CHAPTER 5 : HIS UNEXPECTED FRIEND

147 1 0
                                    

" Tina ... Oh ... Eto na yung pagkain niyo. " abot ko sa kanya.

Maya maya ay bigla na lang itong hinablot ng isang impakta. Ah . Si Ysa yun. Siya yung sinasabi kong impakta.

" Akin na ! Kanina pa ko gutom eh. Dami kong ginawa. " habang binubuksan niya ang bawat plastik na dala ko.

" WOW ha?! Ang daming ginawa. Eh kahit nga maghawak ng pentel pen di mo ginawa." Sarkastikong sabi ng isa nilang kaklase habang nagliligpit na ng Manila Paper .

" Please . You shut up! " malditang sabi nito. " Baka gusto mong di makakain nito. Ikaw rin, masarap pa naman itong mga binili ni Camel. Ah . este . Amiel pala . hahaha .."

Ang layo ng Camel sa Amiel . Buwisit ito. Buti hindi nahawa sa kanya ang my loves ko na si Tina. Nakita ko siyang tumatawa ng palihim.

" Anong nakakatawa? Yung Camel. Pagsabihan mo yang kaibigan mong napakaArte huh. Feeling Close . Siya na nga dinalhan ng pagkain, may ... " napatigil ako sa pagsalita ng tinakpan niya ang aking bibig ng dalawa niyang daliri . Biglang bumilis ang tibok ng puso ko . Natameme ako habang nakatitig sa mata ng my loves ko . Maya Maya ay tinanggal niya ito ng mabilis.

" Uy. Amiel okay ka lang ? " tanong niya sa akin saka ako bumalik sa aking katawan. Sa ginawa niya sa akin parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.

" Ah. May sinasabe ka? " tanong ko ulit sa kanya.

" sabi ko kung okay ka lang. Bigla kang nawala sa sarili mo huh. "

" Ah. Nagcoconcentrate lang ako kasi mamaya may test kami. Naalala ko nga pala. Ah . Sige . Tina. Balik na ako sa klase . Kumain na kayo kasi maya maya ay magbebell na .

Paalis na ako ng bigla niya akong hawakan sa balikat .Napatingin ako sa kamay niya bago sa kanya.

" Salamat. Amiel. sa pagkain" nakangiting sabi niya.

Diyan ako nahuhulog sa mga ngiti niyang ganyan. Bago pa ako makagawa ng kung anuman ay ngumiti na lang ako at saka umalis.

My Goodness ! Muntik na iyon. Lakas talaga ng tama mo sa kanya. Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya ang totoo mong nararamdaman. Hay naku!

Maya maya ay nagbell na kaya dumiretso na ako sa room namin. Pero bago ako makarating sa classroom may natanaw akong isang babae . Bakit niya kasama yun? Ah . Ewan ko . Di ko na lang pinansin at dumiretso na ako sa classroom namin.

-------

Uwian na ! Yehey ! Nagmamadali na naman sa pagalis ang mga kaklase ko . Ganyan yan. Yan lang ang hinihintay nila. Ang Uwian ... Hinihintay kong matapos sa pagliligpit ang mga kaibigan ko. Maya maya ay natapos na rin sila.

" Uy Pare ! Mauna na ako sa paguwe. Baka magalit na naman ang tita ko pag late na naman ako sa tubigan. " paalam sa amin ni jimuel.

" Sige Pare. Kita na lang tayo bukas. Ingat ! " sabi ko rin kay jimuel. Umalis na ito at bumaling naman ako Kay Lucas.

" Ahhh. Amiel. Di pala ako makakasabay sa iyo. Nagtext kasi si Lalaine. Sabay raw kami uwe. Alam mo na ? Jowa eh. Kaya sorry . " sabi niya sa akin.

" Ah . Magaling . Hinintay ko pa kayo sa pagliligpit niyo tapos ito lang pala mapapala ko. Ganyan kayo ."

" Sorry na ! " sabay akbay sa akin. " Eh . ngayon lang naman ito. "

" Oh . . siya . . siya . . " inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin.
" Sige na umalis ka na baka ako pa ang maging dahilan ng break up niyo ni Lalaine mo . . . "

" Sige Pare ! May Forever! " sigaw nito sabay tawa habang umaalis. Nagmamadali pa siya. Halatang excited. Parang dati lang . Hate na hate niya si Lalaine tapos ngayon . Eto na . Talo pa niya ang isang Tuta sa pagiging amo at sunud sunuran nito . Lakas rin ng tama nito huh.

Bigla akong may naalala . Maya Maya ay kinuha ko ang cellphone at nagtext . Tinext ko si Tina kung nakauwe na siya . Ihahatid ko siya eh . Maya maya ay may nagreply . Unknown number. InOpen ko ang message . " Uy Camel. Nauna na kami ni Tina may pupuntahan pa kasi kami eh . Sasamahan niya ako . " End of text.

Sino ito ? Ahh. Siguro. Maya maya ay nagtext ulit siya.

" Si YsaMazing ang beauty ito. Please kindly save my number. P.S.
Thank you for the food awhile ago. P.S. again . Wala ng cellphone si Tina. Nawala kaya hindi mo na siya matetext. Sige !"

Hmmm.. Bakit nawala ? Anu ba yan? Lagi pa naman kaming magkatext kapag gabi. Haixxttt .
" Sige ingat na lang kayo ! " reply ko sa kanya. MaSave nga itong number niya baka kung sakaling kailanganin .

Add Contacts .
Name : Ysa .
Erase . Erase . Erase.
Name : Impakta .
Save.
Ayan ! Okay na ! Hihihi ..

Ewan ko na lang pag nakita niya ito sa cellphone ko.

Haizzt . Napansing kong ako na lang pala magisa sa classroom . Makaalis na nga.

Paglabas ko ng pinto , nagulat ako dahil may naghihintay pala sa akin sa labas.

" Amiel. Hi. Pwede ba tayong magusap ?"

" Tungkol saan ? Alyanna ?" Tanong ko sa kanya .

" Tungkol sa nakita mo kanina. " pagaalala niyang tanong sa akin.

Nakita niya pala ako.

" Ah. Sige ba ! ... Saan tayo maguusap? "

" Sabay na lang tayo umuwe. " sabi niya.

" Sige ! " matipid kong sagot sa kanya.

Hala. Bakit kaya ? May Mali ba sa nakita ko ? Siguro ? Ay naku . Ewan.

At Sabay na nga kaming naglakad pauwe ni Alyanna.

Itutuloy.

Next Chapter : His Family

I hope patuloy niyo pa rin po basahin ang aking likha . Kahit hindi maganda . Basahin niyo pa rin po . Thank you . Mwah Mwah Mwah .

Please Follow Me !
#berdeloco

The Wanted BoysWhere stories live. Discover now