Flashback
7 years ago ..
Nasa kwarto ako sa taas ng bahay namin pero rinig mo pa rin ang pagtatalo ng Mama at Papa ko ...
" Saan ka na naman pumunta? Pinuntahan mo na naman siya. Bakit ka ba nakikipagkita pa sa kanya . May anak ka na. Kalimutan mo na siya .. " sigaw ng Mama ko ..
Kahit 9 years old pa lang ako nun alam ko na kung ano ang pinagtatalunan nila ..
Ewan ko ba ... Iniisip ko kung bakit nagagawa yun ng mga asawang lalaki. Akala ko sa Teleserye lang nangyayare yun. Pero sa totoong buhay rin pala ...
Napansin kong parang tumahimik na sa baba .
Wala ng sigawan at bangayan..
Naisip kong bumaba para tingnan.
Pumunta ako sa salas at nakita ko si Mama na nakaupo. Nakayuko at humihikbi .
Umiiyak na naman siya ...
" Ma ! " Sabi ko habang lumalapit kay Mama.
" Anak ! Iiwan na niya tayoo . Sasama na siya sa kabit nya ... Dun sa babaeng nakilala niya .. " umiiyak na sabi ni mama . .
Hindi na ako Nagulat sa sinabi ni Mama dahil matagal na silang ganito ang sitwasyon ...
" Pigilan mo siya Anak .. please " pagmamakaawa ni Mama
Sakto naman palabas ng kwarto nila si Papa.
May dala na itong bag .
Napatigil sa paglakad si Papa ng Makita niya ako .
Ako naman nakatitig rin sa kanya ...
Andaming tumatakbo sa isipan ko ... Pipigilan ko ba siya sa pagalis niya ...
Lumapit si Papa sa akin ... Umupo siya sa sofa pero malayo Kay mama . Pinalapit niya ako ...
Lumapit naman ako ... At umupo sa tabi niya .
Nagsimula na syang nagsalita ...
" Nak.... Pasensya na ... Kailangan lang gawin ni Papa ito .. "Bakit kailangan ? Sabihin mo na lang ang totoo ... Hindi mo na ba kami mahal ...
Yan ang sinasabi ko sa aking isipan ... Pero Di ko mailabas dahil takot ako sa magiging sagot ni Papa .
Ilang taon narin na ganyan na laging nagaaway sila mama at Papa .
" Anak. Kailangan ko lang ng space para magisip ... Pero tatawag tawagan naman kita ... Hindi ako magkukulang bilang Papa mo .. May pagkakataon lang na .... Ah Basta . Anak ... Sa takda at tamang panahon . Maiintindihan mo Rin ako .. " dagdag pa niya .
Sa tamang panahon ... Kailan darating yun ? Alam ko ang nangyayare sa kanila ni mama pero yung dahilan niya na iwanan kami hindi ko alam ...
Bumaling ako ng tingin Kay mama .. nakayuko pa rin ito at humihikbi ... Ibinalik ko ang tingin ko Kay papa ... Hindi ko alam ang sasabihin ko ...
" Amiel anak ... alis na ako, iwanan muna kita. Habang Wala ako . Alagaan mo yung mama mo ... "
Hinawakan niya ang ulo ko at hinimas ang buhok ko ...
Niyakap niya ako ng mahigpit ...
Wala akong nararamdaman na lungkot dahil nararamdaman ko ay galit ..
Galit dahil hindi niya sa akin pinaintindi kung bakit kailangan niyang umalis at iwanan kami .
At kung bakit kailangan niyang gawin sa amin ito lalong lalo na Kay mama ..
YOU ARE READING
The Wanted Boys
FanfictionA Crime that 11 is Wanted but only 1 Suspect. Kwento ng labing isang lalaki na naging Wanted sa isang krimen. Ibat ibang klase ng ugali, ibat ibang klase ng pamumuhay ngunit naging Wanted sa iisang krimen. Paano nangyari ito ? Paano makakaa...