Prologue

249 3 1
                                    

"Hindi nila pwede malaman ... Hindi ko naman sinasadya eh ... Kailangan ko lang iligtas ang sarili ko .
Dahil nakita niya lahat ! Lahat lahat ng nangyare sa atin" natataranta at naghihikahos na sagot ng lalaki sa kausap niya sa telepono.

" Anong ginawa mo ? Sagutin mo ko ! Sagutin mo ko ! " sagot naman ng isang babae sa kabilang linya . Halatang nagaalala sa kausap niya.

Samantalang ang lalaki ay palinga linga at nanginginig sa takot dahil sa ginawa niya.

" Pinatahimik ko sya para di niya masabi sa iba kung ano yung nakita niya ... Yung kung anong meron tayo na tinago natin ng napakatagal ! Ginawa ko lang kung ano lang yung tama para sa atin ! Ginawa ko yan para sating dalawa ! Ganun kita kamahal !" Umiiyak na sabi ng lalaki sa babaeng kausap niya.

"Alam ko naman yun. Pero ... May namatay ! ",

" Hindi ko sya pinatay ! " sigaw ng lalaki sa kabilang linya.

" Pinatahimik ko lang siya para di niya sabihin sa iba ang katotohanan. "

" Oh sige ! Huminahon ka lang . Wala bang nakakita sa ginawa mo ? Siguraduhin mo lang at baka malagot ka sa ginawa mo ! " ...

" Dahil sayo ! Kaya ko ginawa yun ! Kaya sabit ka rin. Idadamay kita dito ... Mahal mo ko diba ? Kaya pag nahuli ako . Dapat huli ka rin ganun pag nagmamahal diba? " ...

" Nababaliw ka ba ? Ikaw ang gumawa niyan . Wala ako diyan kaya labas ako diyan ! " sabi ng babae ..

" Kaya nga idadawit kita pag di mo ako tinulungan! Kaya tulungan mo kong itago ito ! Magtutulungan tayong dalawa para matago ang katotohanan tungkol sa atin ... Diba ? Babe ! " mahinahon na sabi ng lalaki sa babae .

Matagal ring di sumagot ang babae.

"Diba? Babe!" Pasigaw na sabi nito ...

"Oo , oo tutu... tutulungan ki.. kiita ! Magtutulungan tayong dalawa ! " sagot ng babae

"Salamat ! Babe ! I love you ... "

" Sige na ! I love you too . Ibababa ko na ito! "

Binaba na ng lalaki ang cellphone nito at lumibot ng tingin sa paligid baka sakaling may nakatingin o di kaya'y nakarinig. Nang makasigurado na siyang wala ay naglakad na ito at tumungo sa isang madilim at masukal na gubat!

Sa kanyang paglalakad ay may narinig siyang mga boses ng mga lalaki na papunta sa kanyang pwesto. Dali dali siyang nagtago upang di makita ng mga ito .

Hanggang sa dumaan na ang dalawang lalaki na sa kanyang pagkakakita ay kilalang kilala niya. Sinundan nya ito ng tingin hanggang sa makalayo.

Nang masigurado siya na nakalayo na ang dalawa ay saka siya lumabas sa pinagtataguan at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakarating siya sa isang abandonadong bahay na napapaligiran ng mga matataas na puno!

Mabilis siyang naglakad at pumasok sa abandonadong bahay!

Sa kanyang pagbukas ng pinto ay nagulat siya sa kanyang nadatnan.



Itutuloy...

Next Chapter - Chapter 1: The Crime

P.S.

First time ko pong magsulat kaya pasensiya na po sa mga pangit na linya at di masyadong detalyadong pagsusulat at pagpapaliwanag ! But i Hope you will like it !

Thank you sa mga unang makakabasa ! Magsusulat po ako ng next chapter kapag may lima na pong nagbasa ng aking Prologue ! Thank you ! Mwahh ! Mwahh ! Mwahh !

The Wanted BoysWhere stories live. Discover now