Arah's POV
Naisipan ko nang tawagan si Mr. Pogi, paano ba naman wala na akong ibang matatakbuhan. Inutang ko na nga lang muna tong load na pantawag k okay Mr. Pogi sa tindahan ni Nanay Jo.
Sinave ko talaga yung number ni Mr. Pogi baka kasi mawala yung calling card. Mabuti na yung sigurado.
Calling Mr. Pogi
[Hello?] isang malamig na boses ang sumagot sa kabilang linya.
"Ehem, ahm hello po Mr. Pog-este Mr. Constantine. Ako po yung binigyan niyo ng calling card niyo." Sagot ko sa kaniya. Ano bay an? Nadudulas pa tong dila ko.
"You can start tomorrow just see me at my office before you start your work." Hay, salamat Lord. Parang luluwa ang puso ko sa tuwa. Magkakatrabaho na ko. Yehey! Mababayaran ko na ang utang kong load.
***
Maaga akong gumising. Excited. Saturday ngayon at wala akong pasok kasi wala si Prof kaya pupuntahan ko si Mr. Pogi
Nagluto muna ako at pagkatapos ay naligo.
Bihis.
Suklay.
Lagay ng konteng lipstick at nag pulbo at agad na gumayak papunta kay Mr. Pogi
***
Napanganga as in literal na napanganga dahil sa laki ng kompanya at ang silver nitong pangalan "Constantine Incorporations"
OMG ang yaman niya pala, nakakapagtaka lang anong ginagawa niya sa Taguig?
Pagpasok ko ang daming empleyado. Noong una, hindi pa ako pinapapasok ng guard kasi naman wala daw akong pass kaya pinakita ko nalang ang calling card na binigay ni Mr. Pogi.
Hindi ko alam kung anong floor ang opisina niya kaya nagpasama ako sa guard at sumakay kami ng elevator at nasa 15th floor pala ang opisina niya.
"Salamat po manong guard." Nakangiting sabi ko sa guard.
"Walang ano man po ma'am." at agad na siyang umalis.
Pagharap ko sa likod ko tumambad sa akin ang pinto ng opisina niya. At may pangalang nakalagay "Drake Constantine" sa ibaba naman noon ay may nakalagay na CEO. Charrr. Ang taray.
Kumatok ako. Emegerd! Kinakabahan ako. Relax Arah.
"Come in" isang malamig na boses ang sumagot mula sa loob.
Kaya agad kong pinihit ang door knob at isang gwapong gwapong lalaki ang tumambad sa mga mata ko. Nakaitim ito na coat at white ang polo niya loob at naka neck tie ng itim. Ang gwapo niya talaga kyahhh!
Hay, 1st day of work, umaatake ang kalandian ko.
"Good morning po sir." Bati ko sa kaniya with smile pero wala siyang reaction. Ang cold ng mga galaw niya.
"Don't call me sir, just call me Drake." Sabi niya sakin. Tumayo siya sa kinatatayuan niya at tumungo sa direksyon ko at nakatitig ang green niyang mata sa mata ko. Naawkward tuloy ako. Hindi ko nakayanan ang mga titig niya sa mata ko kaya agad kong yinuko ng ulo ko at napakamot nalang ako sa ulo ko.
"You're beautiful." Sabi niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa habang paikot ikot siya sa akin. Ako beautiful? Oh, thank you Mr. Pogi.
"Sa itsura kong to? Beautiful? Hihihi. Joker ka pala?" nakangisi kong tanong sa kaniya. Pero wala lang sa kaniya yun. Napaka seryoso niya kaya nag peace sign ako sa kaniya.,
Lumapit ang bunganga niya sa tenga ko.
"I'm not kidding Ms. Valencia" hindi ko mapigilang hindi mapalunok dahil sa mainit na hininga niyang tumama leeg ko. OMG. Manyak ba siya? Rapist?
"Wag kang matakot sa akin Ms. Valencia. Hindi ako nangangain ng tao." Sabi niya at agad na bumalik sa upuan niya.
Tinawagan niya ang secretary niya at makalipas ang ilang minute ay nandoon na ito.
"Leandra, pakihatid si Arah sa department na pagtatrabahuan niya."
"Yes sir." Magalang na sagot ni Leandra
"And make sure that she is comfortable." Dugtong niya. Napaisip ako, ganoon nab a ako kaganda? Hihihi *peace sign
***
Hinatid na ako ni Leandra sa pwesto ko. In fairness, ang ganda ng pwesto ko kahit part time lang naman ako dito. May computer sa lamesa.
"Hi! Bago ka dito? Ano pangalan mo?" tanong ng isang babae na nasa tabi ko. Ang cute ng mga chinita niyang mata.
"Hello. Arah Valencia." Sabay abot ng kamay ko sa kaniya para makipag shake hands
Tapos iniabot niya ang kamay niya sa akin. "Louie, Louie dela Cruz." Tapos nag shake hands kami at biglang nagtawanan.
Bigla kaming sinaway ng babae sa kabilang desk tapos binigyan kami ng may-papaparating-look. Paglingon naming sa unahan OMG! Si Mr. Pogi
Papalapit siya sa direksyon ko at kitang-kita ko ang mata niyang kulay green at napakalamig noon. Bigla siyang tumigil sa harap ko.
"Stand up." Sabi niya ng walang ka emoemosyon.nakakatakot naman to. "I said stand up" ulit niya sa akin
Tumayo ako kaagad. Tapos tinawag niya lahat ng empleyado at parang may iaanunsiyo siya.
Hinwakan niya ang kamay ko at parang nagtayuan ang balahibo sa buong katawan ko nung dumampi ang malamig niyang kamay sa balat ko.
Humarap siya sa mga empleyado. "I want you to meet Ms. Arah Valencia. My fiancé."
Bigla namang nag react ang mga tao sa paligid. Yung iba kinikilig, yung iba naman masama ang tingin at yung iba naman tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
Hindi ako makapag salita. Hah? Ako fiancé niya? Aba, 19 palang ako. Nag aaral pa ako at kailangan ko pang magtapos noh. Abno ba to. Oo gwapo siya, crush ko siya pero abuso naman ata tong anak ng tokneneng talaga. Trabahao hanap ko hindi love life.
"Sandali lang ha? Seryoso ka?" tanong ko sa kaniya
"Yes." Sabi niya. Humarap siya sa akin at inipit ang buhok ko likod ng tenga ko.
"Eh?" sabi ko. "Kakakilala pa nga lang natin." Sabi ko sa kaniya.
"Shut up." Sabi niya nang napakalalim ang boses at nakatingin siya sa mga mata ko.
Tumalikod siya at umalis. Sumunod ako sa kaniya. "Parang ang bata ko pa kasi. Hihihi."
"I don't care." Sabi niya. Ano ba to. Parang tuod naman to eh. Nakakainis.
"Mas maganda pa nga ako diyan eh." bulong ng isang babae sa katabi niya
Tumigil siya at itinuro ang dalawang babae na kanina ay nagbubulongan. Nagulat naman ang mga ito at parang takot na takot at yumuko.
"You're fired." Sabi niya ng walang emosyon.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Tuluy- tuloy siyang naglakad. Hinabol siya ng dalawang empleyadong babae para magmakaawa na wag silang tanggalin pero, wala siyang paki alam.
He is so cold.
YOU ARE READING
The Vampire Queen
VampireWhat if isang araw magising ka at biglang nagbago ang lahat? Kakayanin mo bang harapin ang katotohanan? I woke up in this dark room. My eyes widened when I saw someone sitting in the chair with a black aura and a pair of red eyes. I feel goose bump...