Narrator's POV
Tapos na ang klase. Lahat ay lumabas na maliban kina Becca, Weslie, Loisa, Sheena, Loui, at Vanessa. Nakaupo si Vanessa sa desk niya, si Loui naman ay nakasandal sa pader at sila Weslie, Loisa, Sheena ay nakaupo lang.
"Hindi ba magagalit sila Lean satin?" problemadong tanong ni Loisa. Pinagbawalan kasi sila nila Josh na bawal lumabas ng school dahil baka ano pang mangyari sa kanila.
"Duh! marami naman tayo, di naman siguro susugod yung killer, isip-isip din Loisa" sabi ni Vanessa and she flipped her hair.
"So, Loui. What about your dad's van?"
"tss. Okay na. Kanina pa nga nasa labas eh, hinihintay nalang tayo" Loui. Nagsitayuan na sila at kinuha ang mga bag nila at lumabas na ng classroom. Nadaanan naman nila si Josh, na papasok na ng library. Dali-dali silang nagtago at nang nakapasok na si Josh ay tumakbo na sila papalabas ng school at sumakay na ng van.
Lean's POV
Patungo na ako sa Men's Dorm. Dun kasi ang tagpuan naming lahat. Biglang pumasok si Sarah sa isipan ko. Walang nabanggit si Kara about kay Sarah. Kaya di talaga ako makapaniwala. Huminga ako ng malalim at bigla nalang may kumalabit sakin sa likuran.
"Lean right?" sabi niya at nginitian ako ni Kara--este si Sarah pala.
"Oo ako nga, welcome nga pala dito sa school, sorry kung hindi kita nakausap kanina. Ang dami kasing kumausap sayo" ako.
"It's alright. Ang ganda mo pala sa personal! palagi kang kinukwento ni Kara sakin, bestfriend mo siya diba?" Sarah.
"Oo Haha..umm, speaking of Kara. Anong naging reaksyon mo nung..alam mo na" tanong ko sa kanya. Hindi to ang tamang oras na itanong ko sa kanya to pero wala na akong ibang maisip na tanong.
"Siyempre umiyak ako. Ilang months din akong di pumasok dahil di ko matanggap. Nung umattend ako ng libing niya, di ko kayang tumingin sa kabaong niya. Para kasing ako yung nasa loob. Sabi ni Tita which is mommy ni Kara, halos di na siya makilala sa itsura niya" kwento niya at pinunasan ang tumutulo niyang luha.
"So--sorry di ko sinasadyang paiyakin ka" paumanhin ko. "Ano ka ba, it's okay--" di niya naipagpatuloy yung sasabihin niya dahil biglang nag ring ang phone niya.
"Excuse me lang Lean ha" sabi niya at pumunta sa may punuan sa gilid ng Women's Dorm. Napahinga naman ako. May napansin lang ako sa kanya, hindi nga siya si Kara dahil may tattoo siya sa kamay, may earrings, manicure, therefore, she's too girly, boyish si Kara kaya malabo. Pero may tanong lang ako. Ba't ba siya lumipat dito? Nandito ba siya para maghiganti? o baka siya ang nasa likod ng kababalaghang nangyayari sa section namin?
Josh's POV
Car accident?! nalintekan na! Shit. Mga pasaway kasi! Ano bang pumasok sa kokote nila?!! Parang sasabog ang ulo ko. Anim, anim na naman ang nalagas samin.
"Nasaan si Lean??" tanong ko kay Maxine. Nandito ang iba naming mga kaklase sa dorm lounge, maliban kay Lean at Sarah.
"Sa likod mo, kararating lang" sagot ni Collin habang kumakain ng chichirya. Lumingon naman ako at nakita siya with Sarah.
"kumilos na naman sila" agad kong sabi. Lumaki naman ang mga mata ni Lean habang si Sarah ay parang nalito sa sinabi ko.
"Ano?? sinong nawala??" Lean. Tumingin ako sa ibang direksyon at sinabi kung sino sila.
"Becca, Weslie, Loisa, Sheena, Loui, at Vanessa, anim sila Lean" napatakip ng bibig si Lean. Shit. Anong gagawin namin ngayon, siguradong malalaman ng mga magulang nila to.
"Panong---"
"Car Accident daw, breaking news kanina" Collin. Biglang tumunog ang cellphone ni Lean.
"Guys, it's a video message" Lean.
A/N: annyeong! waaaah! ang tagal na rin ng huling update ko, sorry talaga busy lang sa school. Thank you dahil binabasa niyo parin to kahit ang tagal ng updates ko. Don't forget to hit that little start guys. Comment din kayo para alam ko kung anong mga reaction niyo thanks! mwah!
![](https://img.wattpad.com/cover/70241652-288-k911085.jpg)
BINABASA MO ANG
Kara's Witnesses (Talk or Die?)
Misterio / Suspenso(Tagalog Story) All she wanted was the truth behind the lies, From the eye witnesses who witnessed what happened. Unfortunately, the lies became the truth, and the truth became the lies. How can she change the lie to truth? If everyone was her...