Sulat ni Nanay

1.5K 4 17
                                    

My first pinoy work here in wattpad. Enjoy guys! :)

Sulat ni Nanay

“Nay.”

Isang salita lang ang nabanggit ng labinlimang taong gulang na lalaki na nakitang nakaluhod sa lupa, sa bakuran ng isang bahay na halatang napabayaan na ng panahon. Pero hindi ang bahay ang pinuntahan ng binatilyo, kundi ang kahoy na krus na nakabaon sa lupa. Walang nararamdaman ang binatang nakaluhod, at hindi nya alam kung ano ang nararapat na dapat nyang maramdaman.

“Nay, narito na po ako. Nay...”

                Kinuha ng lalaki ang maliit na kwaderno mula sa kanyang bulsa. Nang buksan nya ito, muli nyang nakita ang sulat-kamay ng kanyang ina, na ngayon ay nakabaon na sa lupa at namamahinga nang matiwasay.

                “Nabasa ko na po. Alam ko na po ang lahat.”

                Ibinalik ng binata ang mga pahina sa panimula. At nang basahin nyang muli ang sulat ng kanyang ina sa kanya, muling namuo ang mga luha na matagal na nyang itinatago mula ng malaman nya ang kanyang tunay na pagkatao, at dala na rin ng kanyang pagkawalay sa kanyang tunay na ina.

                Anak, kung mabasa mo ang sulat na ito, marahil wala na ako. Nararamdaman ko, hindi na tayo magkakasama pa, ngunit alalahanin mo, naririyan lang ako sa tabi mo, at hinding-hindi kita pababayaan. Nananalangin lang ako sa Diyos na magiging maayos ang paglaki mo, at walang mangyayaring masama sa iyo. At anak, isang pakiusap lang, huwag mo sana akong kamumuhian kapag nabasa mo na ang sulat kong ito sa iyo, dahil ang lahat ng nangyari ay nagmula lamang sa isang pagkakamali. Anak, tandaan mo, mahal... na mahal... kita.

                Noong wala pang krus sa bakuran ng bahay na dinalaw ng binata, may isang pamilya ang naninirahan dito. Sa loob ng kubo, may mga maliliiit na mga dekorasyon na para sa darating na Pasko. May maliit na parol sa pintuan ng bahay, at may maliit na banner ng “Merry Christmas” sa kainan ng pamilya. Disyembre na noon, at nalalapit na ang kapanganakan ni Hesus.

                “N-nay. Happy Birthday po.”, bati ng isang dalaga, mga labing-anim na taong gulang. Halatang bagong gising pa lang ang babae, ngunit parang may sakit ito.

                “Salamat anak.”, sabi ni Aling Sarah, sabay yakap sa kanyang anak. Ngunit nagulat ang ina nang maramdaman nyang nilalamig ang anak.

                “Julie? May sakit ka ba? Bakit parang nilalamig ka yata.”, tanong niya.

                “W-wala po ito inay. Baka sa panahon lang.”, sagot ni Julie. “N-nay? Ang tatay?”, tanong niya.

                “Hindi ko alam. Maagang umalis. Hindi ko na siya naabutan. Bakit mo nman natanong?”, sabi ni Aling Sarah habang inaasikaso ang kusina.

                “W-wala po. Magpapabili lang po sana ako ng gamot. Sige po nay, balik lang po ako ng tulog. “, sabi ni Julie, sabay pasok sa kanyang kwarto.

                “Sige. Mamaya bibili ako ng gamot.”, malakas na sabi ni Aling Sarah para marining ng dalaga.

                Maya-maya, may yumakap sa likod ni Aling Sarah.

                “Nanay! Happy Birthday po!”, ang malakas na bati ng isang batang lalaki, mga walong taong gulang.

                “Anak! Salamat.”, sabay halik ng ina sa noo ng kanyang anak. “Kain na. Handa na ang almusal.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sulat ni NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon