Someone's POV
Tinawagan ko siya. Kailangan ko siyang makausap.
"change plan ba kamo?" sarcastic kong sabi.
"uhuh. Gosh, ipapaalam ko naman sayo yung susunod na gagawin kaya relax ka lang! ang alam nila patay na ako sa sunog kaya di sila--" nagsalita naman ako kaya tumigil siya.
"Kara...mag iingat ka" huling sabi ko at binaba na niya. Kumikilos talaga sya ng mag isa nag aalala tuloy ako.
Josh's POV
Kara...Sarah...Sarah...Kara. May kakambal si Kara?
Nung nakita ko siya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit. Josh, it's not her.
Oo, hindi nga siya si Kara na minahal ko, pero ngayon lang ulit tumibok ng ganito ang puso ko. Nakikita ko sa kanya si Kara, physically. I mean, lahat ng features ng mukha at katawan ni Kara hawig na hawig.Nasa library ako ngayon. Searching some books for my assignment nang nakita ko siya. Napatingin din siya sakin. Can you pinch me? naabnormal yung puso ko bigla. Bigla niya akong nilapitan at nginitian. Somebody tell her not to do that, she's damn too cute. •///•
"Hi! classmate tayo diba? ikaw ba yun? sa may window banda?" sabi niya. Tumango naman ako. Kalma ka lang self, kalma.
"Ah, oo ako nga yun, ano nga pala ginagawa mo dito?" pagfifill in ko ng topic para di naman ako awkward sa kanya.
"Matutulog, diba yun yung ginagawa sa library? HAHAHA biro lang. May hinahanap akong libro" palabiro siya, gaya ni Kara. Napatawa niya ako ron ha kahit corny.
" Umm so, Friends?" sabi ko at nakipag shake hands. "Yup!" Sarah sabay ngiti. I see her as Kara, how can I stop looking at her?
Nang nahanap na namin ang mga hinahanap naming libro, nagshare na rin kami ng table. Di ako makaconcentrate sa pagbabasa dahil sa kanya. Parang si Kara lang ang kasama ko ngayon. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya at ngumiti siya. Napaubo naman ako at bumalik sa binabasa ko.
"Priniprito mo naman ako sa init ng tingin mo" biro niya kaya tumawa naman ako.
"Kambal ka nga ni Kara, naaalala ko siya sayo" sabi ko at ngumiti. Biglang may lumapit samin at napatingin kami.
Naglalakad kami ngayon sa corridor, pinalabas lang naman kami ng librarian. Maingay daw kami. Bigla namang nagsalita si Sarah na katabi ko lang.
"Nakakalungkot lang dahil wala na si Kara, di ko man lang siya nakita muli" kumunot naman ang noo ko. Naiisip ko lang, bakit magkaiba yung apelyido nila?
"Nga pala, bakit magkaiba kayo ng apelyido?" tanong ko.
"Ah yun ba. Inampon kasi kaming dalawa. Magkaiba yung nag ampon samin at parehong araw kaming inampon, kaya ako napunta sa labas" kwento niya. Ganun pala, walang naikwento si Kara tungkol sa kapatid nya nakakapagtaka lang.
"Sino nga pala ang nauna sa inyo?"
"Si Kara, pero ayaw niyang tawagin ko siyang ate dahil kambal naman daw kami kaya okay lang" nakarating na kami sa dorm.
"Sige na, malapit na ang dinner, kita nalang tayo sa canteen mamaya ah" paalam ko at kinawayan siya. Kumaway din siya at pumasok na sa Women's Dorm. All my memories WITH Kara flashback when I leave the Women's Dorm. I missed her.
Papasok na sana ako sa Men's Dorm. Nang parang may nahagilap akong nakatayo sa madilim na parte malapit sa Women's Dorm. Nilagay ko ang bag ko sa bench at paglingon ko ulit, wala na. Baka guni-guni ko lang yun. Pagpasok ko sinalubong naman ako ni Collin.
"Saan ka ba galing?" tanong ni Collin na parang problemado.
"Sa library, bakit?" hinubad ko ang uniform ko at napatigil sa sinabi ni Collin...
A/N: Mahuhulaan niyo kaya yung sasabihin ni Collin? Hello Readers! ito na, araw-araw na nga akong nag uupdate dahil malapit na ang pasukan and nagpromise ako na I'll do my best. So don't forget to vote, comment and share.

BINABASA MO ANG
Kara's Witnesses (Talk or Die?)
Mystery / Thriller(Tagalog Story) All she wanted was the truth behind the lies, From the eye witnesses who witnessed what happened. Unfortunately, the lies became the truth, and the truth became the lies. How can she change the lie to truth? If everyone was her...