CHAPTER 2 : THE SUSPECTS

214 2 1
                                    

5 days later

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

5 days later

SPO1 ALEXIS POV

(Sa Police Station)

Nakaupo ako habang hinihintay ko ang pagdating ng aming PSupt. para mailahad ko ang mga nakuhang impormasyon tungkol sa nangyaring krimen.

Limang araw rin akong naghanap ng ebidensya at nagtanong tanong tungkol sa mga nakakita at mga huling nakasama ng biktima.

Ang biktima nga pala ay si Alyana Guttierez , labing anim na taong gulang nagaaral sa Hashville Academy kung saan nakita ang kanyang katawan na nakalagay sa sako at naaagnas na.

Sa pageksamin ng kanyang katawan ay nalaman namin na dalawang linggo na pala siyang patay.

At nung araw lang yun naisip na itapon ng suspek ang bangkay ni Alyana. 

Sa akin ring pagtatanong sa magulang ni Alyanna ay napagalaman ko na isang buwan na siyang nawawala bago matagpuan ang bangkay niya .

Maya maya ay pumasok na ang hinihintay ko ...

" Magandang umaga po sir "
sabi ko sabay pagsaludo tanda ng paggalang sa nakakataas sa akin.

" Magandang umaga rin SPO1 Pangilinan , mukhang ang aga mo ngayon huh ? Ano ang sadya mo sa akin? "
habang naglalakad papunta sa upuan niya at umupo.

" Ahmmm ... Ilalahad ko lang po sana sa inyo ang mga nakuha kong ebidensya sa pagtatanong ko sa mga nakakita , pamilya at kaibigan ng biktima "
sabi ko habang  nilalapag ko ang folder na nagpapakita ng mga taong aking pinaghihinalaang suspek sa pagpatay kay Alyana Guttierez.


Kinuha niya ang folder at binuksan upang tingnan ito

" Mukhang halos lahat sila ay mga binata pa ! " pansin nito sa mga suspek.


" Opo, sa katunayan nga po ay mga estudyante sila ng Hashville Academy . " sabi ko sa kanya.

" Tsk. Tsk. Tsk. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon " panghihinayang na sabi niya.

" Oh .. Tapos.. Sigurado ka ba na sa Hashville Academy nagaaral ang mga ito. "

" Opo. Lima sa mga suspek ay kanyang kaklase ang anim naman na  natitira ay magkakaibang section na po "

" Oh .. Sige .. Isa - isahin natin ang mga suspek. "


" Ito po ang unang suspek si Amiel Tolentino. Kaklase po siya ng biktima.
Isa po siya sa mga kinakikiligan na estudyante sa Hashville Academy .
Sa mga napagtanungan ko po ... Ang sabi nila ay isa itong mabait na bata at di raw sila sigurado na magagawa niya ang pumatay. "

" Tapos ... " sabi niya nagaantay sa sunod na sasabihin ko

"Ngunit isang witness na nagsabi na nakita silang magkasamang dalawa sa isang lugar malapit sa eskwelahan bago mawala nung nakaraan buwan ang biktima."


" Wala bang nasabi ang witness kung bakit magkasama ang dalawa?
At ano ang ginagawa ? " tanong niya sa akin.

" Ang sabi ng witness eh nakita niya lang na sabay silang umalis ng eskwelahan. "

AMIEL'S POV

" Wala akong alam sa nangyare sa kanya  ... Kaibigan ko siya kaya hindi ko magagawa ang binibintang nyo sa akin .. kaya bitawan nyo ako. " pagpupumiglas ko sa mga pulis.

Wala talaga akong kasalanan kaya nga nagulat ako ng malaman kong patay na si Alyanna .

Isa siyang tunay na kaibigan sa akin . kaya di ko magagawa ang pagpatay sa kanya.

" Sumama ka na lang samin.  Ikaw ay may karapatang upang manatiling tahimik... Kahit ano.. " sabi ng pulis habang pinoposasan ako sa kamay gamit ang mga posas .

Halatang siya ang boss sa kanila dahil siya ang nagutos sa mga pulis para posasan ako at syempre siya yung nagsabi ng karapatan kong maging tahimik .. Blaa blaa ..

Napagod na ako sa pagpupumiglas ko kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na sumama sa kanila.

Ipagtatanggol ko na lang ang sarili ko at sasabihin ko ang katotohanang alam ko. Ipapamukha ko sa kanila na mali ang hinuli nila.


" Oh sige . Dalhin na yan " sabi ng boss nila.

Napansin kong umiiyak pa rin ang aking ina.

Kaya nagsalita ako .


" Ma. Wag ka ng umiyak ! Alam ko naman sa sarili ko na ako ang tama .. " sabi ko habang hinahatid ako sa labas papunta sa mobile police car .

" Sige ! Anak . . . magpapadala ako ng abogado para sayo " sabi niya habang umiiyak .


Maya maya ay tumakbo palapit sa akin ang isang babae . Siya ... Siya ang taong pinakakamahal ko ...

" Magwiwitness ako . Alam ko ang nangyare .. " sabi niya sa akin .

" Salamat ! Salamat ! Ysa ! "

At tuluyan na nila akong pinasok sa mobile police car .

Ano na kayang  mangyayare sa akin ?
.
.
.
.
.
Itutuloy .

Next Chapter :
Chapter 3 : Wanted 1 : The Nice Guy

PS

Salamat sa mga nagbasa ng aking likha . Sana po patuloy nyo lang pong basahin ang aking kwento .

Makikilala na natin ng lubusan si AMIEL TOLENTINO .

MagUupdate po ako pag umabot po ito ng 25 reads. 

Thank you !
Mwah mwah mwah !

@berdeloco
Pa follow po !


The Wanted BoysWhere stories live. Discover now