CHAPTER 4 : GIRL OF HIS DREAM

146 1 0
                                    


YSA'S POV

Ang tagal niya huh . . . Paano kami makakain nito ? Wala pa siya.

Well ! Andito kami sa classroom . Busy sa paggawa ng report para mamaya after the recess.

Bakit ? Tinamad kami gumawa kahapon . Nagparty party kami ng mga kaibigan ko . Parang hindi nyo naman ito ginagawa . Minsan nga assignment eh. Ang mas grabe ... PROJECT .

" Uy YSA ... " tawag sa akin ng kaibigan ko na busy sa pagsulat sa manila paper.

" Galaw galaw din pag may time. Parang wala ka pang natutulong sa report natin huh ? "

" FYI . WALA TALAGA ! " sabat naman ng isa kong Classmate na alam kong napakainsecure sa akin.

" Wala kang pake no. Ako naman bahala sa pagkain nyo eh . Kaya wag kang masyadong insecure diyan. " sabi ko sa classmate kong napakainsecure .

Oo . wala akong ginagawa . Nakakatamad kasi eh saka kahit Hindi naman ako gumawa niyan eh . Papasa naman ako. Kasi nga close ko yung titser namin.

" Oh sige Ysa . . Ako na lang bahala sa report natin. Maupo ka lang diyan . " sabi ni Tina .

Isa sa mga best friend ko . Bilib ako sa kanya huh . Ang sipag niya kasi .

Ibang iba siya sa akin.

Ewan ko ba kung bakit naging magkaibigan kami nito baka kasi siguro siya lang ang nakakaintindi sa akin .
Siya lang nakakaunawa .
Feeling ko nga hindi ako makakarating sa huling taon ko sa highschool kung wala siya.

" Salamat Tina Bestie . . " sabi ko . Ngumiti naman ito .

Nakita ko ring parang may binulong ang isa kong kaklase sa kanya. Pero napansin ko umiling lang siya. Swerte ko talaga sa Bestie ko .

Maya Maya ay dumating na ang hinihintay namin.



TINA'S POV

" Sunud sunuran ka lang talaga sa kanya huh . " bulong sakin ng classmate namin.

Umiling na lang ako . Hindi nila kasi kilala si Ysa kaya sinasabi nila yan.
Hinde naman ako sunud sunuran . Iniintinde ko lang siya. Ganun naman ang kaibigan ah . Nagiintindihan .

Maya Maya ay dumating na siya .

Si Amiel ang Boybestfriend ko . Best friend ko na siya Simula pa ng mga bata pa kami.
Best friend rin kasi ang mga magulang namin.
In specific., yung mga nanay namin.

Sabay kaming pumapasok, umuuwe, gumagawa ng assignment . Yun yung mga Elementary pa lang kami .

Pero ngayong highschool na kami , may nagbago na. Syempre , mga binata't dalaga na kami.

Minsan na lang kami magkasama pero close pa rin kami kahit na magkaiba kami ng section.

Pero ewan ko ba dun . Kahit magkaiba kami ng section eh . Lumalapit pa rin siya sa akin.

InaApproach nya pa rin ako kung ano kailangan ko ?

Kung anong pakiramdam ko masaya ba ako o malungkot ?

Hindi ko naman masabi sa kanya ang mga nasa sa loob ko kasi baka masabi ko yung mga bagay na baka makasira sa pagkakaibigan namin.

Ayaw ko mangyare yun .
Masaya na akong ganito kami . hihihi.

Maya - maya ay nagulat ako sa biglang sumigaw . Si Bestie pala...

" Amiel ang tagal mo . Kanina ka pa namin hinihintay. Gutom na kami eh "


Amiel's POV

" Amiel ang tagal mo . Kanina ka pa namin hinihintay. Gutom na kami eh "

Oy hindi siya ang sinasabi kong lihim kong mahal . Siya si Ysa , ang bad influence sa buhay ni Tina My loves . Oo . si Tina ang lihim kong minamahal . Simula pa ng mga bata pa kami . Siya na ! Siya na talaga !

Ang girl of my dream.



Itutuloy.

Sorry sa napakatagal na UPDATE sobrang busy lang talaga . Sensya na !

Si TINA ang girl of his dream. Gulat kayo ? Abangan sa susunod na kabanata kung paano makakasira sa relasyon ng magBESTIE si Amiel. Kung paano maaapektuhan ang feelings ni Amiel para kay Tina.

At ABANGAN ...

Ang relasyon ni Amiel sa biktimang si Alyanna .

Malapit na !

Thank you sa mga nagbabasa ng aking likha. Patuloy nyo lang pong subaybayan ang THE WANTED BOYS .

# Berdeloco13
PS.

10 Chapters lang po ang kwento ng ating first suspect . Pagkatapos ng 10 na yun. Another Suspect na.
Thank you ! Mwah mwah mwah !

The Wanted BoysWhere stories live. Discover now