KASALUKUYAN
Amiel's POV
Tatlong araw na kong nakakulong dito . Nakakulong sa kasalanang di ko naman ginawa.
Oo , dati hindi kami close ni Alyanna . Eh ano naman ..Diba pwedeng maging magkaibigan kami?
Kaya ko lang naman kasi kasama si Alyanna nung araw na iyon dahil kailangan niya ng karamay .
Karamay, dahil malungkot siya . Malungkot siya dahil ...
Napatigil ako sa pagiisip ng may lumapit na pulis sa Selda na pinaglagyan ko .
" Mr. Tolentino ! Piyanansahan ka na ! Pwede ka ng lumaya ! Pansamantala. " sigaw sa akin ng pulis.
Natuwa ako sa narinig ko . Mukhang tinulungan talaga ako ni Ysa .
Dali dali akong lumabas ng selda at tumungo sa waiting area . Nakita ko doon ang aking Lola na nakangiti .
Agad akong lumapit at yumakap sa kanya.Katabi niya si Ysa . Niyakap ko rin siya .
Napansin kong parang may kulang .
Ang aking ina.Tumingin ako kay Ysa at nagtanong ...
" Saan si mama ? Bakit wala siya dito ? Ikaw ba ang nagpiyansa? Kung ganun , salamat Ysa ... "
Ngumiti lang ito pero alam kong parang may Mali sa kanyang mga ngiti. Kaya bumaling ako sa Lola ko .
" Lola ... Si Mama po nasaan ? "
Habang palapit na sa kanya." Naghihintay sila sa labas ... " sabi niya sabay hawak sa aking ulo .
SILA ?
.
.
.
Sino ang kasama niya ?
Maya maya ay naglakad na ako palabas pagkatapos kong maglog out sa logbook nila.
.
.
.
Tumabi naman ako Kay Ysa at inakbayan siya .
.
.
.
" Salamat ! Ysa ... Tinulungan mo kong mapaalis doon sa kulungan . " sabi ko sa kanya .
Napansin ko naman na ngumiti lang ito at saka yumuko .Naglalakad na kami papunta doon sa isang magarang kotse.
" Oh ... Nakulong lang ako . Nagkakotse na kayo .. " sabi ko habang tumatawa .Samantalang silang dalawa . Walang Imik !
Mukhang may problema eh .
Di ko na matitiis ito .
Humarap ako sa kanilang dalawa at pinatigil sila . Tumigil naman sila at halatang nagulat sa ginawa ko ." Ano ba ang problema? Kanina pa kayo ganyan. Ikaw Ysa ? Anong problema ? May nangyare ba nung nakakulong ako .? "
Tumingin lang siya sa akin at yumuko .
Maya maya ay nagsalita siya .
" Gusto lang naman kitang makalabas sa kulungan .. Alam ko naman na galit na galit ka sa kanya ! Pero ... Siya na lang ang pwede kong hingan ng tulong. "
Naguluhan ako sa sinabe ni Ysa.
" Anong humingi ng tulong? Kanino ka humingi ng tulong ? "
" Sa akin ! Anak ?! " sabi ng taong nasa likod ko .
Alam ko ang boses na iyon ! Kilalang kilala ko !
Lumingon ako para makasigurado . At tama nga ako .
Pagkakita ko sa kanya , parang bumalik lahat .
Lahat lahat ng ginawa niya kay mama. Lahat lahat ng ginawa niya sa akin.
Ang PANGIIWAN niya sa amin." Bakit ka nandito ? " tanong ko sa kanya sabay tingin sa parating na si Mama !
" Amiel! " lumapit siya sa akin at yumakap.
" Amiel ? " , sabi niya pagkatapos niya akong yakapin ng mahigpit.
Samantalang ako ay nakatulala at nanlilisik ang tingin sa isang taong kinamumuhian ko . Isang taong binaon ko na sa limot.
YOU ARE READING
The Wanted Boys
FanfictionA Crime that 11 is Wanted but only 1 Suspect. Kwento ng labing isang lalaki na naging Wanted sa isang krimen. Ibat ibang klase ng ugali, ibat ibang klase ng pamumuhay ngunit naging Wanted sa iisang krimen. Paano nangyari ito ? Paano makakaa...