CHAPTER 3 : WANTED 1 : THE NICE GUY

192 2 0
                                    

2 Months ago

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

2 Months ago

(Amiel's POV)

" Yes ! 1 month to go na lang . Gagradweyt na tayo. ", tuwang tuwa na sabi ni Jimuel.

Si Jimuel , isa sa mga tropa ko. Excited na siyang grumadweyt dahil sa wakas na achieve na nya ang Ultimate dream niya. Ang makatapos ng highschool.

Oh diba! . . . Ang baba ng kasiyahan niya no!
Partida ! Nagtatrabaho pa yan sa tita niya bilang delivery boy ng tubig.

" Wag kang masyadong excited. Meron pa tayong project na kailangang ipasa. " ... seryosong sabi naman ni Lucas.


"Napakaseryoso mo lagi no! Madali na lang yun !
Diba Amiel? " sabi niya sabay akbay sakin.

Tumango na lang ako.

" Tingnan mo . Tama ako ! Hahaha ! " sabay alis ng kamay nya sa pagkakaakbay sakin.

" Buti kung matalino ka ! " seryoso pa ring sabi ni Lucas .

Nakita kong nagulat pa si jimuel sa sinabi ni Lucas .

Naku . Sanay na ako diyan sa dalawang iyan . Sa aming tatlo sila lagi ang nagaaway at nagbabangayan.

" Oh ... Sige ! Amiel ! Mauna na ako. Punta pa akong SSG Room" mabilis na paalam ni lucas.

" Aba't di pa ako... " naputol na ang sasabihin sana ni jimuel dahil mabilis na umalis si Lucas.

" Tingnan mo yung kaibigang mong iyon. Di pa nga ako nakakaganti sa kanya,
umalis na !, Matapos niyang laitin ang pagkatao ko "

" Hep. Stop na . Ang daldal mo . ang bilis mo pa magsalita . Rapper ka nga talaga ! " tigil ko kay jimuel baka kasi ano pa ang masabi niya eh .

Maya maya ay biglang nagring ang cellphone ko . Kinuha ko ito saking bulsa at binasa ang text.

" Siya yung nagtext no! " nagulat ako dahil biglang nagsalita si Jimuel . Nakikibasa rin pala siya sa text.

" Tsismoso ka no ! Nakikibasa ka ng may text ng may text.
Hindi siya ito! " sabi ko sa kanya habang tinutulak ko ang ulo niya palayo sa akin

"Hmmm... Naku ! Siya yun ! Sige na . Puntahan mo na doon sa room nila. Hanggat di pa nagbebell .
Iwan mo na ako . Ganyan ka naman eh . Mangiiwan sa canteen ..." madramang sabi ni jimuel with matching pouting lips.

" Bakla ka ba ? Ang arteee mo no. Sige na . Alis na ako . Bahala ka diyan sa buhay mo. " sabi ko sa kanya habang naglalakad paalis .

" Oy . Hinde ako Bakla huh! Kayo talaga huh ... Lagi nyong nilalait ang aking pagkatao .
Di ko alam talaga kung mga tunay ko kayong kaibigan. " naririnig ko pang sabi niya.

Hanggang sa hindi ko na siya narinig .


Hindi pa pala nyo ako masyadong kilala .

Ako nga pala si Amiel Tolentino . 16 years old . Kasulukuyang nagaaral sa Hashville Academy. 4th year - Emerald . Gagraduate na sa susunod na buwan.

Ang dalawang iyon ay ang mga tropa ko . Si Jimuel na mahilig magsulat at gumawa ng rap at si Lucas na sobra sa sungit na President ng SSG sa Hashville

Ako ay Unico Hijo ng aking ina .

Ewan ko lang sa tatay ko kasi alam ko may pamilya na yun . Iniwan nya si mama dahil sa babaeng nakilala niya lang sa bar.

Iyan ang sabi ni mama kaya galit na galit ako sa tatay ko.

Kahit na di ko pa siya nakikilala ay ayaw ko na sa kanya .
Ayoko na siyang makilala pa. Baka masapak ko lang siya.


Pero kahit wala akong tatay . Okay lang yun . Di ko naman siya kailangan.
Andito naman kasi si mama, Okay na kong siya lang ang kasama ko.

Kahit magisa nya lang akong binubuhay eh .
Sa tingin ko naman napalaki niya naman ako ng tama. Mahal na mahal ko ang nanay ko .


Ang dami ko ng nasabi .
Hindi nyo pa pala alam kung sino ang pupuntahan ko . . .

Pero okay lang makikilala nyo na naman siya eh.

Secret lang natin ito huh .

Siya ...

Siya ay ...

Siya ay yung taong lihim kong minamahal . . .

.
.
.
.
.

"Amiel . Ang tagal mo ! Kanina ka pa namin hinihintay eh . Gutom na kami. "

Itutuloy.
Next Chapter :
Chapter 4 : Girl of my dream

PS.

Sino kaya ang babaeng yun ? Makikilala nyo siya sa aking next update .
His Girl Of his dream .

Comment po kayo kung sino ang hula niyo . Thank you .

Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng aking likha . Tuwang tuwa po ako . Pramis ! Sana patuloy nyo lang pong subaybayan ang aking Wattpad . The Wanted Boys.

Pramis . Mas paghuhusayan ko pang mag sulat para matuwa kayo .

This is my Update .
Thank you ulit . Mwahmwah .
Dont forget to vote and comment and please FOLLOW me ! Thank you. Mwah mwah mwah !

Berdeloco 13

The Wanted BoysWhere stories live. Discover now