Lean's POV
patawad!..
patawad! di--di ko sinasandya!
patawad!!
"Lean? Lean? okay ka lang? binabangungot ka na naman ah" Josh at binigyan ako ng tubig. Napalanghap ako ng sariwang hangin sa bintana ng bus.
"malapit na tayo sa gate ng school kaya ginising ka na namin" Wendy katabi ko rin at hinagod hagod ang likuran ko.
Galing kami sa Science Trip, at buong klase ay nandito... maliban sa dalawa.
"Nandito na tayo" lahat ay bumaba na maliban sakin.
Di maari.. siya ba yun?
"Ui Lean tayo na" Shaina at binalikan pa ako. Guni-guni ko lang atah yun.
Lumabas na kami ng bus. Bigla nalang may kumalabit sakin.
"Pinaginipan mo na naman siya noh? " Maxine.Napatango naman ako.
"ha? sino? " Shaina.
"Wala ka na dun" sabi ko at pinauna na siya.
"nakita ko siya.. " sabi ko kay Trisha at napatawa siya.
"Alam mo namang 3 months na siyang patay"
"oo, pero baka.. " ako.
"nagmumulto siya? para saan? namatay siya dahil sa sunog at di natin kasalanan yun" Trisha. Napatango nalang ako. Tama si Trisha, wala kaming kasalanan, wala akong kasalanan.
"Trisha Sanchez" Student Checker.
"present ma'am"
"Lean Castillo" Student Checker.
"...um..present ma'am"
******************
Di ako makatulog, palagi siyang gumugulo sa isipan ko. 3 months na ang lumipas nang namatay siya, pero pakiramdam ko nasa paligid ko lang siya.
si Kara na bestfriend ko noon..
si Kara na laging top 1 at nangunguna sa classroom noon..
si Kara na School Student President noon..
si Kara na kinamumuhian ng buong klase dahil palaging tama..
Hindi sa naging masaya ako dahil nawala siya, nalulungkot ako dahil sa mga alaalang iniwan niya sakin.
"Woy, Lean di ka pa ata natutulog? " Aries at naupo sa tabi ko.
"ikaw rin kaya" sabay ngiti ko.
"para atang di maipinta yang mukha mo?"
"di kase ako makatulog.. naaalala ko lang si Kara.. "
"ahem.. bakit naman? kinalimutan na namin siya tapos ikaw hindi pa?"
".. ah.. kanina kase.. parang nakita ko siya bago pa ako lumabas ng school bus"
"wag mo na siyang alalahanin, ginugulo mo lang ang isipan mo. Ang alalahanin natin.. si Denise" oo nga pala, si Denise. One day before Kara died, nawala si Denise. Walang nakakaalam kung anong nangyari sa kanya, ang nabalitaan lang namin pumunta siya abroad with her parents.
"Oh, tayo na sa room baka makita pa tayo ng guard" tinanguan ko siya kaya una na siyang lumakad, susunod na sana ako ng may nakita ako sa lupa...
Dugo.
Hi! first time kong sumulat ng Horror genre na story kaya..support me guys! THANK YOU sa friend ko na si kyutihellokitty dahil pinilit niya akong magsulat hahahahha, and salamat din kay ate OnneeChan, dahil sa "Special Section" na inspire ako! *OA MODE* salamat!
vote.comment.share guys!
BINABASA MO ANG
Kara's Witnesses (Talk or Die?)
Misterio / Suspenso(Tagalog Story) All she wanted was the truth behind the lies, From the eye witnesses who witnessed what happened. Unfortunately, the lies became the truth, and the truth became the lies. How can she change the lie to truth? If everyone was her...