isip ko lang. Ang ganda talaga ng smile niya. Kahit napakalamig ng ngiting yun, alam kong sincere ang smile na yun.

End of Flachback...

"Ito na ba yun Drake." tanong ko sa kaniya. Kinakabahan ako.

"Yes, this is your new school." bumaba siya sa sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Don't be nervous. Everything will be fine." sabi niya sa akin. "Okay. Salamat sa paghatid ha?" Hahakbang palang ako nang bigla niyang hinila ang kanang kamay ko at natagpuan ko nalang ang sarili ko sa mga bisig niya. Nagulay ako doon. Hindi ko alam kung paano mag rereact. Bukod sa mama at papa ko, siya palang ang taong nakakayakap sa akin.

"Take care. If you need anything, call me."  sabi niya at hinawakan ako sa mga balikat ko "Oo, magiging okay ako."  at ngumiti ako sa kaniya.

"Okay, good bye." sabi niya sa akin at tuluyan nang sumakay sa sasakyan niyang itim at pinaandar ito.

Gumayak na ako papasok ng school. "Wickfield Academy" hinto ko sabay basa ko sa pangalan ng school. Astig hah. 

*Blagshhhh

"Aray!" Ang sakit nun ha. Nabunggo lang naman ako. Tumilapon ang bag ko, at dali-dali naman yung dinampot ng nakabunggo sa akin.

"Oh my God. I'm so sorry miss." sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa akin para tulongan akong tumayo kaya tinanggap ko nalang at agad na pinagpagan ang pwet ko pag tayo ko.

"I'm Lance." sabay abot ng kamay niya para makipagshake hands. Nakipagshakehands naman ako.

"Arah, Arah Valencia" at nagkatawanan nalang kami.



******

Sino kaya si Lance sa buhay ni Arah? Abangan. :D

AN: Thank you po sa mga nagbasa ng first 5 chapters. Huwag niyo po kalimutan mag VOTE at MAGCOMMENT. Salamat po. :]

The Vampire QueenWhere stories live. Discover now