Chapter 7 - His Hidden Feelings

95 2 0
                                    

(Flashback)

Amiel's POV

Andito ako ngayon sa tapat ng room nila Tina . Nagtataka kasi ako kung bakit ilang araw na siyang hindi ko nakikita O nagpapakita sa akin ...

Wala naman akong naaalala na may nagawa akong kasalanan sa kanya. Recess naman eh ! Sigurado akong lalabas at lalabas siya para kumain .

Ilang minuto akong naghintay para makita siya .. pero wala pa rin. Maya maya ay nakita ko si Ysa na nagiisang naglalakad papunta sa room nila. Tiningnan ko siya at alam ko rin na napansin nya ako pero parang nagulat siya at umiwas ng tingin.
Mabilis ko siyang nilapitan ...

" Ysa, napansin mo ba si Tina? " Sabi ko sabay harang sa daanan niya . Napatigil sya at nagsalita ng nakayuko.

" Ah. May sakit siya eh ! Sa bahay nila ... Puntahan mo na lang doon. "
Sabi niya.

Pero parang nagsisinungaling siya sa akin . Parang hindi ako naniniwala ...

Maya maya ay nagbell na . Hudyat na tapos na ang recess.

"Sige! Amiel Pasok na ako huh ... Baka mapagalitan kasi ako ng titser namin eh"

"Ah Sige. Pasabi na lang Kay Tina na hinahanap ko siya. Salamat"
Sabi ko na lang .

Dumiretso na sya sa room nila na nakayuko pa rin . Parang iba yung mood nya ngayon . Hindi si Ysa na kilala ko ... Di ko pa rin maalis sa isip ko yung sinabi ni Ysa na may sakit si Tina . Kapag may sakit kasi yun sinasabi nya sa akin ... May iba akong nararamdaman huh . . .

Bumalik na ako sa classroom namin ... Sa paglalakad ko may nakita ako ...

" Teka ! Si Alyanna yun ah ? " bulong sabi ko sa sarili . " Sino yung kasama niya? " Sinabi ko naman sa isip ko .

" Ahh baka Boyfriend nya .. eh nung nakita ko siya nung isang linggo hindi naman yun yung lalaki na nakita Kong kasama niya . " Nagtaka ako bigla ...

"Kaya siguro nilapitan nya ako na wag Kong sabihin kung ano yung nakita ko ... Kasi baka mabisto ng boyfriend nya na may boyfriend pa syang iba ... "

Bigla akong naliwanagan at napagtanto na parang naging kasabwat nya ako sa panloloko niya sa boyfriend nya.

"Hindi pwede ito ... Kailangan ng lalaking iyon malaman na may iba pang kasintahan si Alyanna. Hindi lang siya ... " Mahinang Sabi ko habang nakatingin sa kawalan at may halong gigil.

Dito napatunayan na hindi lang mga lalaki ngayon ang nanloloko . May mga babae ring mangagamit at mga makakapal ang mukha na manloko ng lalaki.

"Mr. Tolentino?? ... " Boses ng isang babae na halatang strikta dahil sa madiin na pagbigkas ng apelyido ko ..

" Maam MinChina ??... " Sabi ko habang bumabaling ng tingin sa pwesto kung saan nanggaling ang boses. Ang Adviser namin, ang pinakamasungit na adviser dito sa school.

" In principals office NOW ! " pasigaw nyang sabi sa akin .

"Patay ako nito ... "

End of Flashback

Ysa's POV

Di pa rin niya ako pinapansin .. Alam ko naman na mangyayari ito . Kaya okay lang .. at least napalaya siya diba?? Tama naman yung ginawa ko. Para rin naman sa kanya yun .

" Ysa ... Bakit nandiyan ka sa sulok ? Kumain ka na ba ? " Nagulat ako ng lumipat sa akin si Tita .. mama ni Amiel.

" Opo. Tita ! Ah. Busog na busog na nga po ako eh . . ." Sabay himas sa Tiyan ko .

Ngumiti lang si tita sabay hawak sa kamay ko . By the way , nasa bahay nga pala ako ni Amiel . Naghanda kasi Sila tita para sa paglaya niya .

" Salamat Ysa huh . Hulog ka ng langit kay Amiel ... Simula kasi nung may nangyari kay Tina hindi na namin siya nakausap... Laging tahimik ... Dumating pa nga sa Punto na magpapakamatay pa siya para lang makasama si Tina .. "

" Ah . Eh . O..opo . Oo nga eh. Nabanggit nya po sakin yan . Okay lang po yun. Kaibigan ko naman po kasi siya ... kailangan ko lang iparealize sa kanya na hindi pa huli ang lahat . Na hindi pa katapusan ng Mundo . Na may iba pang taong magmamahal sa kanya " Sabi ko

" At Ikaw yun ... Hmmm " Sabi niya sabay ngiti at paglipat ng kamay nya sa ulo ko .

"Umalis ka na dito !! " nagulat kami ni tita ng biglang sumigaw ng malakas si Amiel ..

Nanggaling sa kusina . Mabilis kaming pumunta doon. Nakita namin si Tito na nasa lapag hawak ang labi nito na nagdudugo samantalang si Amiel naman ay nakaupo sa harap ni Tito at aambahin pa ulit ito ng suntok .

" Amiel ! " sigaw ni Tita . Napatigil sa pagamba si Amiel . Lumapit ako Kay Amiel para hawakan ... Lumapit naman si Tita Kay Tito ...

" Ano bang problema mo Amiel ? Tinulungan ka na ng papa mo para makalaya ka. Tapos Ito yung isusukli mo .. ?" lumuluhang sigaw ni Tita kay Amiel

"Hindi mo ko naiintindihan ma! Etong lalaking ito ang nangiwan sa iyo sa tin . At sumama sa iba . Tapos siya pa ang kakampihan mo ." Galit na sabi ni Amiel .

" Hindi ko hiniling na tulungan nya ako . Kayo yung nanghingi ng tulong . " Dagdag pa niya . Sabay titig sa kin .

"Anak... Dahil mahal ka namin. Ayaw namin na mabulok ka doon sa kulungan. Hindi naman namin kayang tiisin na nakikitang nagdudusa ka doon sa kasalanan na hindi mo naman talaga ginawa ..." Sabi ni tita

Nagsalita na rin ako ..

" Kaya kahit alam Kong magagalit ka sa akin ginawa ko pa rin yun . "

Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ng dalawa Kong palad ang mukha niya ...

" Please . Amiel ... Ako ang may dahilan nito . Pwede kang magalit sa kin kung gusto mo ? Pero please yung galit mo dyan sa puso mo na matagal mo ng tinago ... Palabasin mo na at palayain mo. " Sabi ko sa kanya

" Hindi ko kayang magalit sayo Ysa ... " Inalis nya yung dalawang palad ko sa mukha niya ..

" Pero kung dahil sa kanya .. " sabay turo sa papa nya habang hindi nya inaalis yung matatalim na titig niya sakin .

" Makakaya Ko ... Hindi ko mapapatawad ang mga taong nanloko sa akin lalong lalo na yung papa ko. "
Sabay takbong palabas ng bahay nila ...

Hindi ako nakakurap at nakagalaw sa sinabi sa akin ni Amiel . Ibang amiel ang nakita ko ... Hindi siya yun .. Hindi siya yung dating Amiel na nakilala ko . . .

End of Chapter 7

Nagbabalik si BERDELOCO ...
Para sa The Wanted Boys ...
.
.
.

Sana po tangkilikin nyo po ulit ang aking katha .

Next

Chapter 8 - He's Missing

" Asan ako ! Sino kayo ? Bakit madilim ? Pakawalan nyo ko ! "

The Wanted BoysWhere stories live. Discover now