Someone's POV
(No lights, just candles)
Uminom ako ng tubig pagkatapos ay nilagay ko sa lababo ang baso.
"Sinong isusunod natin?" salita niya habang pinapatulis ang kutsilyong hawak niya. Gusto kong yanigin sila. Kailangan kong baguhin ang plano." Change plan" humarap ako sa kanya at napatigil siya sa ginagawa niya.
"What? okay naman ang plano ah? papahirapan sila, patayin sila, tapos." lumingo-lingo ako at tinusok sa sa mesa ang kutsilyong hawak ko.
"Siguradong magugustuhan mo ang mangyayari. Malalaman mo rin" sabi ko at iniwan siya sa kusina. Pumasok ako sa kwarto ko at tinignan ang damit sa cabinet ko.
Magiging masaya 'to. *creepy smile*
Lean's POV
5 araw na ang lumipas. Wala nang namamatay. Si Josh ang nag aasikaso sa mga hinihinalang ebidensiya. Ilang araw na rin kaming pumupunta ng dorm ng sabay at pumapasok para mabantayan namin ang bawat isa. Nasa Hall kami ng dorm ngayon, kaming lahat maliban kay Collin na pumunta ng canteen.
"Guys!" speaking of him, nandtio na siya.
Lahat kami napatingin sa kanya. Mukhang may ibabalita siya, bad news o good news?"turn on the School TV!" in-on naman ni Quisha ang School TV, napatingin kami sa itaas. Nasa ceiling banda ang TV kasi.
"Announcement: A Female Student Transferee will be here tomorrow" yun ang nakalagay sa screen. May transferee bukas. Akala ko na kung ano. Napansin ko namang kanina pa tulala si Trisha kaya tinapik ko siya.
"Okay ka lang ba Trisha?" tumango lang siya at nginitian ako. Bigla naman akong hinila ni Josh papalayo sa iba.
"Bakit Josh? may problema ba?" salita ko.
"Lean, sabi ni Trisha...mukhang nasa kanilang dalawa nila Teacher Park at Kara. Ewan ko kung ba't ngayon pa niya pinaalam sakin, sabi niya nung kinausap siya nung nagputol ng dila niya, sabi ng killer "ginusto mo yung nangyari sakin?" Kara, di kaya silang dalawa? nalaman na natin na lalake yung killer sa isang video at sinabi rin sakin ni Trisha na kutob niya babae yung nakita niya" Seryosong sabi ni Josh. Pero patay na si Kara. Paanong siya? Di kaya nagsinungaling yung matanda run sa bahay ni Teacher Park? kaya ba kinutuban ako nun? Naptingin ako sa labas nang may nakita ako sa malayuan na isang babae--
t--teka-- si Kara yun.
Tumingin ako kay Josh at tinuro yung nakita ko pero..
"Josh si Kara---" pagtingin ko ulit, wala na-- ay mali, wala pala. Nakikita ko na naman siya.
"Lean, gutom lang yan, kumain nalang tayo" sabi niya at tumango naman ako. Baka nga imahinasyon ko lang yun.
BINABASA MO ANG
Kara's Witnesses (Talk or Die?)
Mistério / Suspense(Tagalog Story) All she wanted was the truth behind the lies, From the eye witnesses who witnessed what happened. Unfortunately, the lies became the truth, and the truth became the lies. How can she change the lie to truth? If everyone was her...