Lean's POV
Ni isa sa amin ay wala pang umuuwi. Naghihintay kami sa kung ano ang magiging desisyon ni Maxine dahil siya ang President. Ngayon alam ko na kung bakit may patak ng dugo akong nakita doon sa labas malapit sa dorm building, siguradong dito yunano naman a galing.
"Lean..bukas samahan mo ko sa bahay ni teacher Park, okay? tutal wala namang pasok eh" Collin. Tumango naman ako. Ba't kaya naisipa ni teacher Park na gawin 'to? ano naman kaya ang motibo---
"Um..guys, di kaya naghihiganti na si teacher Park sa ginawa na'tin?" Loisa na napakagat ng labi niya.
"Ba't di niya ginawa noon? ba't naghintay pa siya ng 3 months? " Maxine. Tanong, puro tanong nalang. Wala na yatang sumasagot.
"Ano magtatanungan nalang tayong lahat? alam niyo bang 7:00 pm na? lagot tayo sa guard nito. Ang mabuti pa kunin na natin yung isa pang kahon" Josh. Lahat naman ay nagsi-atrasan, mukhang walang may balak na kunin yung kahon sa kahon.
"Ano walang kukuha?....Aaron, kunin mo" utos ni Josh. Nagulat naman si Aaron nang siya ang pinili.
"A--ano? ba't ako---sige na nga!" napilit si Aaron nang pandilatan siya ng mata ni Collin. Kumuha ng plastic cellophane si Aaron at papikit na kinuha ang kahon. Nang nakuha na niya, nilagay niya agad ito sa table at sinenyasan siya ni Collin na buksan ito. Lahat kami ay interesado na sa kung ano ang laman ng kahon, nang nabuksan na ni Aaron, lahat kami ay napasilip...
"Papel?" Aries. Agad kong kinuha ang papel sa loob ng kahon at may nakita sa papel..na agad ko nanmang nabitawan at napaupo sa sahig dahil sa TAKOT,GULAT. Napatakip ako sa bibig ko at parang naiiyak.
"Lean bakit?" Josh na lumuhod para magkapantay kami. Di ako makapagsalita kaya tinuro ko nalang ang papel na agad namang kinuha ni Collin.
"...Miss Me?.." napatingin si Collin sakin at tinanong ako.
"Lean? anong alam mo? alam mo ba kung kanino galing 'to?" Collin.
"...O--oo, ang penmanship na yan...kay teacher---Park.." lahat ay nagulat, ang iba ay nagtataka pa rin.
"tama si Loisa, naghihiganti nga si teacher Park" Trisha, natahimik kami sandali nang biglang...
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" may narinig kaming sigaw.
"Sino yun?" Maxine.
"sinong wala dito?" Josh na seryosong-seryoso ang mukha.
"sila Quisha't Jen, mag-ccr lang daw sila saglit--" di nakapagpatuloy si Debbie sa pagsasalita ng agad nang tumakbo si Josh palabas kaya sumunod na kami.
***************
Pagdating namin sa Girl's Comfort room agad naming nakita si Quisha na umiiyak.
"Anong nangyari? nasaan si Jen?!" tanong ni Collin, tinuro ni Quisha ang isang cubicle na agad namang pinuntahan namin at nakita si Jen na nakabulagta sa sahig ng cubicle at naliligo sa sarili niyang..dugo at may nakasulat sa ulo niya gamit ang dugo..
'Miss Me?'

BINABASA MO ANG
Kara's Witnesses (Talk or Die?)
Mystery / Thriller(Tagalog Story) All she wanted was the truth behind the lies, From the eye witnesses who witnessed what happened. Unfortunately, the lies became the truth, and the truth became the lies. How can she change the lie to truth? If everyone was her...