Chapter 4: Say the Truth

61 1 0
                                    



Josh's POV


Lahat kami ay nagtipon-tipon muna bago pumunta sa classroom, except for Trisha na nauna na sa classroom dahil may naiwan siyang importante. Dahil walang pasok ngayon, may inihanda na kaming plano, plano kung ano ang gagawin namin kay Jen, sa bangkay niya. Di namin pinaalam sa mga parents niya ang nangyari, pati na ang mga teachers at ang principal. Minabuti naming isekreto muna lahat.


"Ipapalabas nating nakipagtanan si Jen??! sa'ng kanto niyo ba yan napulot na dahilan??" Collin. No choice kami dahil wa na kaming maisip na idadahilan. Ang iba ay nakatulala, di siguro pa nila malimutan ang nangyari kay Jen. Jen was a close friend of Quisha, na ngayon ay nakatulala at namamaga ang mata.


"Collin, may naisip ka ba? ha?" Maxine na di matigilan ang pagkagat sa kuko niya. Di siya mapakali. I have to stay calm, dahil kapag nagpanic ako, baka wala nang hahalili sa mga ito. Ever since na nawala si...Kara, ako na ang tumayong President, dahil Maxine was a big coward of her responsibilities of being the President. Let's go back from the situation.


"Trisha, samahan mo si Aries palabas ng school bitbit ang bangkay ni..Jen at humanap kayo ng paglilibingan" salita ni Lean.


"ah--sige" Trisha.


"Guys tayo na sa classroom" salita ni Debbie kaya lumakad na kami.

Nang nakarating na kami, biglang nakaagaw ng pansin si Trisha, nakatayo sa harap ng board at hindi gumagalaw. Agad na akong kinutuban kaya nilapitan ko siya.


"Trisha--" napahinto ako ng napansin ko ang nakasulat sa board. Anong----


'SAY THE TRUTH'

Ang nakasulat na...na gamit ang dugo. Hindi na'to nakakatuwa. Kinausap ko ulit si Trisha na namumutla.


"Trisha?? anong nangyari dito? nakita mo ba kung sino??" nakatingin lang sa baba si Trisha at tumutulo ang luha. Lahat ay gulat na gulat kung ano ang nasa board. Hinawakan ko ang dalawang balikat niya at kinausap ulit..


"Trisha--" pinigilan ako ni Lean at sinenyasan na siya na ang bahala. Kaya binitiwan ko si Trisha at nilapitan siya ni Lean. Ano bang balak ni teacher Park? hindi na'to maganda.


"Trisha, naririnig mo ba ako? ha? ako 'to si Lean. okay ka lang ba? ha?" kalmadong salita ni Lean pero may halong pag-aalala. Biglang napatingin si Trisha kay Lean at tumulo ang luha. Lahat kami'y nagulat sa sumunod na nangyari..


(Babala: Hindi kaaya-aya ang mga susunod na pangyayari.)


Sa pagbukas ng bibig niya...





ay ang sabay na pag-agos ng...





maraming dugo.


(Trisha's blood vomit, MULTIMEDIA BOX GUYS!)


Lahat kami'y napatakip ng bibig, may mga nasuka at lumabas nalang. Nagsusuka siya ng maraming dugo...maraming-marami.


"...--eeean..*sniff*...shabi ngiya...hahathayin ngiya hahad ngang ma kinamaman.." malabo ang pagkasabi niya ng mga letra pero naiintindihan ko, sabi niya: 'sabi niya papatayin niya lahat nang may kinalaman'

Tumindig ang mga balahibo ko. Kailangan kitang makita teacher Park, kailanganng kailangan.


"J--Josh, pi--pinutulan siya ng dila....wala siyang awa..wala siyang awa!" Lean.

wala siyang awa!" Lean

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Kara's Witnesses (Talk or Die?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon