Arah's POV
Mula ng araw na yun ay iniwasan ko si Lance. Hindi ako galit sa kaniya pero alam kong ito ang tama. Hindi ko alam pero kahit yung pag iisip ko at katawan ko kusang umiiwas sa kaniya. Yung parang alam na alam ko sa sarili ko na kailangan ko siyang iwasan kasi anytime na lumapit ako sa kaniya parang may mangyayaring masama.
Nasa school ako non. Maglalakad ako papuntang room.
"May kasalanan ba akong nagawa sayo." Halos napatalon ako sa sobrang gulat nang makita ko si Lance na tirik ang mata at nakakatakot ang itsura nito. Parang kahit anong oras ay pwede niya akong lapain.
"A-anong... p-problema mo Lance?" Halos hindi ko na mabigkas ang mga salita na gusto kong sabihin. Nanginginig ako sa takot dahil sa taong kaharap ko.
"Kung hindi ko makukuha ang tiwala mo. Papatayin kita. Ngayon na." Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Halos di ako makagalaw.
"T-teka L-l-lance? Ano ba--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil parang kahit di aako makagalaw non ay may parang may sariling utak. At isip ang mga paa ko dahil kusaa iyong humakbang at tumakb ng may makita akong pangil na lumabas mula sa mga bibig nito. Napakatulis.
"Hindi ko k-kaya to." Daing ko. Takbo laang ako nang takbo pero "Akala mo makakatakas ka? Ikaw angv magiging bayad ginawa ni Drake sa akin. Humanda ka." Napakalamig niyang sabi. Nanayo ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Ano ba ang nangyayari?
Pero bago paman siya makalapit sa akin ay parang may sumabog mula sa pinakaloob-looban ko.
At pagkatapos non ay nakita ko nalang na nakahandusay na si Lance sa lupa at walang malay.
Napagod ang buo kong katawan, bigla akong bumigay at naging itim ang lahat.
Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Napakasakit ng buong katawan ko, hilong-hilo ako na tila ba iniikot ang buong paligid ko.
lahat ng nararamdaman kong masakit ay biglang nawala ng makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa may silya sa bandang paanan ng Kamang kinahihigaan ko, napakaitim ng kaniyang aura at nakaramdam ako ng sobrang kaba.
Ngunit mas lalo akong kinilabutan, kinabahan at nalito nung tumama ang mata ko sa pulang mata niya pagkatapos ay ngumiti nang nakakaloko at sabihin niyang "Welcome back, My Queen."
Bumangon ako agad sa kinahihigaan ko umatras ako at naramdaman ko na tumama ang likod ko sa head board ng higaan.
"S-sino ka?" Naramdaman ko namang dumaloy ang maiinit kong luha sa pisngi ko. "Maawa ka sa akin, wag mo akong patayin" iyak ko at pag mamaakaawa sa lalaking nakaharap sa akin ngayon.
Unti-unti itong lumapit. Natamaan ng konteng liwanag ang mukha niya at nanlaki ang mga mata ko "Drake?"
Nakita ko siyang ngumiti pero bakas ang pag-alala. Ang mga mata nitong pula ay unti unting nagbago at bumalik sa dati nitong kulay. Pero hindi ako nakaramdam ng takot. First time ko makita ang ganong emosyon sa mga mata niya.
Imbis na tanungin siya sa mga nangyari dahil di ko maintindihan ang lahat ay yumakap ako sa kaniyang bewang at humagulgol ng sobra.
"Drake.. takot na takot ako. Takot na takot." Sabi ko habang iyak ng iyak. Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko.
"I know. It will never happen again. Im here to protect you mg precious Queen." Sabi niya sa akin at naramdaman ko ang biglang pagbigat ng talukap ng mata ko. Feel na feel kong safe ako sa mga bisig ni Drake. Hindi ko alam kung bakit parang masaya ako na nasa mga bisig niya ako.
AN: HEPHEP. Pasensiya na late na naman ang update. Busy si manang mo. By the way salamat sa suporta. Kahit walang masiyadong nagvovote ang importante masaya kayo sa pagbabasa nito. Loves you all.
YOU ARE READING
The Vampire Queen
VampireWhat if isang araw magising ka at biglang nagbago ang lahat? Kakayanin mo bang harapin ang katotohanan? I woke up in this dark room. My eyes widened when I saw someone sitting in the chair with a black aura and a pair of red eyes. I feel goose bump...