CHAPTER 1 : THE CRIME

246 2 1
                                    

Nagkukumpulan ang mga tao sa isang pwesto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagkukumpulan ang mga tao sa isang pwesto. Nagbubulungan, nagtataka, natatakot at nakatakip ang mga kamay sa bibig at ilong, halatang ayaw ng masangsang na amoy galing sa isang sako sa gilid ng paaralan ng HashVille Academy.

" Grabe ! Yung amoy... Amoy ng naaagnas na. " bulong ng babae sa katabi niyang halatang bagong gising pa dahil sa suot nitong pajama.

" Oo nga ! First time lang may nangyare sa atin ng ganito. Ang may tinapon na bangkay na nakasako. Grabe yung baho! " sagot naman nung babaeng kausap .

" Sure ka bang tao yan? Baka hayop lang yan ! " pagsali naman ng isang lalaki na kanina pa nakikinig sa dalawang aleng nagbubulungan.

" Baliw ka ba ? Halata naman sa amoy na tao yan ! " sagot naman nung nakapajama.

" Bakit magkaiba ba ang amoy ng patay na hayop sa patay na tao aber! Pakiexplain ! " pilosopong sagot ng lalaki ...

" Eh di ikaw na ! Ikaw na magaling ... Lagi naman eh ... Kaya siguro naghiwalay tayo. "

" Hala may hugot ! May pinaghuhugutan .. Naging kayo ba nito ? " tanong ng isang babae

" Nope! Hindi magiging kami ! Dahil di kami talo no ! Hmmp. Echoserang palaka! Diyan ka na nga ! " sabat ng lalaki ay este babae. (Ay naku ! Ano ka ba te ! Naku! Back to the story )

Nagulat naman ang dalawang babae sa biglang pagbago ng pagsasalita at galaw ng lalakwe kanina .

" Chosera palakang yun " sambit ng babaeng nakapajama sa pagalis ng lalakwe.

"Antagal naman ng mga SOCO at Pulis na dumating. Umaalingasaw na ang baho dito huh ... "

Maya maya ay may narinig na silang wangwang papunta sa paaralan.

Mga pulis at SOCO ang mga dumating .
Agad agad silang dumiretso sa gilid kung saan maraming nagkukumpulan na tao .

Dali daling pinalayo ng pulis ang mga tao at dumiretso naman ang SOCO sa sako.

Sa pagbukas ng SOCO sa sako ay mas umalingasaw ang amoy nito sa paligid .

Halos lahat ng tao ay nagbulungan at napaatras dahil sa baho. Lumapit ang isang pulis sa SOCO.

" SPO1 Alexis Pangilinan  po " pagpapakilala nito sa SOCO na may kasama pang paglalahad ng kamay.

Tinugon naman ng SOCO ang pakikipagkamay nito. " Yes sir! Ako naman po si Insp. Rowena Alibang . Head po ng SOCO investigation team dito po sa lugar natin . At isa pong bangkay ng isang babae na halatang estudyante po dahil sa suot na uniform at palda . "

" Ah. Sige . Dalhin niyo na po yan para maeksamin at malaman natin kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng biktima. " utos nito.

" Sige po! " lumingon sa likod at nagsalita . " Team dalhin na natin ang bangkay para maeksamin ang katawan" utos nito sa kanyang team .

Dali daling pinasok ng SOCO ang bangkay sa kanilang sasakyan. Nagsunuran naman ng tingin ang mga tsismosa at tsismoso.

Pagkaalis ng SOCO ay nagsalita naman ng malakas si SPO1 Alexis.

" Okay na po ! Wala na po ang bangkay kaya makakaalis na po tayo.
  At kung sino man po ang may nakakita sa pagtapon dito ng bangkay ay maari lamang na pumunta sa pulisya at makipag usap sakin."

Maya maya ay may nagtaas ng kamay . " Ako po ! " sigaw naman ng lalakwe . " May alam ako ! "

Lumapit si SPO1 Alexis sa lalakwe halata naman na kinilig ang lalakwe. Sinong di kikiligin dahil hindi pangkaraniwan na pulis si Alexis .. Matipuno at moreno . Gwapo! lalong lalo na kapag nakikita ang kanyang napakalalim na dimple.

"May alam akong bagay sayo ? " kumunot naman ang noo ni SPO1 Alexis.

" Ako. Bagay ka sakin Ayiiee" sabay mabilis na yumakap kay SPO1 Alexis.

Habang inaalis ang pagkakayakap ng lalakwe .
" Alam mo san ka mas bagay ? "

"Saan ? " kinikilig na sabi ng
lalakwe .

" Nagsisimula sa P" sagot naman ni SPO1 Alexis na naalis na ang pagkakayakap sa kanya.

"Sa puso mo ?! "

"Hindi sa presinto kaya. Halika at huhulihin kita " mabilis naman na lumakad palayo ang lalakwe habang nagsasalita .

" Joke lang po yun . sige po . Gwapulis .. Mauna na po ako . Miss ko na po kasi mga magulang ko eh Bye po!"

Napangiti na lang si SPO1 Alexis at nagsalita .
" Seryoso po ito kaya makipagtulungan kayo sa amin upang mahuli ang may sala sa krimen na ito... Sige na po . Magsibalikan na po kayo sa inyong mga bahay. "

Nagsibalikan na nga ang mga tao habang nagbubulungan parin tungkol doon sa nangyare .

Habang paalis na ang mga tao ay may isang lalaki ang nakatitig kay SPO1 Alexis .
Nanlilisik at di kumukurap ang mga tingin nito .

Sinundan nito ng tingin hanggang sa napatingin rin si SPO1 Alexis sa pwesto nya . Nagulat siya kaya mabilis niyang iniwas ang kanyang tingin at naglakad paalis na kunwaring walang nangyare .

Dahil sa pagtataka sa tingin ng lalaki, Susundan sana ito ni SPO1 Alexis ngunit tinawag siya ng isa pa niyang kasama .

" Sir ! Saan po kayo pupunta ? "
Lumingon si SPO1 Alexis sa kasama niya at binalik ang tingin sa lalaki ngunit wala na ito.

"Ahh .. Parang may nakita lang kasi akong kilala ko. Sige ! Tara na ! Bumalik na tayo sa police station ng mareport na natin ang nangyare dito " sabi naman niya doon sa lalaki .

Nilingon pa rin ni SPO1 Alexis ang lugar kung saan niya nakita ang lalaki baka sakaling makita pa niya ito ngunit hinde na niya talaga nakita ang kahina hinalang lalake. Wala na talaga ito .

Sa pagalis ng mga pulis ay lumabas ang lalaki galing sa isang eskinita at nagsalita. 

" Pulis ka pala huh ! Hmmm... Mukhang Maganda to ... Excited na ko sa mga mangyayare "

Itutuloy.

Next Chapter
CHAPTER 2: THE SUSPECTS
.
.
.
.

Sana nagustuhan nyo po ang Chapter 1 ...
Salamat sa mga nagbasa.
Mag uupdate po ako ng
Chapter 2 pag nadagdagan na ng lima ang magbabasa ng Prologue ko po.

Maraming salamat po ! Mwah! Mwah! Mwah!

Berdeloco13
P.s.
Free to comments . Comment po yung makakabasa nito para ifollow po kita. Thank you ;)

The Wanted BoysWhere stories live. Discover now