CHAPTER 8

7.1K 138 4
                                    

CHAPTER 8

Three years later

Hindi naging madali para kay Trisha, lalo na kay Lloyd ang magsama sa iisang bahay. Naniniwala si Trisha na Hindi kailangan ng kasal sa pagitan nila ni Lloyd, lalo pa at nagsasama lang naman sila para sa bata. Kahit na sa loob ng tatlong taon ay walang tigil siyang nililigawan at sinasabihan ng isang milyong "I love you" ni Lloyd ay hindi siya naniniwala. 

Dahil sa kabi-kabila ang umanong babae nito sa paniniwala niya. Bilang isang ama naman ay wala siya masasabi para kay Lloyd dahil naging maalaga ito at mapagmahal kay Llorish. Sa loob ng tatlong taon ay Ceasefire ang namagitan sakanila, siguro dahil na rin sa hindi pag dala nito ng babae niya.

Naging madali naman para sa mga Park ang tangapin ang apo nila na si Llorish. Magka-associate ang mga Moon, Park at Cortez, Pero Hindi dahilan para magustuhan ng mga Park si Trisha dahil sa anak nga ito sa labas, kay Trisha naman ay walang problema dahil hindi naman ang mga Park ang pakikisamahan niya kundi sina Llorish at Lloyd. Alam niyang darating ang panahon at kailangan niya harapin si Lloyd o kaya naman ay ang hiwalayan niya na ito ng tuluyan.

Sabay-sabay na tumayo sina Trisha, Lloyd at Llorish, si Llorish ay nine years old na at Grade Three na ito, Si Lloyd na ang namamahala ng Park Medical at kasalukuyang direktor ng iba't-ibang Ospital nila sa iba't-ibang bahagi ng Mundo. 

Habang si Trisha ay patuloy na pinalalaki at pinalalaganap ang Llorish International sa buong mundo. She was still the best hacker in world sa generation nila, at ang kasalukuyang CEO ng Llorish International.

"Ako na mag-hahatid kay Llorish." wika Ni Lloyd. "May Rounds pa ako ngayong umaga."

"Mag-iingat kayo." Ngumiti si Trisha. "Huwag masyado malikot, Llorish." Ginulo pa ni Trisha ang buhok ng anak bago ito halikan sa noo.

"Bye Mommy" Humalik ito sakanya bago tumakbo palabas ng bahay.

"Bye Trish see you later, mag-iingat ka sa work." sabi ni Lloyd bago halikan ang noo niya. "I love you"

Sinubukang hintayin ni Lloyd kung sasagutin siya ni Trisha pero wala, dahil all those years ay naghihitay nanaman siya sa wala dahil gaya ng lumipas na taon ay laging tango lang ang ibinibigay ni Trisha sa tuwing sasabihin niyang 'Mahal niya ito' nakakapagod pero alam niya may kakalabasan lahat ng hirap niya, na sooner or later ay mamahalin rin siya muli ng dalaga.

Nang makarating si Lloyd sa Ospital at natapos ang lahat ng kanyang Rounds ay ganoon nalang ang gulat niya nang matagpuan ang dalawang kaibigan niyang kasal na, hindi niya maiwasan ang hindi mainis at maingit dahil bukod sa may anak na ang mga ito ay mahal na mahal sila ng mga asawa. Hindi Gaya niya may Llorish nga sila pero hindi naman siya magawang mahalin ng babaeng Ina ng kanyang anak.

"Anong ginagawa niyo dito?" Inis niyang tanong. "Marami ako ginagawa."

"We cancelled all your appointments and check-up today,bro" Si Jairus.

"C'mon mang babae tayo." Si Key.

Wow new flash si Key at Jai mangbabae? Magugunaw Na ba ang Earth? Agad naman siya binatukan ni Key ng mapailing siya, dahil kilalang kilala Na siya ng best friend niya. Alam na alam nito ang iniisip niya. Napabuntong hininga siya bago hubarin ang Doctor's Robe niya at sinabit iyon sa Swivel Chair niya bago hinarap ang dalawa niyang kaibigan.

"Nasaan ang mga bata?" Naiinis Na tanong Ni Lloyd.

"Nasa mga Cortez si Llorish, si Kathey naman ay nasa mga Moon, ang kambal naman ni Jairus ay nasa Parents ni Avy." Ngumisi si Key na tila planado ang lahat.

Sorella 3: Trisha Kessler (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon